Kabanata 6: Sulyap Tingin

6 0 0
                                        

Next Day:

Sa madaling salita; pumasok si Sulaiman sa room at sinabi nila sakanya yung nangyari...

To make the long story short: Eto yung pinaka-awkward na sinaryo ng buhay ko...

Ngumiti lang si Sulaiman na hindi mo alam kung ngumingiti ba talaga, kase s'ya at ako lang ang nakakaalam sa'min na officially break na sila ni Jacquilyn.

Sa araw na'to nagsimula ang araw-araw na awkward moment sa buhay ko... Nako mukhang papasok na'ko buhay na hindi ko dapat papasukan ah.

Kahit na ganon magkaybigan parin kami ni Sulaiman, minsan tinatanong n'ya kung kamusta si jacquilyn, sinasabi ko minsan na "ewan ko" kapag hindi ko s'ya naka-chat, pero sinasabi ko namang "okay lang" kung makakachat ko s'ya.

Hayst! nasa gitna ako ng dalawang ito ah...

~~~

"Manunuod kaba ng sayaw namin bukas?" chat ni Jacquilyn sakin.

"Ahm. Oo, Staff kaya ako ng mga performers" sabi ko naman.

Nagdagdag ako ng "Si Sulaiman naman yung manunuod sayo eh"

Sumagot s'ya ng "Eh ikaw nga gusto kong manood eh"

"Staff din si Sulaiman" share ko lang.

"Ano naman, basta manunood ka hah?" chat n'ya sakin.

Grabe parang close na talaga kami agad, ang bilis! Dahil lang sa mga hugot at mga kalokohang topic namin sa chat halos gabi-gabi.

Kase nga diba? S'ya yung pinakamagulo sa barkada nila tapos ako naman sa barkada namin, kaya siguro nagkasundo kami sa ganon.

Ano ba itong sinsabi ko...
Nandito lang ako para maging okay s'ya habang wala si Sulaiman, pero parang bitter na bitter parin s'ya kay Sulaiman base sa mga sinasabi n'ya.

~~~
Next Day:

Performance day na para sa lahat, hindi palang nagsisimula...
Nasagi ko yung paningin ko kay Jacquilyn, sa hindi inaasahan nakita ko na nakatingin din s'ya sakin.

Kaya naman agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya at tumingin sa ibang lugar.

At habang ginagawa ko ang tungkulin ko bilang staff, at hinihintay ang performance ng bawat isa, patuloy paring nagsasalubong ang mga mata naming dalawa.

Sa bawat tingin n'ya sakin ay may kasamang ngiti.

Nakakailang pa naman, kase mula sa una nasa tabi ko si Sulaiman, kaya kung maaari sasabihin ko sa kanya na "Wag kang tumingin ng ganyan"

Minsan naman ay nakikita ko s'ya na napapasulyap din kay Sulaiman, kaya medyo nagiging komportable ako na hindi lang ako ang tinitignan n'ya.

Hanggang dumating na ang oras na sila na ang magpeperform;

Sa unang Bayo palang ng tugtog nila makikita mo na, na dancer talaga s'ya, nasa unahan pa naman s'ya; kase maliit s'ya.

Pero wag ka sa mga galaw n'ya, swabeng swabe, makikita mo talaga na nagsasayaw s'ya.

Pero wag ka rin sa mga tingin na may kasamang ngiti n'ya habang nagsasayaw, mapapailing ka! at mapapasabi na " Bakit sakin ka nakatingin?! yung katabi ko yung dapat mong tignan ng ganyan"

Ang kaso lang sutil ata ito eh, sakin parin n'ya binibigay yung mga tingin at ngiti n'yang ihuhulog ka sa bangin na kung saan ay wala ka dapat doon.

Meanwhile: natapos na ang event na'yon, umuwi ako para makapagpahinga narin, mahirap din palang maging staff...

"Busy ka?" nag'chat ni May.

"Bakit?" reply ko.

"Samahan mo'ko kumain ngayong Dinner?" request n'ya.

Pinag-isipan ko muna, pero...

"Sige" reply ko.

Nagpaalam lang ako sa ka-chat ko na si Jacquilyn, para lumabas, dahil hindi ko dadalhin yung Cellphone ko, para makapag-charge ng maayos.

Maya-maya, lumabas na kami ni May para samahan s'yang kumain.

"Pahiram ng Cellphone mo?" sabi n'ya habang kami ay naglalakad.

Sinabi ko na "Nasa apartment, nag'cha-charge."

Medyo nainis s'ya na nagduda, pero bakit n'ya gagawin 'yon ? wala naman na kami...

"Ay ganon, hmhm! sige okay lang" sagot n'ya.

Kaya naman kumain lang kami sa Jollibee, at habang kumakain may napansin akong kakaiba.

Ka-chat n'ya si Jacquilyn...

Dahil nakalapag yung Cellphone n'ya sa lamesa at nakita ko na may nag-chat at Display Picture ni Jacquilyn yung lumabas sa notification.

Grabe, daig pa ne'to spy ah...

"Kaano-ano mo s'ya? sumagot ka ng tama." tanong ni May na parang nag-iimbistigang pulis.

"Si Jacqui? Kaybigan lang" sagot.

"Hooooo, kaybigan lang magkasama nga kayo noong Birthday ni Lawrence!" sabi n'ya.

"Luh? kaylangan ko pa bang ikwento yan?" sabi ko.

Lage nalang kami gento kapag magkasama, tapos sasabihin ni mama na balikan ko s'ya? ano yun babalik ako sa puro issue na relasyon?

In short: para kaming tangang nagsasagutan pabulong sa loob ng Jollibee.

Hanggang sa umuwi nalang kami ulit. Medyo pinakalma ko sarili ko at nagkipag-chat nalang ulit.

"Saan ka galing?" chat ni Jacquilyn.

OMG! Ano ba ito!!!

"Lumabas lang" sagot ko

nagtanong ulit s'yang "Sino kasama mo?"

Hindi ko alam ang sasabihin ko, pero tutal mukang alam naman n'ya kaya sinabi ko na lahat ng totoo.

Hanggang sa nagpatuloy kami sa pag-chat.

~~~
Next Day: at CRT old building.

Naglalakad kami sa Hall way dahil wala nang mas'yadong klase dahil malapit na ang Sem. Break.

Meanwhile: nasa isang Hall way kami palabas ng building at sa kabilang banda nandoon si Shiemarie at ang mga kaybigan n'ya, papasok naman ng building.

Palapit ng palapit sila sa amin at kami sa kanila, hanggang sa tuluyang nagkasalubong kami ni Shiemarie.

"Yiiiieeeee!!!!" as usual , tukso nanaman ng mga tao, at nagtinginan kami ni Shiemarie at iniwas agad ang tingin at nagpatuloy sa paglalakad...

"Awwwwwwww!" Asar ng mga kaybigan n'ya at mga kaybigan ko, matapos ang nang yari.

"Bakit hindi mo na ata pinapansin si Shiemarie?" tanong ng mga kaybigan ko.

"Wala lang" Sagot ko.

"Dahil may Jacqui kana ba?" sabi pa nila.

Hayst buti nalang wala si Sulaiman ng mga oras na'yon nahuhuli sila sa paglalakad.

"Anong plano sa Sem. Break? tara gala" Sabi pa nila.

Nako! Nako! Duda ako dyan! sa Gala ku'no n'yo...

Pag-usapan nalang daw sa Group Chat, o baka naman Gumala nalang sa Group Chat.

~~~

Semester's Break!

Umuwi ako sa Dingalan Aurora para sa Sem. Break...

Pero hindi nawala ang Convo. namin ni Jacquilyn at minsan ni Shiemarie.

Salamat nakaraos din sa Sem na'to. bawi nalang next sem, baka sakaling tumaas Grade ko.








~~~
*Mas naging Close pa kami ni Jacquilyn this Sem Break...

--------
Share! Vote! Support!
Let's Go!
Sorry if there have a typo.

Sakto langMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon