"Why do birds suddenly appear
Every time you are near?
Just like me, they long to be
Close to you"
Nagising ako sa tugtog galing sa kapitbahay. Timing naman ito dahil tumugma naman ang lyrics kase nang maidilat ko ang aking mga mata ay parang nakalutang lang ako sa hangin habang yakap ang isang matipunong lalaki na ngayon ay nakangiting nakatingin din sa akin.
"Good Morning, Mahal" bati niya at inilapit niya naman ang kaniyang mukha para halikan ako.
"Good Morning" ngiti ko namang sagot sa kaniya.
"Ay, yun na yon? Hindi mo na ako mahal? Kagabi lang, sabi mo gusto mo ako. Magtatampo na ako niyan." sabi nito
Niyakap ko naman siya at hinarap para sabihin ang mga salita.
"Oo na, uulitin ko. Good Morning, Mahal" sabi ko habang nakangiti.
"Psh. Hindi naman sincere, parang napilitan pa" sabi niya at umalis sya sa pagkakayakap ko sabay talikod sa akin.
"Eto naman, ang tampuhin. Hindi lang kase ako sanay kaya medyo cringe" sabay hila ko sa kaniya at iniharap saakin ulit.
"Cringe pala ha" huli niyang sabi nang bigla niya akong kiniliti sa leeg kasi alam niyang weakness ko yon. "Sabihin mo lagi yan, siyempre sa akin lang, para masanay ka, Mahal" sabi niya nang itinigil niya na ang pangingiliti at humarap sa akin sabay halik sa aking noo.
"Okay, Mahal" sagot ko sa kaniya.
We we're so happy. I feel so much happiness. Ilang sandali pa ng aming kasiyahan ay bigla naman akong napaupo nang maisip ko ang mga what If's.
"Hindi tama 'to" agad naman siyang umupo din at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang pisngi ko at hinarap niya ang mukha ko. Naluha nalang ang mga mata ko kasabay ng pagkaalala ko na malapit na din pala akong umuwi. Naiisip ko palang na hindi din magtatagal ang kasiyahan na ito ay hindi ko na mapigilang maging malungkot.
"Shhh, tahan na huwag kang umiyak" at pinahid niya naman ang aking mga luha gamit ang kaniyang mga kamay. Nakatingin lang ako sa kaniyang mga mata.
"Paano na si Carmela? si Tita? yung pamilya ko? at higit sa lahat, magpinsan tayo Berto, Hindi ko lang maiwasang malungkot" patuloy lang siya sa pagpunas ng mga luha ko na kahit pinipigilan ko ay may tumutulo pa din. Ilang sandali pa ay may narinig kaming mga katok sa labas ng pinto.
"Berto? White? mga anak? Gising na at kakain na ng almusal" si Tita.
Nagkatinginan lang kaming dalawa. Ngumiti siya at muli akong hinagkan sa aking noo at tumayo na din para magbihis.
"Pwede bang huwag muna nating pangunahan ang lahat?" sabi niya at binigyan niya ako ng isang nakangising tingin na pansin pa rin ang bakas ng kalungkutan bago lumabas. Tumayo na din ako para magbihis.
Ang dami kong doubts ngayon pero I will trust him. Hindi muna ako mag-ooverthink ngayon.
Pagkababa ko ay agad akong lumapit sa hapag para kumain na din kasama sila Tita. As usual na kainan pero iba yung saya ko ngayon dahil okay na kami ni Berto. Napansin naman iyon ni Tita dahil nag-uusap na kami.
"Mukhang nagkaayos na kayo ah?" sabi ni Tita na siyang napatigil sa amin ni Berto. Buti nalang at may sinabi ulit si Tita upang mawala ang ilang sa lamesa. "Tsaka nga pala anak, bakit ako pa yung tinuro mong may hawak sa cellphone ni White? Ikaw talaga kung anu-anong sinasabi mo" tawa naman ni Tita at napatawa na din kami. Pagkatapos naming kumain ay si Faith na ang naghugas ng mga pinggan kaya napunta na din agad kami ni Berto sa kwarto. Hiniram ko naman yung cellphone ni Tita para matawagan si Mommy.
BINABASA MO ANG
Waking up in Probinsya (BL)
Teen FictionMeet White Enriquez. A spoiled teenager, born from a rich family that always take everything for granted. He nearly failed 2 subjects in his Senior High years and as a punishment, his parents took him to their province and made him stay there for th...