DUMAKO kami sa silid ni Gold upang pag usapan ang plano na pagsagip ki Lord V. Baka kung ano na ang nangyari dun.
Umupo kami sa silya, pinagmasdan ko ang mga kasamahan ko. Mukhang magaling na ang mga sugat ng mga ito.
Nakita ko sa gilid ng aking mata na panay ang titig sa akin ni Midnight.
"So guys heto ang lagay ngayon ni Lord V." pagsisimula ni Gold.
May ipinikita ito saamin sa projector. Ang lalaki ay nakaka kadena ang mga kamay at paa. Panay din ang latigo ng isang lalaki sa likod nito.
Kumuyon ang kamao ko sa aking nakita. Mahigit isang linggo na rin ang nakakaraan mula ng madakip ito.
"We'll save him later" Tumingin sila sa akin.
"Gold and Light, track him." Ngumiti ang dalawa.
"On it" ani Gold at Light.
"Dark, ready the cars" Tumango ito at nilisan ang lugar.
Tumingin ako sa banda ng dalawa. "Hellion and Midnight prepare all the guns and bombs."
"Copy" Sambit ng mga ito.
Tumango sa akin si Shadow sanhi na alam niya na ang kanyang gagawin.
Pumunta ako sa aking secret room, kung saan nandoon ang aking mga baril at espada.
Kinuha ko ang katana at nilisan ito. Hmm. Ngayon makakalaya kana sa iyong tahanan. Ngumisi ako nang makita ang kintab nito.
LUMABAS ako ng silid habang bitbit ang aking itim na bag. Lahat kami ay nakasuot ng itim, nakakabit ang mga baril sa aming tagiliran, at ang mga earpiece na nasa aming tenga upang marinig namin ang kada isa.
Tiningnan ko ang mga ginagawa nito. "Ready?" sambit ko nang matapos sila sa pagaayos.
Sabay-sabay silang tumango. Nilagay muna namin ang mga gamit sa likod ng sasakyan.
"What's the location of Lord V?" tanong ko.
"He's at Mexico. One of the townhouse of Mr.Vergara." Ani Light habang nakatingin sa laptop.
Hinimas ko ang aking ulo. Goodness! Hindi pa rin tapos ang kumag na yun saamin.
Kumunot ang noo ko ng maramdaman ang ulo sa aking balikat. Tiningnan ko ito at tinapik ang mukha. "Aalis ka or yang ulo mo ang aalisin ko?" Inalis nito ang ulo at ngumiti sa akin. I rolled my eyes.
"I want you back" Bulong ni Midnight.
"What?" Umiling ito at ngumiti.
Whatever.
"WHAT'S the update?" sambit ko habang nagmamasid sa paligid.
"All in all, there are 500 men. 50 men naman ang meron sa silid kung nasaan nandun si Lord V." sambit ni Gold sa earpiece.
Dumako kami ni Shadow and Midnight sa silid ni Lord V. Nasa pinaka taas ito ng bahay. Nasa ibaba naman sila Dark and Hellion habang si Light ay ang bahala sa mga itatanim na bomba, at ang pag hack sa security system ng mga ito.
"HINDI MO PA RIN SASABIHIN KUNG NASAAN ANG MGA LINTIK NA ALAGA MO?!" Sigaw ng isang lalaki ki Lord V.
Sa isang iglap ay binuksan namin ang pinto ng silid. Pinaputukan agad namin ang mga kalalakihan. Sinapol ko sa ulo ang nag lalatigo ki Lord V.
Nagtatago kami sa gilid ng dingding kapag kami ay pinapaputukan ng mga ito.
"Go now, Alpha. We'll cover you" Tumango ako ki midnight at dumiretso sa kinaroroonan ni Lord V.Kinuha ko ang aking hairpin at ginamit iyon pang bukas ng kandado. Mayroong kandado ang mga kamay at paa nito upang hindi siya agad makatakas.
Tinapik-tapik ko ang pisngi nito. "Are you okay, Lord V?" Napamulat ng kaunti ang mata nito. Puno siya ng sugat at pasa.
"Y-Yeah" Nahihirapang banggit nito.
Tumingin ako sa banda ng aking mga kasama. Kaunti nalang ang kalaban nila.
Akmang may babaril sana ki Midnight ngunit mas naunahan ko itong barilin sa bungo.Hinanap ni Midnight ang may gawa nun at nang makita ako ay mas malapit itong ngisi sa mga labi.
"Let's go" sambit ko nang matapos na nilang patayin ang lahat.
"Turn left then turn right. Go straight, Hellion and shadow is waiting in the terrace." pagbigay direksyon saamin ni Light.
"Copy" sambit ko.
Tinahak namin ang daan na sinabi ni Light. Naaninag ko agad sina Hellion at Shadow.
Ipinulupot namin ang lubid sa tagiliran. Pina una ko si Lord V at kasabay nito si Shadow. Si Midnight naman ay naka cover saamin.Sumunod ako sa pagbaba nila. Nakita ko si Midnight na naghahanda na sa pagbaba. Nakarinig ako ng putok ng baril kaya napatingin ako sa banda ni Midnight.
Umawang ang aking labi nang makita kong tinamaan ito ng bala sa likuran."Night!" Sigaw ko.
Ngiti lang ang tinugon saakin nito.
"Faster guys. We have 20 seconds to leave" Pumasok kami sa sasakyan.Papalayo na ang aming sasakyan nang makarinig kami ng matinding pagsabog sa likuran.
Dali-dali kaming sumakay sa chopper, at pinaulan ng bala ng baril ang mga nasa ibaba namin.
Huminga ako nang malalim at ipinikit ang aking mata.
YOU ARE READING
TRAPPED
Action[Fil/Eng] Archie Aica Alpha Velasquez decided to be an Agent in order to run from her dad. Her life is a mess. She has always been trapped. What is she gonna do? Who will help her? Will she stop the hide and seek with her dad and just face the probl...