eNd oF cHapwan

44 0 0
                                    

***

Parang iba na ata ang mata ni Arlyn, lasing na ata e, “okay ka lang baby? Tell me if you’re not then I will send you home na ha?” worried lang ako, ang pungay na kasi ng mata niya.

“okay lang ako sweety, medyo pagod lang, kulang lang ng kiss ng boyfriend ko” yun oh, lasing na nga, lumalabas na pagkaPDA e, to talagang ayaw pang umaming senglot na siya e.

“kaw talaga babe, hindi pwede dito, nakakahiya ang daming tayo, nakatingin sila sa atin ang ganda mo daw kasi e”

“bola. Hmmm, di wag di mo ko love.” Nagpout siya.

Ginamitan na naman ako ng witchy magic niya, pag ganito na si Arlyn hindi ko na siya matanggihan ang cute nya kasi pag nag.pa-pout e. “sige, close your eyes”. Pumikit naman siya. Then I kissed her on her lips, upppsss that is a light kiss only, bawal ang heavy madaming tao. Hehe.

“uwi na ko babe”

“sige, sige babe, you sit here and wait till I call you, ipahahatid nalang kita kay Manong im drank you see, hindi na kita maipagda.drive”

“yes please thanks.”

***

“nako po, Gymiel Jean, tama na ha, ang dami mo nang naiinom hija, hindi kita maiuuwi ng ganyan ka”

Ha? Ano mamita? Bakit kaya ko pa naman ah…… ui ano yun? Ay yung kalan oh, may apoy pa…. bakit parang umiikot, lumilindol? Ayoko sa lindol, ayoko sa lindol mamita….. bigla akong natakot sa lindol pero nangingiti naman ako, kasi may naririnig akong nagtatawanan, hindi ako makadilat hehe, ang bigat ng mata ko, pakibuhat?

“kung anu-ano ng sinasabi mo Miel, haha, tinamaan ang bata”

Sino yun? Ay si ate tet na maharot.

“it’s okay, she can use our guest room here. Dito mo nalang siya patulugin ate lyn.” Si ate lyn si mamita yun, yun yung tunay nyang pangalan.

“Gymiel kaya mo pang maglakad?” si mamita tsk, iba na yan pagtinatawag na kong Gymiel e, kung hindi galit, nag-aalala.

“kaya pa po mamita” kaya ko pa naman talaga, medyo hilo lang pero kaya pa. kaya ko pa ngang umuwi.

“tsk, may cater pa kasi kami sa Batanggas bukas, mamaya sana pagkagaling namin dito ay babyahe na kami, wala siyang kasama sa bahay”

“kaya ko naman mamita sa atin kahit mag-isa”

“no! I won’t allow you to go home alone, just stay here, anyway the credit is mine, tinuruan ko kasi siyang uminom”

“naku wala iyon, talaga lang siguro masarap ang wine ninyo kaya napasobra si Gymiel ko”

***

“babe paalam ka muna kay mami and sa barkada” pinuntahan ko agad siya pagkatapos kong ipahanda yung kotse kay manong.

“sige babe” tumayo siya at saka kami naglakad papunta kay mami na nasa loob ng bahay sa salang nakabukas din para sa mga bisitang hindi mahilig sa sayawan at inuman.

“hi mom, uuwi na daw po si Arlyn”

“uuwi na po ako mommy” hinalikan niya sa pisngi si mommy at saka nag.bow

“okay you go, take care, Draze ipahatid mo nalang siya, you’re drank, no to driving pag.drank okay”

“Yes ‘my, hatid ko lang po siya kay Manong, tara na babes”

fAteD tO lOve yOu! o n g o i n gTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon