NAGTITIPA ako saaking selpon dahil sa mensahe na aking ipapadala ki Gold ngunit napatigil ako sa ginagawa ng maramdaman ko ang presensya ni Binibining Marie na papalit saakin, Napatikhim ito upang kunin ang aking atensyon. "Kailan ang alis niyo?" Sambit nito habang naka tingin sa lupain.
Nasa terrace kami at nilalasap ang ka preskohan ng hangin. Tumingin ako dito at inexamine ang mukha nito. Mapagkakatiwalaan nga ba talaga namin siya?
Napabuga ako ng hangin bago sumagot "Tomorrow"
Tumingin ito saakin at ngumiti. "Good. I'll help you." sambit nito at umalis.
Kinuha ko ulit ang aking selpon at pinagpatuloy ang pagtitipa ng mensahe ki Gold. Ilang minuto ay nakatanggap na ako ng mensahe galing sakanya.
Alpha,
The chopper is on the way there. By 3am, go to the Narra tree, the chopper will land there. See you soon!
Sincerely Yours,
Gold.Napangiti ako sa mensahe ni Gold. At last makakaalis na din kami dito.
TINIPON ko ang aking mga kasamahan sa silid ko at pinagusapan ang aming pag alis sa lugar na ito.
Pina kita ko sakanila ang mapa ng lugar ito itinuro ang aming lalakarin. "We need to leave at exactly 9pm because it's a long adventure. We'll walk from here up to here." At tinuro ang Narra na puno.
Napabuga sila ng hangin dahil sa layo na aming lalakarin. Napangisi nalang ako sakanilang mga reaction.
Napailing ako."Duh guys mas malala pa kaya dito ang training natin. Natatandaan niyo nung pina rock climbing tayo ni Lord V pagkatapos nun walang pahinga ay pina jogging niya tayo sa beach. Wew, that was very tiring." Napangiwi ako habang inaalala ang mga karanasan namin sa training.
Tumawa sila ng maalala ang mga iyon. "Alright then we'll pack our things now" Umalis ang mga ito habang nagtatawanan at nagkwekwentuhan.
Pumunta ako sa aking silid at inayos ang mga gamit na kakailanganin mamaya. Nilagay ko ang mga baril at bomba sa loob ng bag.
Naligo ako, nagsuot ng all black na damit para hindi kami kita at nagrereflect lang ang sarili namin sa dilim.
Habang sinusuot ko ang aking sapatos ay narinig ko ang pagbukas ng pinto. Hindi ko ito nilingon at pinagpatuloy lang ang ginagawa.
Umupo ito sa kama, "Ready na ang iyong mga kakailanganin. Nasa loob ng isang itim na bag" Bumaling ako dito at ngumiti.
"Maraming salamat po." aniya ko.Tumitig ito sa kisame habang nagsasalita. "Alam mo ang totoo nyan ayaw ko talaga maging CIA Agent ngunit kinailangan ko, nalaman ko na ang pumatay sa aking Ina at ama ay dati palang myembro ng organisasyon na iyon." Pumatak ang isang luha na galing sa mata ni Binibining Marie.
Umupo ako sa Gilid ng kama habang ito ay nakahiga."Nang maging kabilang ako sa organisasyon na iyon ay nakakalap din ako ng impormasyon. Nakita ko ang libro na puno ng mga impormasyon galing sa dating mga myembro." Bumuga ito ng hangin. "Inabot din ako ng dalawang taon doon sa kakahanap ng impormasyon. Pagkatapos kong makuha ang kailagan ko dun ay napagpasyahan kong umalis sa trabaho at hanapin ang gago na yun." Nagtatagis ang bagang na banggit nito.
Napahinga ako ng malalim. Ganon pala ang nangyari dito, akala ko pa naman may masama itong balak saamin at sa organisasyon.
Tinapik ko ang balikat nito "Makakamit niyo din ang hustisya na hinahanap niyo. Pero wag kang masyadong magpabulag sa paghihiganti. Kailangan mo din palayain ang iyong sarili at maging masaya." Ngumiti ako dito.
Bumangon ito, "Hindi ko kaya maging masaya. Palagi kong naiisip ang mga nangyari saaking mga magulang."
"Ngunit kung nakikita ka nila, hindi sila magiging masaya na nakikita ka na ganito." sambit ko.
"Hindi ko pa siguro kaya sa ngayon." Malungkot nitong sabi.
"That's okay. It takes time." Tinapik ko ulit ito sa balikat. "Maraming salamat sa lahat, Kailangan na po namin umalis dahil mahaba haba pa ang aming lalakarin." Tumango ito at ngumiti.
"Don't mention it." aniya ni Binibining Marie.
PASALAMPAK kaming naupo sa lupa dahil sa kapaguran. Kaunti nalang malapit na kami sa sinasabi ni Gold na Narra tree.
"Nakakapagod argh" reklamo ni Dark.
"Shit! Ang sakit sa paa." daing ni Light at sapo nito ang kanyang paa.
Sinita ko ang mga ito dahil sa kaingayan, nagsi tahimik naman sila.
Humiga ako sa damo, ipinikit ko ang aking mata at pinahinga muna ang sarili.
Nararamdaman ko na may naka tingin sa banda namin. Pa simple kong iminulat ang aking mata at tumingin sa gawi nito. Napa kunot ang noo ko nang makita ang isang lalaki na nakasuot ng itim na damit.
Sumenyas ito saakin gamit ang kanyang kamay ngunit wala akong maintindihan. Sa isang iglap ay nakarinig kami ng mga yapag.
YOU ARE READING
TRAPPED
Action[Fil/Eng] Archie Aica Alpha Velasquez decided to be an Agent in order to run from her dad. Her life is a mess. She has always been trapped. What is she gonna do? Who will help her? Will she stop the hide and seek with her dad and just face the probl...