Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Kabanata 7: Tamis

6 0 0
                                        

Mas naging close kami ni Jacquilyn sa chat, text at minsang tawagan noong Sem. Break...

Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa ito, siguro dahil wala rin naman akong maka-chat. Pero dapat hindi gento! Ex-Girlfriend s'ya ng Bestfriend ko, ano ba Lhenard!? Okay ka lang?

Minsan umiiwas na talaga ako, baka kase ma-out of carry ko ng sobra; Mahirap na.

Isang gabi:

"Oyy! Bakit napapangiti ka sa harap ng Cellphone mo? sino yan?" Tanong ni mama ko sakin.

Hindi ko alam! pero sumagot ako ng "Kalandian ko ma."

"Baliw ka! nakipag-break ka kay May tapos may kalandian ka" Sagot ni mama.

"S'ya naman yung nakipag-break eh." paliwanag ko kay mama.

Sumagot si mama habang paalis sa pwesto n'ya ng " Hoooo! Tigilan mo nga ako Kuya, kung ano-ano nalang ginagawa mo"

Lage sila boto kay May, dahil siguro sa 2 years mahigit din kaming nagsama ni May.

"Ma! Magpapaenroll ako!" Sumigaw ako ng nasa 'di kalayuan si mama.

Narinig ko lang mula sa malayong tinig yung "Oo sige" na sagot ni mama.

~~~

"Kumain ka na ba?" Chat ni Jacquilyn sakin.

Nag-reply ako ng "Opo, Ikaw kumain kana rin neh?".

Ang sweet naman, hindi ko alam kung pa'no kami na punta dito; hindi ko alam kung pa'no ako na punta dito. Real Quick!

Flashback:

Sa madaling salita; pumasok si Sulaiman sa room at sinabi nila sakanya yung nangyari...

To make the long story short: Eto yung pinaka-awkward na sinaryo ng buhay ko...

Ngumiti lang si Sulaiman na hindi mo alam kung ngumingiti ba talaga, kase s'ya at ako lang ang nakakaalam sa'min na officially break na sila ni Jacquilyn.

Sa araw na'to nagsimula ang araw-araw na awkward moment sa buhay ko; pero bakit naman ako ma'a-awkward sa mga nangyayari kung hindi naman ako guilty.

Kaso lang kase parang guilty ata ako, hindi ko kase alam kung bakit masaya akong ka-chat si Jacquilyn, siguro nalilibang ako o nagkakasundo kami sa mga kalokohan...

Kaya awkward talaga yung tingin at ngiti ni Sulaiman sakin, may nararamdaman akong mali, may mali eh.

Hanggang sa dumating yung araw na pinakahihintay ng Compusearch (Journalism Team ng College namin) ang DSPC:2017 !!!

~~~

Gumising ako ng 7am upang maghanda para sa DSPC:2017;

After ng lahat ng paghahanda ko, binuksan ko yung Facebook Account ko, then I'll check my inbox.

May chat si Jacquilyn...

What!!! ??

It's a Long Sweet Good Lucking Message for me.

Sobrang sweet talaga, kaya sobrang kinabahan ako lalo, Hahaha. parang pinaalala n'ya na ngayon na sa araw na ito ang DSPC.

Bakit ang sweet? Bakit ganon ang sweet? Siguro dahil din sa araw-araw kami magka-chat at nagtatawanan, since I've send a personal messange for her, back in the time that she posted a Hugot Line for ma'men Sulaiman.

Pinipilit kong wag humantong dito, pero mukhang na-out of carry na'ko, but I'll do my very best to control it para hindi sumobra ang pagka-out of carry ko.

By the way! Nag-reply ako ng Gratefulness  Messange para pabalik sa kanya.

Dahil sobrang sweet ng momentum noong mga oras na'yon.

I can't control my feelings and sent her an "I Love You!".

Alam kong hindi pwede, alam kong hindi dapat, pero bahala na sa susunod n'yang reply sa'kin. Sobrang awkward na sinabi ko yun.

Wala akong pakielam sa sasabihin n'ya sakin, kung magalit o hindi na s'ya mag-reply.

Sobrang nakaka...

"Pwede na bang mag I love you too?" reply n'ya sa sinabi ko.

...hiya.

Whattt!!! ??

Totoo ba itong nabasa ko? Freak! It's Crazy!

Mark the date Octuber 26 2017!!

"Ah ikaw bahala ka" reply ko agad ng ala-kidlat ang bilis.

Then she replied "Hindi pa pwede ata, sige Goodluck nalang d'yan"

What the Heck!? kala ko yun na eh.

Pero it make sense; kase hindi pa naman kase kami nag-date at wala pa akong effort na naipapakita maliban sa mga bagay na kahit sino kayang gawin basta babaero. Last na pagsasama namin nung Birthday lang n'ya that's all.

Kaya pa'nong mangyayari na maging kami ng ganon agad. Isa pa natatakot ako kase, ex-girlfriend s'ya ng bestfriend ko, baka kung ano nalang ang tingin nila sakin.

At Isang malaking himala kung ganon ang mangyayari; Oct. 16 ang Birthday n'ya at Oct. 26 yung DSPC. just a 10 days, kaya isang malaking no way, it won't happened.

Aftermath:
Talo parin naman kami sa DSPC, pero personally mukhang nanalo ako. Kase after DSPC, mas naging sweet yung convo. namin ni Jacquilyn. Hindi na kagaya ng dati na parang wala lang...

~~~

"Ma! engeng pera hah, para sa pag-enroll ko" sabi ko kay mama.

"Magkano ba?" tanong ni mama, feeling galante talaga.

"1k" tugon ko.

"Ang laki naman! magkano lang yung pag-enroll." Sagot n'ya.

"Mag'de-date kami ng Kalandian ko" sabi ko kay mama.

Sinagot ba naman ako ni mama ng " Kung ano-ano yang ginagawa mo kuya! kala mo ka tumatae ng pera, malandi ka, Hahaha"

Pero pinilit ko parin s'ya, at pumayag s'ya dahil pupunta rin sila sa Cabanatuan sa araw na magpapa-enroll ako.

~~~

"Sabay tayo magpa-enroll?" tanong ko kay Jacquilyn.

"Sige ikaw bahala" Sagot n'ya.

"Tapos samahan mo'ko may bibilin lang ako" dagdag ko pa.

Kaya sumagot s'ya ng "Sige"

Namimiss ko na talaga kase s'ya makita, kaya nakisabay ako sa pag-enroll sa kanya.

Naalala ko lang kase yung mga ngiti n'ya at tingin sakin, kapag pumupunta ako sa New Building, s'ya naman ay papunta sa Old Building, pero may kasama kami, kaya hanggang tingin lang kami.

Hindi kase nila alam na nagkaka-chat kami, at hindi nila dapat malaman.

Minsan kapag nagkakasalubong kami, yumuyuko nalang ako para kunwari walang nakita.

Kahit saan kami nandoon, pinipilit kong wag magsalita, kahit hindi ako sanay na hindi magsalita at hindi batiin yung mga tao na kakilala ko.

Lalo na kapag ka-close ko, kaya ni Jacquilyn, ka-close ko s'ya sa Chat nga lang.

Secret lang dapat muna...

~~~

Dumating na nga ang Enrollment day naming dalawa:
Kasama sila mama, dahil may bibilhin din sila sa Cabanatuan,

2nd Sem! Wish me Luck!

----
Author's notes:
Vote! en Enjoy!

Let's Go!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling na-update: Apr 24, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sakto langMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon