"Saan ba tayo pupunta?" Takang tanong ko sa aking kaibigan.
Hinawakan ako nito sa kamay, "It's a suprise" napa hinga ako ng malalim dahil sa kapaguran.
Kanina pa kami naglalakad at kanina pa din ako nag tatanong dito kung saan kami pupunta, panay lang ang sabi nito na 'it's a suprise'. Napailing nalang ako.
Tumigil ako sa paglalakad, hinawakan ko ang aking tuhod dahil sa pangangalay ng pag lalakad namin. "Malayo pa ba?" Hingal na sambit ko.
"Malapit na tayo." Lumapit ito sa akin at binigyan ako ng tubig. Agad ko itong tinanggap, inayos ko ang pagtayo at ininom ito.
Nang matapos akong uminom, binigay ko dito ang tubig, "Salamat"
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang bumungad sa akin ang napaka gandang tanawin. Napawang ang aking labi sa ganda ng tanawin.
"SUPRISE!" Maligayang sambit nito.
Tumingin ako dito at ngumiti. "Ang ganda"
Mula dito, kita ang buong paligid, kita ang maaliwalas na kalangitan.
Pinikit ko ang aking mata at dinamdam ang hangin. Napaka sarap sa feeling na damhin ang hangin, nakaka wala ng stress, nakaka ginha sa pakiramdam.
Minulat ko ang aking mata, tumingin ako ki Night na nakapikit at todo ang buntong hininga.
Matagal-tagal na rin kaming magkaibigan. Palagi itong sweet sa akin, palagi niya akong niyaya na lumabas dahil ayaw niyang nakikita ako na nagmumukmok sa bahay. Gumagawa ito ng paraan para makita niya ako kahit na sobrang istrikto ang magulang ko.
Hindi tumagal ay nasanay na din ako sa presensya niya, napapasaya niya kasi ako. Wala naman kasing ibang tao sa bahay, palaging umaalis si mommy at daddy dahil sa negosyo nila. Uuwi kapag gabi na, ni wala na nga silang oras sa akin. Kaya nagpapasalamat ako ki Night dahil sakanya nagiging masaya ang araw ko.
"Night, thank you talaga. Pinapa kita mo sa akin kung gaano ka ganda ang mundo." Malapad ko itong nginitian.
"Ayaw ko lang na nakikita kang malungkot, Archie there's so many reasons to smile." Tinuro nito ang kapaligiran. "Tingnan mo yan, titigan mo lang ang kapaligiran at isa yan sa mga rason kung bakit kailangan sumaya ka, be thankful that you're alive. Kung ano man yang nararanasan mo ngayon, lilipas din yan. Umiikot ang mundo, sa pag ikot nito ay hihilom din yan at tuluyan mong makakalimutan. " Mapait itong ngumiti.
Tinawanan ko ito. "Mukhang ikaw dapat ang mag apply ng advice mo ah" ngising saad ko dito.
"I know." Inakbayan ko ito at hinilig ko ang ulo sa balikat nito.
"Magiging maayos din ang lahat, Night. Andito lang ako para damayan ka." This time nginitian ako nito ng totoo. Hinalikan niya ako sa noo at nagpasalamat.
Parehas kaming walang imik ng ilang sandali dahil sa mga iniisip naming problema.
Panay ang buntong hininga namin, mga bata pa kami kaya't hindi namin alam kung anong gagawin. Gusto namin sabihin ang mga nararamdaman namin, gusto namin ilabas lahat ng saloobin namin pero anong mangyayari pagkatpos nun? Diba wala kasi ikaw pa ang magiging mali.
Intindi! Intindi!
Bumuga ulit ako ng buntong hininga hanggat sa napagpasyahan namin na umuwi na dahil mag hahating gabi na.
Nagkwekwentuhan kami at masaya kaming nag-aasaran habang pauwi sa bahay.
Nang makarating kami sa bahay, tumigil muna kami at nag usap sandali.
"Night, maraming salamat talaga sa araw na 'to. " Tumango ito at ginulo ang buhok ko. "Good night and take care!" Masuyong saad ko.
"Good night." Kumakaway na ani nito.
Pagka pasok ko ng bahay, nadatnan ko si dad na nag iimpake ng gamit, mukhang nagmamadali ito.
"Good evening, dad." Agaw pansin ko dito.
Tumingin ito sa akin. Hinawakan niya ang pulupulsuhan ko. "Pack your things now."
Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. "W-what? W-why?" Takang tanong ko.
Akala ko ito lang ang aalis? Isasama ba ako nito sa negosyo niya?
Napadausdos ito ng upo sa sahig at parang nawalan ng enerhiya. "Y-your mom" nagsimula itong lumuha.
Dinaluhan ko ito ng upo sa sahig, tumabi ako dito. "What happened?"
"Heart attack" parang naging munting bulong ang sinabi nito. Nakatitig ito sa kawalan.
Napaawang naman ang labi ko at parang hindi nag ssink in sa utak ko ang sinabi ni dad.
Heart attack?
What the fuck?
Bakit hindi niya saamin sinabi na may sakit ito?
Parang gumunaw ang mundo ko. Maayos lang ba ito? Napahilamos ako sa mukha.
I hope you're okay mom.
Nagsimulang pumatak ang luha niya, ilang minuto ang lumipas bago niya niligpit ang kaniyang mga gamit.
Handa na ang lahat, mabuti nalang at mayroon kaming private plane.
Nasa ibang bansa pala si mom dahil sa negosyo. Hindi man lang ito nagsasabi saamin tunkol sa karamdaman nito.
I thought it was all about their company. Naghihirap ang mga ito para mabuhay ako, para masunod lahat ng luho ko pero ang hindi ko alam karamdaman na pala ang nakataya sa pagtratrabaho ng mga magulang ko.
Umayos ito ng upo at tiningnan ang bintana ng eroplano. I'm gonna miss this country, sisiguraduhin kong babalik ako dito.
Parang unti-unting nagiging malungkot ang pakiramdam ko and suddenly naalala ko kung sino ang nagpasaya sa akin habang nandito ako sa lugar na ito.
Ang sobrang mamimiss ko sa pag alis ko.
Si Night.
YOU ARE READING
TRAPPED
Action[Fil/Eng] Archie Aica Alpha Velasquez decided to be an Agent in order to run from her dad. Her life is a mess. She has always been trapped. What is she gonna do? Who will help her? Will she stop the hide and seek with her dad and just face the probl...