Chapter 15 - Parang, Baka, Siguro, Oo

343 20 4
                                    


Bakit siya nakatingin sa akin?


Hinalikan ni Carmela si Berto pagkatapos marinig ang mga sagot nito. Hindi man sa pagdududa pero parang nananadya talaga itong si Carmela. Hindi ko alam kung ano ang dalhilan niya kung bakit niya ito ginagawa. Mabait nga ang una kong tingin sakaniya pero nagbago iyon dahil sa mga inaasal niya sa harap ko, namin.

Nagpatuloy lang ang laro. Marami akong narinig tungkol sa kanila. Nalaman kong galing palang US si Carmela para umattend ng kasal ng Tito niya. Marami pa siyang sinabi pero lahat ng kwento niya ay hindi natatapos ng hindi niya sinasabi na namiss niya si Berto. Ew.

"Si Randy naman!" si Berta nang matapat kay Randy ang pinaikot na bote. Masaya naman ang lahat lalo na't nagkakasiyahan na sa alak. Mag aalas-nuebe na din.

"Sino ang crush mo ngayon? Huwag mong sabihing ako?" pagbibiro pa nito. Nagtawanan naman lahat dahil medyo may tama na si Berta.

"Magugulat ba kayo kung sabihin kong si White?"


shit. no. don't put me in the spotlight.


So napunta na naman sa akin ang atensiyon ng lahat lalo na itong si Berta na kahit nakainom na ay napaayos ang pag-upo sa narinig. Napatingin lang din ako kay Randy na ngayon ay nakatingin lang sa bote.

"Gusto ko si White"

"Pero gusto mo din si baby ko di 'ba" 

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang mga iyon. PATI BA NAMAN IYON?! BERTO? SINABI MO?!

"A..anong pinagsssab..bi mo diyan?" si Brando sabay akbay nito sa kaniya. Sinamaan ko ng tingin si Berto na ngayon ay inaawat na si Carmela sa pagsasalita.

"Ikaw na magsabi Randy para masaya. Marami pang drinks kaya pahabain natin ang kwentuhan" 

Ngayon nadedemonyo na ako kay Carmela. Kitang-kita ko sa mukha ni Randy na parang binuhusan ng tubig. Nawala ata yung tama niya sa alak nang marinig ang mga pinagsasasabi ni Carmela. At dahil dun hindi na ako nakapagpigil.

"Seriously, Berto?" alam niya na ang ibig sabihin ko dahil napayuko ito.

"No secrets allowed, di 'ba baby?" si Carmela na nakalingkis na naman na parang ahas.

"Kahit na! Sana man lang nirespeto mo yung mga sinabi niya!" hindi ko na talaga napigilan at napatayo na ako. This is fucking bullshit. Napaka REDFLAG! as a FRIEND.

Hinawakan pa ni Randy ang braso ko para pigilan ako at sabihan na okay lang. OKAY LANG? NO RANDY, IT'S NOT OKAY! Kanina pa ako nagtitimpi.


"Oh, so you're talking now?" kahit pilit nalang ang pagdilat niya sa kaniyang mga mata ay may gana pa talaga itong magtaray.

"Feeling mo naman prinsesa ka? Ano? Kase madaming nagkakagusto sayo? Kase gusto ka ni Wesley? ni Randy? ni Berto?" sabay sinok pa nito. Alam kong nakainom na siya pero tangina talaga. At bakit pa nadamay si Berto? 

"Ano bang pinagsasasabi mo?" 

Tumayo naman siya. Ngayon ay nasa amin na talaga ang atensiyon ng lahat. Tila nawala ang alak sa mga katawan nila nang nagkasagutan na kami ni Carmela. At wala na din akong pake kahit nasa bahay nila kami. 

"Why? Mali ba ako? Feel na feel mo namang gusto ka nila? Kita ko nga sa mukha mo yung pagkadismaya nung malaman mong girlfriend ako ni Berto"

"Wait, what? Bakit naman ako madidismaya? Magpinsan kami Carmela! My goodness!"

Waking up in Probinsya (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon