Chapter 11 - Puso, Huwag puro Utak

424 25 7
                                    


"Pero mas gusto ko si Berto"

I am literally shocked right now. Hindi ako makagalaw dahil sa mga sinabi niya. Nakatingin lang kami sa isa't-isa at hinihintay kung ano ang susunod na mga gagawin. Hindi siya halata at ayokong mag assume pero ano bang ibig niyang sabihin?

"Kaya ko sinasabi ito dahil napapansin ko na malapit kayo sa isa't-isa. Nakakaselos kasi kami yun dati eh. Kami yung palaging magkasama. Pero di ko naman masisisi kase sa bahay ka naman nila nakatira at pinsan ka pa niya" mahaba niyang paliwanag. Hindi talaga ako makapaniwala. Ang alam ko mag bebestfriends sila kasama nila Wesley pero di ko na imagine na magkakagusto siya kay Berto. Sa kisig ba naman niya?! Magkasing-katawan lang sila ni Berto kung titingnan pero..

"Sana hanggang magpinsan lang talaga kayo. May nararamdaman kase akong kakaiba sa inyong dalawa"

Napapintig naman yung mga tenga ko sa sinabi niya. Ngumiti naman ako at agad siyang inassure na walang nangyayari sa amin ni Berto at magpinsan lang talaga kami. Wala naman ah?

Wala nga bang kakaiba?

Magpinsan lang ba talaga?

No feelings attached?

Para sa akin naman ay mukhang wala.

-----------------

Nakauwi na kami galing sa pagkuha ng mga gulay after 1 and a half hour.

"Apo, kanina ka pa tahimik. May iniisip ka ba?" tanong ni Lolo Tecio. Napansin niya talaga yun kase nung papunta kami doon ay nagtatanong ako sakanya pero nung pabalik kami, pagkatapos naming mag-usap ni Randy, hindi na ako umimik pa.

"Namimiss mo na siguro yung buhay mo doon sa inyo"

Ngumiti naman ako agad. Namana ata ni Berto sakanya yung pagpapaguilty sa akin. Hay nako.

Tumulong nalang ako kay Lolo sa paghuhugas ng mga gulay at si Randy naman ay naghanda na ng mga kagamitan para makapagluto na ng hapunan.


Nakarating na ang mga magsasaka kasama si Berto. Nang tumingin ako kay Berto ay ngumiti ito. Napatingin din ako agad kay Randy at dun ko nakitang nakatingin na din siya sa akin. Umiwas nalang ako at pumasok na sa loob ng bahay. Bigla ko namang naalala yung mga huling nasabi ni Randy sa akin kanina.

"Mahal ko siya, White. Siya lang kase yung nagpakita sa akin na mahalaga ako. Hindi ko ata kaya na makita siyang may magustuhan na namang iba. Sana tulungan mo ako"

Hindi ko alam kung paano siya matutulungan. Ang alam ko eh close friend lang yung turing ni Berto sakanila nila Wesley. At sa sinabi niya, hindi ko alam yung "may magustuhan na namang iba" sabagay malaki na siya, baka nagkajowa na yun dati.

"Kakain na" tawag ni Berto. Agad naman akong lumapit sakanila.

Yung sinabi ni Randy kanina, hindi na ako nakasagot sakanya dahil dumating si Lolo Tecio.

"Kumain lang po kayo ng marami. Kailangan pa natin ng lakas para bukas todo na" masayang sabi ni Berto sa lahat.

Nagkakasiyahan ang lahat. Kwentuhan, tawanan habang ako ay tahimik lang na nakikinig sa kanila.

"Bukas pala, sumama ka sa palayan. Tuturuan kita kung paano umani ng palay" bigla niyang siko sa akin. Napansin niya sigurong wala lang akong imik kaya nagsalita na siya. Tumango lang din ako. Di naman niya na ako kinulit pa kaya nagpatuloy lang din siya sa pagkain. Actually, konti lang yung kinain ko kase puro gulay yung ulam. Hindi naman sa pag-iinarte, hindi kase ako kumakain ng gulay tsaka may iniisip din ako.

Waking up in Probinsya (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon