chapwan pa din

58 0 0
                                    

***

“O ayan na pala si Miel e, mamita bakit naman kasi ‘tong si Miel pa naisipan mong isama, hindi bagay ang beauty dito sa kusina”

“Parang bagay ka dun sa tabi ng upuan ni sir Draze”

Sila ba? Tauhan sila ni mamita sa “mamitas catering” ako na naman ang nasumpungang asarin. Sabi ko sa inyo pretty ako e, kitams bagay daw ako dun sa upuan sa tabi ni Draze.  

“naku wag nyo na ngang ipaalala kung bakit ang batang iyan ang naisama ko, nag-iinit lang ang ulo ko”

Haha, natawa ko bigla, naalala ko na naman kasi kung pano nataranta si mamita nung nagtext yung sexy-tary nya na hindi daw makakasama.

Nagkasakit daw pero if I know my date lang yun, joke lang. Peace tayo ate Meg. E kasi naman pagkabasa nung text ni Ate Meg itong si mamita nagpalakad-lakad na sa sala natalisod tuloy sa carpet. He he he he! Ssshhhh Bad pamangkin.

“Hahahhahhahaha!!” natawa din sila.

“Ayan, kayo kasi e pinaaalala nyo pa, belat, saka wag n’yo kong asarin na bagay ako sa upuan sa tabi ni Sir Draze baka nga patalsikin ko dun ung makapal ang tingang babae sa tabi nya”

“marinig ka ni mam Precy, eto talagang babaeng to”, hooo si mamita pinagagalitan ako pero nakangiti.

Kasi tingnan mo naman yung babae oh, pormal party nakaganung suot,

Nakashort short, or shall I say pek-2-times-short, tapos naka anu ba yun? Gosh, nakatube, wow huh tapos si Draze naka polo, anu namang klaseng kabaduyan un diba? Hindi talaga bagay tumabi kay draze e. Anu bang akala nya sa party ni sir Draze pangkanto. Hayyy buti nalang may ganda sya, pero mas maganda pa din ako sa kanya. *concited me*

***

“oo nga pare tumatanda ka na .”

“mga lols nu akala nyo sa sarili nyo pabata?, Magbe-birthday din kayo wag kayong mainip”

Saka kami nagtawanang magbabarkada. Ganito lang naman kami pagnagkikita-kita masaya. Kaya HGL tawag samin sa school e, tagal kong inisip yun bago ko nalaman ang ibig sabihin ng HGL.

“oh pano, dyan muna kayo HGL, enjoy the party.”

“sige HGL pioneer, puntahan mu ne buhay mo, haha”

***

“ayos lang ba kayo dyan?” muntik ko ng mabitiwan yung hawak kong sandok na may sabaw, nakatalikod kasi ako sa pintuan ng kusina, tapos nasa likod ko lang yun, tapos biglang may nagsalita, tapos si mam precy pala.

Aray ng mahina. Pigil na pigil, kagat labi. Humarap ako sa kanya ng maluha-luha.

“opo mam” naghihilot ako ng labi, gamit ang aking ngipin.Kung paano maghilot ng labi gamit ang ngipin follow me on twiter@Kyleenper, or visit my FB Kyleenper@yahoo.com

“oh Miel nandito ka pala, bakit hindi ka makipagsayawan sa labas?”

Kilala ako ni mam precy bukod kasi sa scholar ako sa school namin na kung saan dun din nag-aaral ang unico hijo nya, suki din kasi nila sa party ang mamitas catering at madalas na ako ang kausap nila for finalizing things.

VOICE OUT “aw, hindi na po nakakahiya naman po, atsaka mam lahat sila sanay uminom”. Anyway, ako din naman hindi lang nila alam. Hehe. Voiceless “aw sige po, nakakahiya naman pong tumanggi sa alok nyo sige po mauna na ko dun sa inyo”

“naku Miel, kailangan bang marunong uminom, di kumuha ka ng basong may lamang alak tapos kunwari iniinom mo” yan ang tita ko, bagets na bagets magbiro kaya love ko e.

“tita talaga, kaharot, pwede ba yun?” wala sa plano kong magmukang shunga dun sa suggestion ni tita, ayokong gawin yon, o ikaw ayan ha nakakuha ka ng technique kay mamita. Pasalamat ka, okay lang kung through comment. hehehe

“sya sige, I am going to teach you hija, but you use this skill during parties only hah, and also moderate lang”

We? Hehe, cool naman talaga ng mga bagets dito sa kusina, akalain mong tuturuan akong uminom, lagot kayo, minor lang ako, seventeen, next week pa ko mag-e-eighteen.

“sige po mam, game, ako din ah, ng makatikim naman kami ng wine ng mayayaman” si ate tet tauhan ni mamita taga-urong.

“o sige sandali at ikukuha ko kayo ng pinakamahal na wine sa bar” sabay talikod, seryoso ba talaga siya? Iba talaga si mam precy, kahit mayaman na sya nakikihalubilo pa din sya sa mga katulad namin. Kaya so blessed e.

Ano na kayang meron sa labas, makasilip nga ulit.

***

“nag-eenjoy ka ba sa party babes?” si Draze, habang nakahawak sa braso niya si Arleen, yung makapal ang tingang katabi nya sa upuan.

“oo naman babe” nakatingin lang siya kay Draze habang sinasabi yun, tumingin sya sa paligid, upss bakit obvious bang nakatingin ako sa kanila? “ang daming tao sa party mo”

Anyway nagtataka ba kayo kung bakit nakikita ko sila? Well kasi nakikita ko sila pakielam nyo ba? Hehe joke, medyo mahirap kasing i-explain yung ayos ng bahay ng mga Lopez, pag nahiram ko yung floor plan ng bahay nila ipakikita ko sa inyo.

***

“here guys, Marconi, mahal yan ha, kung ngayon n’yo lang narinig yang name ng wine na yan malamang palagi nyo ng maaalala pag natikman nyo” nakataas ang mga wine glass na hawak ni mam precy habang sinasabi ang mga bagay na tungkol sa wine na hawak niya.

Nilapitan ko siya para tulungan sa kaniyang dala-dala. “ako na po mam” saka ko kinuha ang mga wine glass na hawak nya, lima ata, nadala niya lahat yun gamit ang isang kamay? Sabagay, maliit lang naman ang mga wine glasses.

“’yan ang gusto ko sayo hija, sasabihin ko palang gagawin mo na, sige distribute that wine glasses and then enjoy, okay naman na ang mga food sa labas, muka namang kasya yung stock, no need to cook food anymore, just enjoy your stay here” always smiling.

Parang nakakahingal naman yung sinabi ni mam precy kahaba. Pwede naman nyang sabihing KAMPAY.

fAteD tO lOve yOu! o n g o i n gTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon