*The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call later.*Pilit kong tinatawagan ulit sila Mommy at Kuya pero hindi ko na sila macontact. Ayoko namang tawagan si Daddy dahil magagalit yun. Mukhang nakalayo na sila sa mga oras na 'to. Nasubukan ko na ding tawagan yung mga kakilala ko pero unti-unting nawala yung signal. Ngayon nakatitig nalang ako sa phone ko at napaisip sa sitwasyon ko ngayon.
"Ano bang magagawa ko dito. Pati signal wala." napahinga nalang ako ng malalim.
Habang nakatingin ako sa phone ko, biglang nag pop-up na 20% nalang yung life ng battery. Tatalikod na sana ako para hanapin yung charger ko nang maalala kong nasa sasakyan yung bag ko!
"NOOOOOOOOOOOOOOO!"
Napahiga nalang ulit ako sa pag-iisip ng mga nangyayari ngayon. Gusto kong maiyak at magwala pero wala akong magawa. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Ni hindi ko alam tong lugar na to. Kilala ko sila Tita Helen pero hindi rin kami close. Paano ba ako mabubuhay dito?
Napadilat nalang ako nang may kumalabit sa akin. Nakita ko ang cute na bata na inaabutan ako ng candy.
"Bigay Tito Max akin" sambit niya at kinuha ko naman. Ngumiti siya at tumakbo na palabas ng kwarto. Bigla nalang akong napaisip.
Si Daddy. Mahilig mang spoil ng mga bata. Sabagay, spoiled niya din kami ni kuya noon pero ewan, bakit nga ba bigla nalang siyang nagbago simula nung ilang araw siyang nagbakasyon. Pagkabalik niya sa bahay lagi nalang siyang may iniisip tapos kapag niyayaya namin maglaro, pinapagalitan niya na kami. Nag sosorry siya pero mula noon, hindi na kami masyadong naging close. Naging busy na din siya sa trabaho at laging late kung umuwi.
"White, bumaba kana at kakain na tayo" tawag ni Tita Helen at narinig ko na naghahanda na sila sa lamesa.
Agad ko namang binalik yung isip ko sa sitwasyon ko. Naisipan kong tumakas. Bahala na. Magtatanong tanong nalang ako sa mga tao na makakasalubong ko.
Sumilip ako sa labas ng kwarto at naisip kong hindi ako makikita kung dito ako sa bintana dadaan.
Tinali ko yung kumot na nasa higaan at ibinaba ko agad ito. Hinanda ko na yung sarili ko. Tahimik akong umakyat at bumaba mula sa bintana ng kwarto. Nang malapit ko nang maitapak yung paa ko sa lupa ay biglang napunit yung kumot kaya tumalon nalang ako pero lumikha ito ng ingay. Hinayhinay akong naglakad papunta sa kalsada.
"Hoy! Saan ka pupunta!" pagkalingon ko ay nakatanaw na sa akin ang pinsan kong lalaki mula sa bintana. Nakita ko itong parang lalabas kaya sa taranta ay tumakbo ako papalayo sa bahay. Narinig ko pa si Tita na sumisigaw at tinatawag ako pero hindi ko na siya nilingon pa.
Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa may mga nakasalubong akong mga ale na naglalako ng mga gulay.
"Ate, saan po ba dito yung Bus Station?" pagtatanong ko sa kanila na may halong hingal.
"Saan ka ba nang galing iho? Ayos ka lang ba? Malayo pa kase yung bayan dito. Kinakailangan mo pang sumakay para makarating doon." Nakatingin lang yung dalawang ale sa akin habang yung iba naman ay nagpatuloy na sa paglalakad.
"Sige po salamat nalang po" paalam ko dito. Wala akong dalang pera pero patuloy lang ako sa pagtakas. Hindi ko alam. Parang wala na ako sa tamang pag-iisip.
Ilang sandali lang ay natanaw ko na naman sa di kalayuan yung pinsan ko kaya napatakbo na naman ako hanggang nakarating ako sa masukal na gubat kung saan may dalawang daan. Pareho itong may kadiliman pero feeling ko isa dito yung daan papunta sa bayan na sinasabi nila.
BINABASA MO ANG
Waking up in Probinsya (BL)
Ficção AdolescenteMeet White Enriquez. A spoiled teenager, born from a rich family that always take everything for granted. He nearly failed 2 subjects in his Senior High years and as a punishment, his parents took him to their province and made him stay there for th...