pervert part2 *with love

24 0 0
                                    

Dugss* “ouch” ang sakit sa binti, nabunggo ako sa may upuan.

Ang bilis ng karma.

Pagkatapos kong bumili ay nagtuloy na agad ako sa may kinauupuan ng barkada.

“kamusta nga pala mga pare, nakauwi ba kayo ng matiwasay nung welcome party?” alex, nang-aasar ka ba?

“ikaw ang kamusta pare,? Sarap bang maghoneymoon?”

“langya ka alex, tanga hindi ko tinatabihan yun no, never, haha”

“asus, nasasabi mo lang yan, darating ang araw mamahalin mo din yan, haha, magkakaanak kayo, see?”

“tama ka dyan Jovin, mapapaibig ka din at pagnangyari yun, pagtatawanan kita pare” lakas talagang mang-asar nitong si Alex.

“pag-ikaw ang umibig magugunaw ang mundo, kaya ipagdadasal kong hindi mo mahanap yang babaeng hinahanap mo”

“ulul!”

Tawanan, ganun lang, Masaya na kami, kahit para kaming siga dito sa school simple lang nakakapagpasaya sa amin, konting asaran tapos tawanan.

***

Maaga natapos klase ko, kaya maaga akong umuwi ng bahay para mag-ayos ng gamit, hindi ko pa kasi naayos gamit ko, pati ng drakula.

Pagpasok ko sa bahay nagpunta agad ako ng kusina para uminom, may nabasa akong note galing ata kay mommy.

“good luck sa buhay may asawa mga anak. Huwag kayong parating magbabangayan at magmahalan kayo, love mommy”

Sweet talaga ni mommy, ampon lang kaya si Draze? Tingin nyo? Hindi kasi sila magkaugali e.

Ay naku kung anu-ano pang iniisip ko, pagkainom ko nagpunta na ako sa kwarto at nagsimulang ayusin ang mga kahon at bagaheng 5 ata, gamit ko at gamit ng drakula, ano kayang meron sa gamit niya? Meron kayang mga listahan ng mga babaeng nasipsipan na niya ng dugo.. yiiiiiiihhhhh.

Sinimulan ko sa mga tshirt niyang pambahay, tapos sinunod ko yung mga damit niyang panlakad, pinaghiwalay ko para hindi na siya mahirapang maghanap ng panlakad. Napansin ko sa mga panlakad niya mas maraming tshirt kesa sa poloshirt.

Hiniwalay ko din yung uniform niya, yung shorts niyang pambahay, yung.

“ayyy, ano to?” brief, gggrr. Naihagis ko sa sahig yung brief na nahawakan ko, nagulat ako first time ko kasing makahawak ng ganong uri ng kasuotan. Hindi naman ako alien wala nga kasi kaming kamag-anak na lalaki, kaming dalawa lang kasi ni mamita.

Pero pinulot ko ulit, naisip ko kasi okay yun first time kong hahawak nito at sa asawa ko lang o di ba bongga, inayus ko na, hindi na din ako nakaramdam ng pagkailang.

Pagkatapos ko sa mga gamit niya sinunod ko yung akin, nasa malapit lang din yung closet ko, katabi lang din ng sa kanya, yun lang mas maliit yung akin saka kulay pink, ewan ko kung bakit. Never mind hehe.

Hindi ko namalayan ang oras, 7 na ako natapos sa pagliligpit dahil sa dami, bukod kasi sa inayos ko sa lalagyan kasama na dun yung pagtiklop ng maayos.

Kaya pala nakakaramdam ako ng gutom buti na lang nag-iwan si mommy kaninang umaga ng pagkain, pwede pa naman siguro yun iiinit ko nalang.

Nagpunta ako sa kusina para tingnan kung pwede pa yung pagkaing iniwan ni mommy, at lucky me, pwede pa kaya ininit ko na lang, nakakapagtaka lang gabi na wala pa din ang drakula, naninipsip kaya ng dugo? Hehe, iba yata yun ah?

fAteD tO lOve yOu! o n g o i n gTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon