Wedding Day! sck

44 0 0
                                    

***

Dandandaran, dandandaran….

Upps teka excited? Joke lang wala pa ko sa simbahan, nandito pa ko sa kwarto ko sa bahay ng mga Lopez. Dito na kasi ako tumira pagkatapos nung birthday ko, ay kahapon lang pala yun. So kagabi dito na ako natulog para dito na din daw ako aayusan para sa wedding.

Nasan na kaya si draze? Hindi ko na siya nakita simula nung pamamanhikan nila e, kahit nga nung birthday ko hindi siya nagpunta, pero nandun naman ang mommy nya. Anyway okay lang hindi ko naman talaga siya iniintay pero akala ko talaga pupunta sya e. pero hindi ko siya hinihintay, akala ko lang talaga. Pero h…….

Ahhh, enaf.

“ayan muka ka na lalong princess, ang galing-galing ko talaga”, bruhang bakla na to ginugulat ako, nag-iisip ako ye.

“look look, tumingin ka naman sa salamin para makita mo kung gaano ka naman kaganda”, so gay huh!

Hindi ko talaga balak tingnan sarili ko sa salamin, baka kasi iba pa makita ko dun. Hindi ko pa din kasi totally tanggap ang kasalang ito e.

“ay naku kung ayaw mo nga di wag, tse, dyan ka na ‘day”, lumabas na yung baklang nag-ayos sa akin, hehe nainis ata. Hmmm.

Tumayo na ako sa aking kinauupuan, nakabihis na din ako bago ako minek-up-an kanina, pagtayo ko napatingin ako sa salamin, NO!

Pumikit ako ng mariin, kaya lang sino yung nakita ko sa salamin? Ang ganda naman ata nya? Hekhek.

Dahil dun binuksan kong mga mata ako, tiningnan ko ang sarili kong repleksyon sa salamin, hindi pa din talaga ako makapaniwalang ikakasal na ko. Nakasuot ako ngayon ng damit na puti, 1 inch above the knee, eto na ba uso ngayon? Baka hindi ako papasukin sa simbahan neto a, pero okay din yun walang magaganap na kasalan nyahehehehe. Ang kati naman ng gloves na to, pati tong butas butas na puting stocking, ang kati grr. Tapos ang bigat bigat pa netong nasa ulo ko. Tapos……

Bigla ko na lang narealize na kanina pa pala ako nagrereklamo, well hmm, maganda naman kaya lang ewan parang may kulang, hayyy.

“hija tayo na, malelate tayo” narinig ko na ang boses ni mommy, sinong mommy? Si tita precy, gusto niya kasing tawagin ko na siyang mommy, kasi sandali na lang naman daw magiging mother-in-law ko na siya. Nakakailang kaya lang nagtatampo siya pag hindi ko siya tinatawag na mommy e.

“opo ti.. mommy nandyan na po!” iniayos ko lang ng konti yung laylayan ng gown ko tapos lumabas na din ako para sundan si mommy.

***

Nandito pa din ako sa kwarto, para talagang ayoko ng ituloy to grrrr. Nakatayo lang ako sa harap ng salamin, tinitingnan ko lang sarili ko dun, ang dami-daming iniisip ng utak ko, parang mapupunu na, no space na para i.accept pa tong wedding na to!

Napabuntong hininga nalang ako, saka ako umupo sa kama, pagkaupong-pagkaupo ko ay nag.ring yung Cp ko, someone’s calling, tiningnan ko kung sino, at namutla ata ako sa nakita kong pangalang nagregister sa CP ko.

Mah arlyn is calling.

Dandidan, dadididan, dadidadidadidadididan dandidan dadididan dadidandandandan…

Tunog yan ng Cp ko, okay,okay sasagutin ko na nga. Kinuha kong Cp ko sa kama, sinagot ko.

Hello babes

“Arlyn napatawag ka?”

Oh bakit parang hindi ka ata natutuwang tumawag ako?, babes I am sorry for the last time na tinaboy kita paalis sa bahay….

fAteD tO lOve yOu! o n g o i n gTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon