Chapter 9

7 1 0
                                    

ITINAPON nito ang bomba sa mga armadong lalaki. Naalarma kami, agad kaming tumakbo at tinahak ang daan patungo sa puno.

Nakasalubong namin ang lalaki na tumapon ng bomba. Inalis nito ang takip sakanyang bibig at ngumiti saakin. Napatigil ako sa pag takbo at napatitig sa lalaki.

He has this attractive eyes, those violet eyes that can catch your attention. And his smile that can melt your heart. His pointed nose and reddish lips. Bumilis ang tibok ng puso ko ng sandali na iyon.

Napadako ang tingin ko sa katawan nito, god! Ang ganda na pangangatawan nito, simula sa chest, at alam ko na sa likod ng damit niya ay nakatago ang abs nito.

"Alpha, let's go." Paggising ni Shadow sa diwa ko.

Napailing ako at ibinalik ang walang emosyon na mukha ko. Fuck! Bakit nagka ganon ako?

"Long time no see, Archie" He said then winked at me.

Kumunot ang noo ko dito, Nilagpasan ko ang mokong na iyon at nagpatuloy sa pagtatakbo. Nakarating kami sa tagpuan. Napangiti kami sa chopper na nasa harapan namin. At last! makakauwi na din kami.

May mga armadong lalaki na pinagbabaril kami kaya naman sumakay agad kami sa chopper. Pa unti-unti kaming lumulutang sa ere habang nagtitipon naman sila at walang tigil parin sa pagbabaril saamin.

Pinasabugan sila ng bomba nung lalaki kanina na tinawag akong Archie. Tumingin ito sa banda ko at kumaway. I rolled my eyes. Sino ba to?

"ALPHA! SHADOW! LIGHT! DARK! HELLION!" Masayang salubong saamin ni Gold. Ngumiti kami dito.

Damon Gold Zaldivar is the messenger of our team. His strength is guns while his weakness is swords and archery.

Light is the hacker while Gold is the messenger. Kapag wala kaming update dahil busy kami sa misyon ay ito ang nag uupdate at nagbibigay mensahe na galing ki Lord V.

"Hey man!" Nag apiran sina Dark and Gold.

"Mabuti naman at buhay pa kayo. Nakahanda na sana ang ilibingan niyo"  Nakangising sambit ni Gold.
Iniripan ko 'to. "Baka ikaw unang ilibing ko ngayon eh" itinaas nito ang mga kamay sanhi na nagsusurrender na ito.

"Biro lang Alpha." Namutla ito at pekeng ngumisi. Tinalikuran ko ito at tumungo sa loob.

Pumunta ako sa kusina at nag timpla ng kape, pagkatapos ay pumunta ako sa sala at nagpahinga.

Naramadaman ko na nag vibrate ang selpon ko, tiningnan ko kung sino ang nag text at kumunot ang noo ko ng makitang si dad yun.

Binuksan ko ito at binasa ang kanyang mensahe.

"Aica, We need to talk."

Binura ko ang text nito at hindi nireplayan. Alam ko na kung anong paguusapan namin, paulit-ulit naman kami. Wala nang katapusan ang pag aarguemnto namin.

May hinala nga ako na hindi ito tutupad sa usapan. Napa buntong hininga nakang ako.

Tinuon ko ang pansin sa panonood ng TV habang sumisimsim ng kape.  Tumabi saakin ang mga gagong 'to at may ibinulong si Shadow.

"Alpha, may bago daw tayong kasama sa pag ligtas kay Lord V." Bulong ni Shadow.

Bago pa ako makasagot dito ay nagsalita si Gold na nakakuha ng atensyon namin.
Uminom ako ng kape bago humarap sa banda nito.

Tumikhin ito, "Guys, Meet Midnight our new member." Ngumiti ito sa mga kasamahan ko at nung dumako ang tingin nito sa akin ay kumindat ang mokong.

Naibuga ko ang kape na iniinom ko at napaubo. WHAT THE HELL?

TRAPPEDWhere stories live. Discover now