4th Chapter: Pool

15 0 0
                                    

Hindi ko na namalayan ang oras. Isang linggo nang nandito si Sir Sed. Sed lang pala.

Palagi kong nakakalimutan. Ayaw pala niya ng may 'sir' bago ang pangalan niya.

Napag-isip-isip kong hindi na muna ako mag-o-off dahil ayaw kong mapabayaan ang mansyon kahit andon si Butler Noel.

Pagkagising ko ng umaga ng Linggo dumirecho ako sa balcony.

"Good morning my sunshine!" bati ko sa araw na sumisilip silip sa likod ng mga ulap.

5:00am pa lang pala. Ang aga ko atang magising. Walang tao sa balcony.Wala doon si Sed. Naligo na ako nang mabilis at bumaba na upang maihanda ang paboritong tocilog ni Sir Sed.

Bago makarating sa kusina madadaanan mo muna itong malaking front door ng mansyon.

Huminto ako saglit.

Tumayo ako sa bandang gilid ng malaki at makapal na pinto.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Humarap ako at sinukat ko ang sarili ko.

Gamit ang isang kamay. Sabay inalis ko.

"Ayan.Hindi pala ako lumaki." tawang-tawa ako sa ginawa ko.

5 feet at 3 inches lang pala talaga ako. Ang liit.

"Si Sed , nasa 5'10'' siya." Sinukat ko kagabi ulit bago ako matulog.

"Wow ang tangkad niya, sana all." bulong ko sa sarili.

"Yes! Nasa 5'10'' nga ako." isang boses na gumulat sa umaga ko.Boses ni Sir Sed.

"Good morning Sir Sed!Kanina pa po kayo diyan?" may kabang tanong ko sa kanya.

Nakasuot pa siya ng robe. Blue robe . Halatang kagigising lang niya.

Palapit na siya sa akin.

Ang gwapo niya talaga.

"Hehehehe..." bungisngis niya. "Kanina pa kita pinapanood."

"Sorry po Sir.Ay Sed." yumuko ako at humingi ng tawad.

"You are a funny girl." Dugtong niya. Compliment ba niya yun sa akin o biro?

"Maaga ka palang nagigising." dagdag ni Sed habang tinatanggal niya ang bath robe niya.

"Yes, hindi na muna ako nag day----"OMG"napanganga ako. OMG ulit. May pandesal sa tiyan si Sed. Oo, anim na pandesal.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Good morning My sunshine! (Tagalog-English Romantic Comedy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon