cont....

41 0 1
                                    

            Expect the unexpected sabi nga nila. Noon hindi ako naniniwala sa ganito, pero akalain mo nandito na ko sa unexpected situation? Wala sa plano kong mag-aasawa ako ng maaga, tapos yung hindi ko naman talaga kilala, oo kilala ko sa pangalan but this can’t be true, we bearly know each other.

            Set up. Sa bahay na ko ng lopez titira, pagkatapos mamanhikan sa amin, magaganap yun 2 days pagtapos ngayon. Well hindi naman gaano malayo bahay namin sa bahay nila Draze magkaiba lang ng street pero iisang baranggay lang. kahit na, hindi ko ata kayang malayo sa kwarto ko, tsk!!

Pinagmasdan kong kwarto ko, maganda naman dito e, mas gusto ko ata dito? Pagtingin ko sa gawing likod ng pinto ng kwarto ko nakita ko lahat ng bagay na pinaplano ko sa buhay.

Plan of activities

18 - Birthday celebration

19-21 - Magboboyfriend

21 - Susubukan kong sakyan lahat ng rides sa Enchanted Kingdom sa isang araw lang, kasama BF ko

22 - I want to have my first kiss with my first BF

23 - I want to treat mamita in a luxurious vacation using my salary at work

24 - Magpapakasal ako with my BF

Actually madami pa yan e, hindi ko palang naiisip pa yung iba. Tinitigan ko lang yan, tapos biglang parang lumitaw dun yung muka ni Draze, nagulat ako, yung gulat na napaatras ako ng konti saka ko nahampas yung pinto ko, ganun kasi talaga ko pagnagugulat.

“aray!” hayan tuloy nasaktan ako, busit na Draze yan kasalanan nya to e.

Hayyy, kung sa ibang pagkakataon sana kami ikakasal di sana happy much ako, gwapo kaya niya kahit muka siya drakula.

***

Walk-out ako, hay! Sakay agad ako sa kotse ni mommy kahit hindi ako nagpaalam, nagtatampo na kasi ako sa kanila ni tito e, ipakakasal ako dun sa kuto na yun, ni hindi ko nga sya type no, hindi ko din kayang banggitin pangalan niya badword yun ggggggrrrr.

Sakto may usapan nga pala kami ni Arlyn ngayon, siya nalang ang pupuntahan ko. Actually hindi ko naman talaga serious GF si Arlyn, pero siya pa lang kasi nagtatagal na GF ko e, 5 months na kami, well may mga nakasabay siya na hindi niya alam, at hindi ko din gustong ipaalam sa kanya, nag-eenjoy pa ko sa ngayon sa relationship namin, pero hindi siya yung tipo kong pakasalan.

Pero hindi ibig sabihin nun na yung kuto na yon ang gusto kong pakasalan no! haist Draze huwag mo na siyang isipin.

***

“hija, hindi lang para sa akin tong mangyayari ha? Ikaw ang mas iniisip ko dito, kaya sana anak maintindihan mo,” nangingilid luha ni mamita, oh no, ayokong nakikita siyang umiiyak.

“opo mamita, hindi po ako galit sa inyo, huwag lang po kayong iiyak, ayoko po”

“all my life hija, ikaw lang ang naging alala-ala sa akin ng kapatid ko, ikaw lang ang nag-iisang anak nila na anak ko na din ngayon, hindi ko gustong masira ang buhay mo, maniwala ka sa akin, darating yung time na marerealize mo na baka tama din si mamita”

Hindi ako makapagsalita, hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa mga sinasabi niya, pero wala din akong lakas ng loob na salungatin si mamita, ayokong nasasaktan ko siya hanggat maaari.

Pero totoo kaya. Tingin mo?

Totoo kaya na darating yung araw na maiisip kong tama si mamita, na baka magpasalamat pa ko sa kanya? Hayyy, bahala na, just go with the flow.

fAteD tO lOve yOu! o n g o i n gTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon