Kinaumagahan ay umalis na agad si Berto pagkagising na pagkagising ko pa lang. Inimbita daw kase kami ni Carmela sa kanyang Homecoming Party sa bahay nila kasama ang kaniyang mga kaibigan. Hindi sana ako sasama kaso hindi ako nakatanggi bago siya umalis.
"Mauna muna ako doon para matulungan ko si Carmela sa paghahanda. Sumunod nalang kayo. Nasabihan ko na si Wesley na sunduin ka dito" paalam niya.Nagluluto pa si Tita. Nakarating na sila kanina galing sa kung saan, di ko na natanong. Nakaupo lang ako sa may sala nang makaalis na si Berto sa bahay. Napatingin naman ako kay Tita at naisipan kong sakaniya nalang magpaturo ng pagluluto na agad niya namang ikinatuwa. Natapos ang aming pagluluto at medyo kabisado ko na ang tinolang manok na niluto niya at yung pinakbet na ginusto kong pag-aralan.
"Ayan anak, nakakatuwa. Bukas naman ulit at ituturo ko sayo ang paborito ng Daddy mo. Tiyak na masosorpresa iyon kapag pinagluto mo siya ng pinakagusto niyang ulam, ang Adobo" masayang sabi ni Tita. Napangiti din ako dahil may natutunan na naman ako.
Nagising na din ang dalawa ko pang pinsan at sabay na kaming kumain.
Nang mag alas-dos na ng hapon ay dumating si Wesley kasama si Randy at yung isa pang kaibigan nila na nakalimutan ko na ang pangalan. Nagtaka pa ako nang hindi ko makita si Berta.
"Nauna na din si Berta doon. Mas nauna pa nga yun kay Berto sa pagkaexcite na makita ang kaniyang matalik na kaibigan" si Randy. Napatawa nalang din ako ng bahagya dahil agad niya ding nakuha ang iniisip ko.
"Handa ka na ba?" tanong ni Wesley. Napataas naman ang kilay ko sa patataka. May dapat bang paghandaan?
"Magdala ka nalang ng extra na damit kase doon tayo matutulog. Nakapagpaalam na kami kay Aling Helen, di 'ba po?" tanong ni Wesley kay Tita at nginitian niya din naman ang mga ito.
"Basta Wesley, may tiwala ako sainyo ha. Huwag niyong pabayaan yang si White, hindi iyan taga rito. Huwag niyong iwan. Si Berto naman, okay na yun, kaya niya na ang sarili niya. Pakisabi nalang din na huwag pabayaan si White" mahabang paalala ni Tita. Saglit naman akong kumuha ng bag at naglagay ng extrang mga damit at umalis na din.
Habang nasa daan kami ay bumungad sa amin ang malalaking mga kagubatan bago kami makarating sa mismong bahay nila Carmela. Medyo mayaman din sila. Ayon kay Randy, anak ng haciendero si Carmela. Boto naman daw ang pamilya nito kay Berto at sinasabihan na nga din silang magplano na ng magiging kasal nila pag nakapagtapos na ang dalawa sa pag-aaral.
"Andito na tayo" si Wesley. Nilakad lang namin kaya medyo napahawak ako sa bewang ko at napahingal.
Pumasok na kami at pumunta sa likod ng bahay nila. Doon namin nakita ang isang punong may tree house. Malaki ito at sa baba naman ng puno ay may nakahandang mesa na puno ng mga pagkain. Agad din naman nila kaming nakita at binati.
"Oh, teka lang ah, wala munang kakain kase hinihintay pa naming maluto yung inihaw na isda" si Carmela. Mas gumanda ito sa kaniyang floral na damit na pinares sa kaniyang fitted na jeans. Nakatali pa ang buhok nito. Bagay nga sila ni Berto na ngayon ay naka puting sleeveless sando lang at naka maong na shorts.
Naghintay lang kami ng ilang minuto at dumating na din si Berta dala yung inihaw na isda. Sa lamesa, pinapagitnaan ako ni Wesley at Randy. Si Berto naman ay nasa gita nila Berta at Carmela. Si Brando naman ay nasa dulo.
"White, magkwento ka naman. Ikaw nalang yung hindi ko pa masyado kilala dito" panimula ni Carmela sa kwentuhan. Mabait naman siya so no need to be bad to her.
"Nakakahiya hehe magtanong ka nalang ng kung ano at sasagutin ko. Nga pala, salamat sa pag-invite mo sa akin dito" ngiti ko din sakaniya.
"Ano ka ba, wala yun. Gusto din kitang maging kaibigan"
BINABASA MO ANG
Waking up in Probinsya (BL)
Teen FictionMeet White Enriquez. A spoiled teenager, born from a rich family that always take everything for granted. He nearly failed 2 subjects in his Senior High years and as a punishment, his parents took him to their province and made him stay there for th...