6th Chapter: 6.2 Holding Hands sa Donation Drive Day

6 0 0
                                    

Ngayon na ang Donation Drive Day. Unang beses ko ito. Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ito ginagawa o anong dapat kong gawin.

"Good morning Amira." Bati ni Butler Noel.

"Good morning Butler Noel!" binati ko rin siya.

"Today is the Donation Drive.Just always stay next to Master Sedney. Kasama naman ninyo ang staff ng company kaya wag kang kabahan."

Paaalala sa akin ni Butler Noel at alam kong hindi naman iyon madaling kalimutan.

"Salamat po Butler Noel." Ginantihan ko siya ng isang ngiti. Kinabahan naman ako pagkatapos ng paalala niya.

"Enjoy your day Amira!"

Si Butler Noel ang head ng mga katulong ngayon dahil wala si Ate Jenna.Ako naman ang head ng kusina.

Tapos nang mag-almusal ang humahalimuyak kong amo sa suot niyang simpleng puting pantaas at 6-pocket shorts at rubber shoes.

Tapos nang mag-almusal ang humahalimuyak kong amo sa suot niyang simpleng puting pantaas at 6-pocket shorts at rubber shoes

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Simple pero malakas ang dating.

Tinanong niya ako kung naligo na ako. Kasi kung hindi pa raw sa ibang sasakyan daw ako sasakay.

Ito yung tipo ng birong kikiligin na maiinis ka nang sabay.

Ang ganda ng sasakyan nila. Isa iyong Porsche Cayenne. Milyones ang halaga.

Pinagbuksan kami ng company driver ni Sed.

"After you." sabay turo niya sa akin na dapat na ako muna ang unang papasok.

"Hindi ba sa unahan ka uupo ?" May kahinaang tanong ko sa kanya.

"Miss Amira Apolinario naligo ako kanina at kung ayaw mo akong makatabi dito sa gulong ka sumakay." paliwanag ni Sed na may harot na bakas sa mukha niya.

"Ito naman, ito na papasok na po ako." Patago akong ngumiti.

Chineck ko ang itinerary namin ngayong araw. Sa isang sqautter's area pala ang unang pupuntahan namin. Mamimigay ng mga school supplies ang

Pamilyang Gallagher. Dahil hindi makakarating sina Sir Gallagher at Mam Rosey itong gwapong anak nila ang representative.

Hindi naman daw tatagal ng dalawang oras ang Donation Drive.

Kalahating oras na ang lumipas habang binabaybay namin ang Roxas Boulevard nang nakaramdam ako ng hilo.Para akong susuka.

Hindi talaga ako sanay sa kahit anong may aircon lalo na sa sasakyan.

Bumagal ang takbo namin dahil na rin sa kaunting pag-usad ng mga sasakyan sa daan.

"Are you dizzy, Amira?"

"Opo sir, ah-ano kasi hindi ako sanay sa aircon."

"Ok. It is alright." Kumembot siya palapit sa akin at ilang sentimetro na lang ang layo namin sa isa't-isa sa loob ng kotse nila.

Good morning My sunshine! (Tagalog-English Romantic Comedy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon