Chapter 10 - Gusto, Mas Gusto

448 28 4
                                    

"Randy?"

Iyan lang ang tangi kong nasabi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Iyan lang ang tangi kong nasabi. Hindi ko kase siya nakita kaninang nakasakay sa jeep kung saan kami nakasakay nila Berto. Lumingon naman sila sa akin at ngumiti.

"Uy buti naman at naalala mo pa yung pangalan ko hehe magandang umaga White!" sabay taas ng isang kamay niya. Medyo malayo kase sila sa kinatatayuan ko.

Nagpatuloy naman sila sa kanilang paglalakad at sumunod lang din ako. Hindi ko talaga alam pero mula nung una kaming nagkita doon sa bahay nila Wesley, may iba akong nararamdaman sakaniya. Ewan.

Pinagsawalang bahala ko naman ang iniisip ko at lumakad na lang papunta sa mga bahay-kubo. Bigla namang nagsalita si Berto.

"Pili nalang po kayo ng matutuluyan niyo saka niyo ilagay ang mga gamit niyo at nang makapananghalian na tayo" sabi niya. Naguluhan naman ako.

"Huy, halika na." tawag niya naman sa akin. Nagtataka ako kung bakit ganun siya makaasta. Ang akala ko, yung ricefields, yun lang yung sakanila.

"Kay Papa itong lupain dito. At oo, kung nagtataka ka, sakanya din itong mga bahay-kubo. Siguro nasa sampu pa yung mga maayos at pwede pang tuluyan." paliwanag niya naman. Nakita niya siguro ang nagtataka kong mukha.

Sumunod naman ako sakanya sa isang mas malaking bahay-kubo na kalapit lang ng iba pa. Nadako naman yung paningin ko sa isang matanda, siguro nasa mid-60s, maputi na din yung buhok pero hindi pa naman siya ganoon ka hina.

"Berto! Kamusta kana? Mabuti naman at napasyal na naman dito ang paborito kong apo" so Lolo niya from his Father's side.

"Mabuti naman po ako, kayo ho? Siya nga pala, si White po, pinsan ko. Anak po siya ng kapatid ni Mama. White, siya si Lolo Tecio" pakilala niya sa akin. Nagmano naman ako dito at ngumiti.

"Aba'y napakaputi naman nitong batang ito? Halata mong mayaman at namumula pa. Binilad ka ba sa init nitong si Berto, iho?" birong tanong ni Lolo Tecio. Tumawa lang ako ng bahagya at hindi na nagsalita pa.

Agad namang naglapag ng mga gamit namin si Berto at napaisip na ako na baka dito kami manunuluyan.

Maganda naman yung bahay ni Lolo Tecio. Typical na bahay-kubo like yung mga nakikita ko sa internet nun. Pareho lang yung design ng bahay sa iba pang bahay-kubo, ang pinagkaibahan lang ay ang parang sala nito sa labas na pwede kang magpahangin at ang buong kalakihan nito. Sa loob naman ay napaka simple lang din. Wala akong nakitang kahit anong appliances kundi ang munting radyo lang. De baterya lang ito dahil sa tingin ko, wala ngang kuryente dito gaya ng mga sinabi nila sa jeep kanina. Malayo kasi ito kaya siguro hindi umaabot dito yung linya ng kuryente.

"Maupo ka lang diyan iho, maghahanda lang kami ng pananghalian" ngiting sabi ni Lolo Tecio.

Pumunta naman ako sa may sala nila sa labas para makapagpahangin nang makita ko sila Berto at Randy na nag-uusap.

"Yung mga kailangan na gamit nandoon na sa isang kubo. Mamaya nalang siguro natin simulan pagkatapos nating makapagpahinga" linya ni Randy. Bigla naman akong natauhan na nakatutok na pala yung mata ko sakanya nang tumingin din ito sa akin. Ngumiti siya.

Yung mukha niya talaga maamo na parang may itinatagong kung ano na hindi ko alam.

"Oy bakit hindi mo tinulungan si Lolo doon?" tanong ni Berto nang natapos na silang mag-usap. Sumunod naman si Randy sa kanya. Dito ba siya kakain? Hindi naman sa labag sa kalooban ko pero ewan ko lang talaga sa instinct ko dito sa taong 'to.

Kumain na kami ng tanghalian at pagkatapos nun ay nagpresenta naman si Randy na siya nalang ang maghuhugas ng mga pinagkainan namin kaya hindi na ako nautusan ng masungit kong pinsan. Habang nasa labas ulit ako at nagpapahangin, nakita ko ang ibang magsasakang kasama namin kanina na nagpapahinga sa kanilang mga kubo. Yung iba naman ay sa ilalim ng mga puno.

"Mamaya nga pala, sisimulan na namin yung pag-aani ng palay. Ikaw naman, kila Randy ka nalang sumama sa pag-aani ng gulay."

Nang nakapagpahinga na ang lahat ay sinimulan na nila ang paghahanda. Nag oobserve lang din ako sa mga nangyayari. Di ko kase alam kung bakit kasama ni Lolo Tecio si Randy sa pag-kuha ng mga gulay.

"Mauna na po kami Lolo. Mag-ingat po kayo" paalam ni Berto. Nang dumako naman ang tingin niya sa akin, binigyan niya lang ako ng masamang tingin. Alam ko namang ang gusto niyang sabihin eh, wag akong mag-inarte.

Tuluyan na silang nakaalis. Nasa harap lang naman ng bahay yung ricefields pero may kalayuan din kung titingnan. Naghanda na din kami ng mga lalagyan para sa pagkuha ng mga gulay para sa hapunan mamaya.

Nang makarating kami doon ay namangha ako. Ang dami nilang pananim na gulay like repolyo, upo, kalabasa, at hindi ko na alam kung ano pa yung iba kase di naman ako masyadong kumakain ng gulay pero ang ganda lang kaseng tingnan ng pagkakatanim. Marami din silang mga saging gaya ng sabi sa akin ni Tita.

"Maiwan ko muna kayo mga iho, may kukunin lang ako sa banda roon" paalam ni Lolo Tecio. Kami lang tatlo dito sa basically, naiwan kami ni Randy. Tiningnan ko lang siya at nang tumingin din siya ay binigyan ko lang siya ng pilit na smile at ngumiti din naman siya. Hindi ko pa din talaga siya feel. I mean, hindi naman siya masama, yung feeling ko sa kanya yung iba.

"Nagtataka ka siguro kanina nung bigla nalang akong sumulpot" bigla niyang pambabasag sa katahimikan habang nagsisimula na siya sa pagkuha ng mga gulay. Ako naman yung nagdadala ng lalagyan at nakasunod lang sakanya.

"Ako yung kasama ni Lolo Tecio dito. Dun ako nakatira kasama niya. Wala na kase akong mga magulang"

Bigla naman akong nakaramdam ng guilt. Mali nga yata ako sa pagjujudge ko sakanya.

"Nasaan yung mga magulang mo?" tanong ko sakanya at napatigil siya pero nagpatuloy din naman siya agad sa pagkuha ng gulay.

"Namatay na sila. Kaya laking pasasalamat ko kay Berto dahil binigyan niya ako ng bagong pamilya at tirahan. Tinuring niya akong kapamilya." Kitang kita ko na malaki ang ngiti sa kanyang mga labi. Napangiti din naman ako sa nalaman ko. Kahit ganun kasungit yung pinsan ko, may tinatago din talagang pagka-anghel.

"Pero dederetsuhin na kita, White"

Napatigil naman ako ng marinig ko siya. Napatigil din siya at humarap sa akin. Napatingin lang ako sakanya at naghintay sa mga susunod niyang sasabihin. Hindi kaya...

"Gusto kita" at napatingin siya sa baba. Ako naman ay nakatulala lang. Medyo feel ko na din naman na iba yung tingin niya sa---

"Pero mas gusto ko si Berto, noon pa" at muli niya akong tiningnan sa mata ng deretso na siya namang ikinagulat ko.

-----

Next Chapter...

Author's Note: Feel na feel ko po yung pagiging Author opo hahaha 😂
On a serious note, please support my story. Please leave a vote and comment para po mas ganahan akong magsulat, pang inspiration po hehe. Thank you so much! Love y'all ❤️

Waking up in Probinsya (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon