Kabanata 5: Birthdays

6 1 0
                                        

Sa madaling salita; pumasok si Sulaiman sa room at sinabi nila sakanya yung nangyari...

To make the long story short: Eto yung pinaka-awkward na sinaryo ng buhay ko...

~~~

2 Days Before that:

@ Quimson Street
Birthday ng kababata ko na si Lawrence , October 14 talaga yung birthday n'ya, pero October 15 ginanap yung celebration.

Nag-celebrate kami sa apartment ng isa naming ka-batch na si Khel , kasama ni khel yung Boyfriend n'ya sa celebration na'yon.

Bilang babae naisip n'ya na s'ya lang yung babae sa apartment, kaya sinabi n'ya sa'min na mag-inbita kami ng iba pang babae para may kasama s'ya.

Kaya lahat ng nakaka-chat kong babae ay inimbita ko.

Pero lahat sa kanila, tatlo lang yung nag-response;

"Ta-try huh? hindi ako sure" sabi ng una.

"Wait magpapaalam lang ako" sabi ng pangalawa.

"Hindi pwede eh" sabi ng pangatlo.

Meanwhile:
Hindi na nag-reply yung unang responder, sumunod ay hindi raw pinayagan yung pangalawa.
Kaya naisip ko na wala akong maiimbita, hindi ko naman pweding inbitahin si  May diba?

Kaya patuloy nalang ako nakipag-chat...

"Wait gagayak lang ako" sabi ng pangatlong responder, na ang ibig sabihin ay pupunta s'ya dito.

Mga minuto lang ang nakalipas ay nakarating na s'ya, at pinakilala ko s'ya sa mga kasama ko...

"Guys si Jacquilyn, nainbita ko" sabi ko sa kanila.

Kaya naman umupo na kami at pinaikot na ang baso.

Habang umiikot ang baso, si Bithday boy ay may nainbita rin, isang babae na lagi raw naglo-load sa kanya, nainbita rin si Ruby , isa pa naming kaybigan na super best friend ni Khel.

Marami talaga silang nainbita, pati nga si May nainbita rin nila.

Mula noong dumating si May, hindi na'ko nag-enjoy, buti nalang tinamaan na'ko ng alak.

Ang panget kase ng eksena kanina; pumasok s'ya ng pinto, unang tingin n'ya sakin na katabi ko si Jacquilyn, makakadama sana ako ng awkwardness kaso hindi na kase medyo hilo na rin ako noon.

Kahit na ganon, walang nakapigil sa ikot ng baso.

Maya-maya nag-aya na si Jacquilyn na umuwi sa kanila dahil may gagawin pa s'ya, kahit medyo hilo na rin s'ya.

Kaya sinabi ko sa kanila na ihahatid ko lang s'ya sa Toda.

Habang naglalakad kami papunta sa Toda, nagtatawanan kaming dalawa sa hindi ko malaman na dahilan.

"Sampalin mo nga ako" sabi ko sa kanya.

"Bakit? ayaw ko nga" sagot naman n'ya.

"Dali na, hindi ako masasaktan" sabi ko sa kanya.

"Bakit naman?" tanong n'ya.

"Kase manhid na'ko, nagmamanhid na yung katawan ko, hahaha, Dali na ah" sagot ko sa kanya.

Kaya sinampal n'ya ako ng saktong lakas.

"Nahihilo ka ba?" tanong ko.

"Sakto lang" sagot n'ya.

"Sakto lang? Pambihirang sagot yan, hahaha" sabi ko.

"E sakto nga lang" sabi naman n'ya ulit.

Hanggang sa sumakay na s'ya sa tricycle para umuwi. Nagpaalam s'ya.

Sakto langMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon