RECEPTION!

15 0 0
                                    

Pagkatapos ng kasalang kalokohan na hindi ko ba malaman kung romance o comedy e nagtuloy ang lahat sa bahay ng Lopez kung saan may kainang nagaganap.

Kasabay na ako ni Drakula pauwi dito sa kanila, iyun kasi ang sabi ni tito allan, tutal naman daw e tapos na kasal, sumakay kami sa kotse nyang dilaw na may black na hindi ko ba malaman kung anong style, style bulok… tsss…

Ewan amboring sa loob ng kotse walang umiimik sa aming pareho, nakakabingi din pala pagminsan ang katahimikan parang yung mga buntong hininga niya lang yung naririnig ko, ano kayang naiisip ng lalaking to at panay ang hinga ng malalim?

Duh, always thinking about his ruined future.. bakit buhay niya lang ba sira? Of course not, ako din naman ah. Tse!

Katingin lang ako sa labas ng bintana ng kotse niya, ayoko siyang tingnan kahit gwapo pa siya.

Okay so eto na nga, nandito na kami sa reception, nasan kayang groom ko? Bakit parang hindi ko makita na? nandito lang ako sa sala nakaupo ditong mag-isa, actually kanina medyo nakikipag-usap pa ako sa mga bisita, kaya lang paulit-ulit sila ng tanong na hindi ko naman alam ang isasagot.

“hindi yata namin nabalitaan na may nobya na pala si Draze na Miel ang pangalan”

“saan kayo nagkakilala?”

“Matagal na bang kayo?”

Sige nga kung kayo nga ang tanungin ng ganyan ano isasagot niyo? O see wala dib a?

Alangan sabihin kong nung isang lingo lang po kami nagkakilala, unang meet po namin sa guest room na bahay nila, tapos naklaboxer lang po siya.

Ayoko din namang maghabi ng kwento at hindi naman ako mananahi, baka mamaya may magsumpa pa sa akin na maging isang gagamba. No no no no way!

Makalabas nga muna dun ng mahanginan naman ako.

***

Pagdating ko kanina kasama ang kuto dito sa amin e pumunta kaagad ako sa barkada without asking her permission, no need to ask anyway, paki ba niya sa gusto kong makasama.

Tagay lang, dalas ng celebration sa garden ng bahay namin, nakakasawa na, ang hindi lang nakakasawa pagnagkaharap-harap ang HGLs e.

“Alam mo pare ang plastic mo kanina e, sarap mong batuhin ng sapatos” si jovin best buddy ko sa barkada, groom’s man sa wedding ko, pagkasabi niya ng yan e saka niya inisang lagok ung alak na nasa baso niya

“e ano ngayon?, anong gusto mo magsungit-sungitan ako dun? Nakakahiya naman”

“pare look who’s here”

Napatingin ako sa direksyong tinitingnan ni alex.

“oh crap” muntik ko pang mabitiwan yung basong hawak ko sa nakita ko.

“tsk tsk”

***

Paglabas ko ng sala para magpahangin e may dalawang girl na lumapit sa akin na para bang anytime e magiging ahas yung kanilang mga malalagong buhok, oh no need may stone. DARNA…………….

“so ikaw palang ipinalit ni draze kay arlyn?” to formally start a conversation one must ask what is your name, or by simple saying nice things, kaya lang parang absent ata sila nung dinidiscuss ng teacher nila yung topic na yon sa GMRC, CBT, oh kaya e Religion. Kita nyo naman approach sa akin.

Hay miel magpigil ka at masisira lang ang araw mo.

Pasalamat tong mga to ayoko ng eskandalo.

“aih, e oo e, ehehe” smile pa din sayang kasi yung make-up ko baka masira.

fAteD tO lOve yOu! o n g o i n gTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon