10 days.I sighed. Konting panahon nalang pala at uuwi na ako sa amin. Hindi ko mapigilang mapaisip kung magiging okay ba ako pag-uwi ko dahil for sure, mamimiss ko ang lugar na ito. Tama nga si Tita, mag-eenjoy ako dito lalo na sa mga bago kong natutunan in life.
Hindi na kami ganoon nagkakausap ni Berto. Palagi siyang pinupuntahan ni Carmela dito at minsan ay sinusundo pa siya nito kagaya ngayon.
"Ma, pupunta lang po kami sa bahay nila Carmela. Uuwi din ho ako" paalam nito. Naririnig ko lang sila mula sa kwarto kung saan ako nakaupo ngayon. Hindi ko alam pero mula nung gabing huli kaming nakapag-usap ay naging matamlay ako. Hindi pa nga din ako kumakain dahil wala akong gana.
Narinig ko si Tita na naghuhugas ng mga pinggan. Bumaba ako at tinanggihan muna ang alok ni Tita na kumain muna at sinabing busog pa ako. Tumulong na lang ako sa kaniya sa lahat ng gawaing bahay para naman may pagkaabalahan ako. Hindi ko namalayang gabi na pala.
Habang nagluluto si Tita ay tinuturuan niya na din ako kaya alam ko na kung paano lutuin ang pang apat na dish na tinuro niya. Ginataang gulay. I know I don't eat veggies that much pero iyon lang kase ang available ngayon dito sa mga gulay nila. Masarap naman din yung sabaw.
"White, bilhan mo nga ako ng posporo doon kina Aling Mely. Naubos na pala 'to" sabay pakita ng walang laman na kahon ng posporo sa kamay niya. Agad ko namang kinuha yung inabot niyang pera at lumabas na ng bahay. Bumili agad ako at bago pa man ako makapasok pabalik sa bahay ay nakita ko si Berto na bumaba sa sasakyan ni Carmela. Okay, mayaman nga.
"Bye baby. I love you! Bukas ulit" si Carmela. Nagkatinginan pa kami bago niya hinalikan si Berto. Parang nang-iinis pa ang mga mata nito or assuming lang talaga ako. Natulala lang ako. Hindi ko namalayang nasa harap ko na pala si Berto. Agad akong tumalikod at naglakad ng mabilis papasok ng bahay dahil may naramdaman akong bigat sa dibdib ko. Naabutan niya ako sa labas bago kami makapasok at nahawakan niya ang aking braso sabay harap nito sa akin. Pinahiran ko naman agad ang aking mga mata ng kabila kong kamay. Naiyak na pala ako kaya tumalikod ako sa kaniya at sa bahay kase baka makita ni Tita.
"Okay ba tayo? Okay ka lang? Anong nangyari sayo?" sunod-sunod niyang tanong. Ngumiti lang ako at inalis ang aking braso sa kaniyang pagkakahawak.
"Yung posporo... Tita..." mga nasabi ko na hindi naman connected sa tanong niya. Umalis na agad ako sa kaniyang harapan at pumasok na at nagtungo kay Tita. Mabuti nalang at hindi siya tumingin sa mukha ko dahil busy sya sa pagluluto kaya di niya napansin yung mga mata ko.
Nang matapos na ang niluluto ni Tita ay kumain na din kami. Panay pa din ang pagtingin ni Berto sa akin na hindi ko naman pinapansin. Alam ko naman na kukulitin niya din ako mamaya sa kwarto kaya nag-iisip na ako ng alibi para hindi kami magkausap mamaya. Nagtanong naman si Tita at sinabi ko lang na medyo masakit lang yung ulo ko kaya pinauna niya na din ako sa kwarto para makapagpahinga na. Agad akong umakyat sa kwarto at humiga na.
"A-akto nalang siguro akong natutulog na. Bahala na."
Bakit ka umiyak? Nagseselos ka ba? bigla nalang pumasok sa isip ko. Bakit nga ba. Overthink malala. Hindi ko na talaga alam kung kilala ko pa ba sarili ko. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa akin. Hindi ko sigurado kung gusto ko ba talaga siya pero bakit ako naiyak? Siguro gusto ko siya?
Nang marinig kong papasok na siya ay agad akong tumalikod. Hindi ko na din naman siya narinig na nagsalita kaya dahan-dahan kong binuka ang aking mga mata.
Wala.
Wala man lang pangungulit.
Wala man lang tanong ulit kung okay lang ba ako.
Hopia ka gurl.
-
Kinaumagahan ay umalis na naman sila. Ang akala ko ay mabobore na naman ako dito sa bahay pero mabuti nalang at dumating si Randy na may dalang mga gulay na pinahatid ni Lolo Tecio. Agad ko namang inaya si Randy na mamasyal.
"Bukod dito sa batis, ano pang lugar dito ang pwedeng pasyalan?" tanong ko sa kaniya habang naghuhugas ng mga paa. May mga magaganda na naman kaming na daanan pero nagbabakasakali lang naman na meron pang pwedeng mapuntahan dito para naman makabisado ko man lang tong lugar na to bago ako umuwi at makalimutan kong mag-isip ng mga nagpapabagabag sa akin lately.
"May problema ka ba?" bigla niya namang tanong. Natigilan ako kase napatanong ako sa sarili ko kung halata ba.
"Sabihin mo na! Para ka namang ibang tao haha alam mo na nga yung pinakainiingatan kong sikreto e" biro niya at umupo sya sa bato sa tabi ko.
"Okay ganito kase yan. Hindi ko na kilala ang sarili ko" nagtaka naman siya sa mga sinabi ko sabay tawa. Napahinga nalang ako ng malalim at nagsalita ulit at bigla na din siyang napaseryoso sa pakikinig.
"This may sound insensitive kase gusto mo siya pero ito talaga problema ko. Ay no, iniisip ko lang. Hindi ko kase masagot kung may gusto ba talaga ako kay Berto. Hindi ko alam kung totoo bang may feelings ako sakaniya pero nasasaktan ako. Nasasaktan ako kapag magkasama sila ni Carmela. Kapag nananadya yung babaeng yun na ipakita sa akin kung gaano nila ka mahal ang isa't-isa. Tsaka magpinsan kami kaya hindi yun pwede di 'ba? Yun, iyon yung iniisip ko. Hindi problema. Pero parang ganoon na din." paliwanag ko kasabay ng pagbagsak ng aking mga balikat at pagbuntong-hininga. Napatingin lang siya sa tubig bago magsalita.
"In denial" sagot niya.
Napatingin naman ako sa kaniya habang nakakunot ang noo. Ngumiti siya at nagsalita ulit.
"Nabasa ko lang iyan sa isang libro. Nga pala, salamat dahil nagtitiwala ka sa akin. Naramdaman ko na naman yung mga panahong bago lang kami naging magkaibigan nila Berto" nagpatuloy lang siya sa pagsasalita habang nakangiti. Patuloy lang din ako sa pakikinig.
"Tinatanggi mo yung nararamdaman mo. Alam mong meron pero di mo maamin sa sarili mo. Bakit ka masasaktan kung wala lang iyon sayo? Bakit ka iiyak? Bakit ka nalulungkot? Bakit mo naitatanong ang mga tanong na yan sa sarili mo kung wala lang naman sayo? Pwede mo naman yan isawalang-bahala kung gusto mo, kung hindi mabigat sayo pero kailangan mo pang maging busy para lang panandaliang makalimot" ngayon ay napatingin na siya sa akin.
"Mali nga yang nararamdaman mo. Hindi sa dahil sa kasarian mo kung hindi ay dahil sa sitwasyon niyo, bilang magpinsan. Hindi ko alam kung anong maipapayo ko sayo pero ang masasabi ko lang, kung saan ka sasaya, dun ka pero isipin mo din ng mabuti ang mga gagawin mong hakbang at baka hindi mo kayanin ang kalalabasan" sambit niya pa. Bigla namang pumasok sa isipan ko yung mga sinabi ni Kuya Pedring nung nasa bukid pa kami na mas sundin ko daw kung ano ang nasa puso ko para sumaya ako.
"Baka gusto mo ding umamin sakaniya? Ako, pagkatapos kong umamin sakaniya, nabawasan yung tinik sa dibdib ko. Siyempre masakit pero atleast nailabas mo na" at tumawa naman siya ng nakakaloko at sumesenyas ng pagka double-meaning nang mga sinabi niya kaya napatawa nalang din ako.
"First time mo bang makaramdam ng ganito?" bigla niyang tanong at tumango lang ako para sabihing oo. Noon kase simpleng crush lang kase nagwagwapuhan pero feeling ko kase iba 'to dahil may sakit akong nararamdaman. Siguro at dala lang din ito na first time experience ng ganito, kaya hindi ko alam yung mga gagawin.
"Ikaw magdesisyon kung anong gagawin mo. Experience din 'to. Marami ka pang makikilala diyan kase mga bata pa naman tayo"
"Ano na? Ano nang gagawin natin? Susuportahan kita" sabi niya sabay wink pa. Napaisip naman ako.
Ano nga ba dapat ang gagawin ko? Ano ang tama?
Ang hirap pala maging masaya...
or
ako lang yung gumagawa ng mga dahilan para mahirapan akong sumaya?
Next Chapter...
BINABASA MO ANG
Waking up in Probinsya (BL)
Teen FictionMeet White Enriquez. A spoiled teenager, born from a rich family that always take everything for granted. He nearly failed 2 subjects in his Senior High years and as a punishment, his parents took him to their province and made him stay there for th...