action ang peg :)

14 0 0
                                    

nauna na sigurong pumasok ang Drakula, ano pa ngang ieexpect ko na isasabay niya ako, galit sa akin yun, maganda na din yung hindi kami nagkita para hindi niya ako masita dun sa ginawa ko kagabi sa kanya, buaaahahahaha evil laugh hindi ako makaget over. sana lang wala siyang alergy sa chili powder ehehe, tangers naman kasi hindi manlang nahalata :p

first subject Lit, sawa na ba kayo sa LIt ako din , kaya lang walang magagawa first subject ye.

"kamusta kayo ni Jet?" wala pa si ma'am daldalan muna kami ni katren at trip ko lang siyang tanungin bout kay jet.

"sinong Jet?"

"oi ano yan maangmaangan ang peg mo te?

"wag mo na nga kasing pinaaalala yun, buti nga hindi ko na nakikita ye."

"ayiiihhh, girl hindi naman porke maganda yun ngingiti iiwan ka na din, bakit ba kasi hindi mo malakimutan yung ex mong hudjo?"

"sino ba may sabing hindi ko makalimutan yun?"

"edi ako sino pa nga ba?"

"manahimik ka na nga"

dumating na si mam sayang mang-iinis pa naman ako ye, hekhek.. . tama na nga ibang chapter na nga pala to.,

***

usual things happened this day aral lang, walang kakaibang nangyari, hindi ko nakita maghapon ang drakula, baka nagtatago sa lungga. uwian na. mejo tumitingin-tingin ako sa paligid kasi baka makita ko ang drakula mahirap na baka hindi agad makaiwas lagot ako.

anyway, pupunta nga pala ko sa bookstore bibili ako nung mga gagamitin kong materials sa LIT project namin.

palabas na ko sa may circle nung may lumapit na girl sa akin, parang kilala ko nga to, siya ata yung babae nung kasal namin ni draze.

"miel, miel si draze nandun sa may gym nakikipag-away"

"huh? hayaan mo siya"

"wat? wala ka man lang care?"

"ehe, ee kayang kaya niya yun"

"ayaw mo manlang bang makita kung sinong kaaway niya?"

"hindi ko naman kilala kaaway nun, sige ha aalis na ko" naglakad na ko palayo dun sa babae, nakakainis bakit naman kailangan pang sabihin sa aking nakikipag-away yung drakula na yon, care ko naman di ba makipagsapakan siya as long as uuwi siya nang buhay.

saan daw nakikipag-away? sa gym? aune parang si sakuragi lang ha. tapos bigla kong naimagine yung away dun sa anime na sakuragi err.. slum dunk pala, tipong nagkakaduguan na dahil puro mga basag ulo sila, tapos nakasara yung pinto nung gym, nyek so kung pupunta ko dun hindi ko rin naman pala pamamasok kaya wag na lang.

"nasaan ba sina alex? pakisabi na lang sa akin, sa kanila ko na lang ipapaalam, wala kang kwenta"

napatingin ako dun sa girl,  parang bigla naman akong nakunsensya, oo nga naman, at bakit hinahanap niya sina alex ibig bang sabihin hindi kasama ni draze mga barkada niya?

"ano na? nasaan?"

nung maisip ko na nag-iisa lang siya natabig ko yung babae sa pagmamadaling pumunta sa may gym, ayun lang naman yung gym ang bilis talaga ng takbo ko, walang tao nung time na yun madalang na kasi nga uwian na.

pagpasok ko sa may gym nakita ko yung lalaking nakatingin sa akin nung isang araw may kasama pa siyang dalawa, tapos parang pinagtutulungan nila si draze, OMG ang drakula walang laban, may araw pa kasi.

fAteD tO lOve yOu! o n g o i n gTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon