Isang masikap na dalaga. Mataas ang pangarap. Medyo mataas. Nakatira ako sa isang mansyon.Anim na araw sa isang linggo kong pinagsisilbihan ang dalawang binata o bachelor na mga anak- mayaman. Sina Sir Sed at Sir Dave; parehong gwapo, laging maban...
"Amira gising na.Gumising ka na kasi maaga pupunta sa airport si Sir Gallagher ngayon."Tinig na naman ni ate Jenna na aming Mayor Doma ang gumising sa akin ngayong Sabado ng umaga. Malambing na pagising iyon. Nakakapagtaka. Bakit kaya.Hindi ko man lang narinig ang alarm clock ko. Nakapikit pa ako. Alam ko. Parang may napaginipan akong maganda na hindi ko maalala.
"Opo ate Jenna." Sumagot ako sa kanya habang nakahiga pa.
Nakapikit pa rin ako.Kinakapa ko ngayon kung nasaan na ba yung cellphone ko. Kinapa ko sa ilalim ng higaan ko ngunit wala. Wala rin sa puwetan ko. Hindi ko narinig ang alarm. Tinulungan kong tumayo ang sarili ko na parang katumbas ng sampung sako ng bigas.Nakaupo at kinukusot ko muna ang mga mata ko.Hindi ko pa rin mahagilap ang cellphone ko.
"Magandang umaga po Ate Jenna. Pasensya na po kayo, hindi ko kasi narinig yung alarm ko e.Salamat po sa pagising ninyo sa akin." Nagsorry ako sa kanya ng ilang daang beses kasi alam ko istrikta sya.Binata pa ata si Sir Gallagher si Ate Jenna na ang unang katulong dito sa mansyon. Masasabihan na naman ako nito. Tinitigan nya ako at ngumiti siya sa akin."Pinapatawa mo ako palagi, ikaw talagang bata ka.Oh tara na sumunod ka na sa akin sa kusina sa baba." may lambing nyang pakiusap.
Wow.Hindi nagalit sa akin si Ate Jenna. Nakakapagtaka naman. Grabe itong umagang ito. Maganda siguro ang panaginip niya.Hindi muna ako naligo. Mamaya na lang siguro. Paborito ko kasing tingnan ang araw mula sa bintana ng silid-tulugan naming nasa ikalawang palapag ng mansyong ito.Nakatutok ang bintana namin sa sikatan ng araw. Maagang sumilip ang haring araw. Kulang ako sa tulog ngunit ang ganda ng gising ko.Lumabas ako ng balcony dahil mag-uunat -unat muna ako.Palagi ko itong ginagawa, araw-araw.
"1,2,3,4,5,6,7,8...8,7,6,5,4,3,2,1!" nagbibilang ako ng jumping jack.
Pagkatapos kong humingal , "inhale exhale " lang ang peg ko napansin kong may tao sa kabilang balcony.Parang may humagikgik nang maikli at mahina. Yung silid tulugan kasi namin may silid pang katabi iyon at may sarili itong balcony. Nandoon ang mini library ng mansyon. Sa labas ng balcony sa kabila may nakaupo sa isang reclining chair o yung upuang pwedeng i-adjust at ihiga. Nakaharang ang isang pahayagan ng Manila Bulletin sa mukha nya. Pero alam ko si Sir Gallagher iyon.
"Sir Gallagher magandang umaga po! "medyo napasigaw ako. Maganda ata gising ko e.
Pagkatapos ng bati ko hindi siya sumagot.
"Baba na po ako sa kusina sir." pahabol ko sa kanya at pumasok ako sa silid -tulugan.
Sumilip kaya ako ulit? Lumabas ako at sinilip ko ang balcony sa kabila.
"Nawala?" tanong ko sa sarili.
Agad na akong nagpalit ng damit at nagsuot ng apron.Maaga kasi ang lakad ng amo namin. Susunduin ni Sir Gallagher si mam Rosey. Nananabik na akong makita si Mam Rosey. Ako lang ata ang nananabik at si ate Jenna. Yung iba kasing katulong nayayamot sa kanya tuwing nasa mansyon siya. Naalala ko na. Kaya siguro masaya si Ate Jenna ngayon dahil darating si mam. Palabas na ako ng silid-tulugan namin at nagmamadaling pumunta sa kusina. Mahaba -haba din itong staircase. Ang ganda dito. Pakiramdam ko prinsesa ako dito. Hahaha! Bumaba ako ng may ngiti.
"Amira, pakihatid naman itong tray ng fruit platter sa kainan. Pakiusap. Naghihintay na sila doon."
"Sila?"pahabol kong tanong na walang nakuhang sagot. Iniabot sa akin ni Ate Jenna ang isang fruit platter na may mga strawberry, hiniwang mga mangga at papaya, mayroon ding konting kiwi, at pinya.
"Ako na po ang bahala dito ate Jenna."
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Buhat ko ang isang tray na maraming tanong sa isip ko simula pa kagabi. Si Sir Gallagher ba yung nakakita sa akin kagabi?Nasaan na ba yung cellphone? Ilang hakbang mula sa kainan nasulyapan ko ang isang taong nagbabasa ng malaking dyaryo at natatakpan ang mukha. Mahilig talagang magbasa ng dyaryo si Sir Gallagher. Mayroon ding dalawang pinggang nakahanda na sa mesa at samu't saring agahan. Bakit may dalawang pinggan pero isa lang ang tao sa kainan.At bakit may tocilog? Pumasok na tanong sa isip ko. Siguro nagbago na ang panlasa ni Sir Gallagher.
"Sir Gallagher ito na po yung fruit platter ninyo. Kumusta po ang gising ninyo?" masayang tanong ko sa amo kong nasa 60 taong gulang na. Inilapag ko ang fruit platter malapit sa kanya.
"Thank you." Yun lang ang sagot nya.
Masama ata ang gising. Hindi ko na dinugtungan yung tanong ko.Hindi siya ganoon. Bakit biglang lumamig ang boses ni Sir Gallagher at bumata ang boses niya. Bakit biglang dumami ata ang tanong sa isip ko.
Natauhan ako nang biglang bumagsak ang isang kutsara sa sahig .
"Ako na po ang kukuha sir." mabilis kong sambit. Pagkapulot ko ng kutsara napatitig ako sa dalawang binting nakapwesto sa harap ko. Maputi, may konting buhok at makinis iyon, at may peklat ang isang tuhod.
Bigla akong kinabahan.Patay.
Naalala ko na ang nangyari kagabi. Napapikit ako sabay napakagat sa labi.
Pagkatayo ko narinig ko ang boses ni Sir Gallagher,
"Sed, this is Amira, isa sa mga kasambahay natin. Amira ito si Sed Gallagher ang panganay kong anak."
Saglit saglit,sabi ng utak ko. Hindi pala si Sir Gallagher yung nakaupo sa balcony kanina, sa kainan din hindi siya kundi ang anak niya,at yung lalaking nakita ko kagabi na nasa likod ng fridge ay anak ni Sir Gallagher! Si Sir Sed!
Lagot na. Yung ice cream. Kanino yun.Akala ko sa akin yun.
Tumayo si Sir Sed. Nakaharap naman ako ngayon sa isang lalaking matangkad, matipuno ang katawan, may konting buhok ang mga braso,makanto ang mukha, may tindig at in-short isang klase ng "taong-ulam".
"Nice to meet you Amira." bungad niya sa akin. Malaki ang boses niya ngunit malamig.
Kitang kita ko ang pantay at mapuputi niyang mga ngipin nang ngumiti siya.Nakakainggit. Natutulala na ako sa nakikita ko. Manipis ang mga labi niya. Magulo man ang buhok niya pero ok lang. Parang ayaw ko nang kumain hanggang hapunan. Busog na busog na ako.
Inaabot na pala niya ang kamay niya upang kamayan ako. Naglag ang utak ko. Napayuko na ako.
"Amira...are you just ok." Isang malamig na boses ang tumawag sa akin.
Sinilip ni Sir Sed ang mukha ko.
"Ahh ...ehh nice to meet you din po sir... Sed." sagot ko at kinamayan ko siya.
Ang laki ng kamay niya. Pansin ko maraming peklat. Ayos lang. Gwapo pa rin siya.
Sabay yumuko na lang ako agad na parang may itinatago.
"Sed mabait na bata yang si Amira. I know you are about some years older than her but please give the same respect you are showing to Ate Jenna to Amira. " May ngiting paalala ni Sir Gallagher at umupo na siya sa upuan niya.
May halong kulay ng asin at paminta ang kulay ng buhok ni sir Gallagher at may konting bigote sa parisukat niyang mukha. Ganon pa man kahit may edad na may itsura pa rin ang amo ko. Alam ko na kung kanino nagmana ng kapogian itong si Sir Sed. Napansin kong medyo mahaba na ang buhok ni Sir Sed na kulay tsokolate, magulo pero parang amoy mabango siya palagi. Maayos ang tindig nyang umupo, nakasuot siya ng sandong itim at checkered na shorts at grabe pumuputok ang dibdib niya.