Prologue

1.4K 40 3
                                    

"Hello Mom!?" agad kong sabi. Narinig ko pa si Kuya na tumatawa and I think they're still on the road. Naiiyak na ako knowing that they really did this to me. Confirmed na nga na iniwan nila ako sabi ni Tita pero why???

"Mom, you can't do this to me! Kunin niyo ako dito" pagmamaktol ko. Alam kong nasa tabi niya lang si Daddy and hindi kami sanay ni kuya na mag inarte kapag kasama namin siya pero wala na akong pake.

"This is your punishment White. And your Father planned for this. There's nothing I can do with it. Tsaka you'll be safe there with your Tita Helen and your cousins. We'll get you after 2 months. See you son, I love you. Bye." agad nang naputol yung linya.

Mga traydor sila. Ugh! This can't be happening! Iniwan ba naman ako dito sa lugar na'to. Hindi ako mabubuhay dito my goodness!

Napalingon naman ako sa may pinto nang may biglang gumalaw.

"AAAAAAAHHHHHHHHHHH!" tanging sigaw ko sa gulat nang malaman kung ano yung gumalaw. Narinig ko nalang na may paparating sa kinaroroonan ko habang ako ay nanigas nalang ako sa takot.

"Anong problema White?" Halatang nataranta si Tita Helen dahil dala pa nito ang sandok.

"May daga Tita!!!" and I was totally shocked nang dumaan ulit ito sa may pinto ng kwarto kung saan nakatayo si Tita Helen. Napahinga siya ng malalim nang malaman kung ano yung nakita ko. Tiningnan niya lang din yung dumaan na daga, like?

"Aysus! Ayun lang naman pala. Akala ko kung napano kana. Sige na White, maghanda kana diyan at bumaba kana agad para mag almusal." Paalam ni Tita.

Is she really serious?

I cannot imagine my life here. Kailangan may gawin ako. I need to escape as soon as possible.

Pero paano?


----------------------------------

Waking up in Probinsya
Written by: @vavavlack

Disclaimer: Photos used and to be used are not mine. All credits belong to the rightful owner.


Waking up in Probinsya (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon