"My name is Georgette. I'm 9 years old na po." Sagot ko sa tanong ng magandang ginang na may kasamang isang batang lalaki.
Nandito kami ngayon sa harap ng bahay nila na katapat lang din ng bahay namin. Kasama ko si yaya at ang isang body guard ko na laging nakabantay sa akin. Ayaw sana akong payagang lumabas ni yaya kanina but since bored ako ay wala na din siyang nagawa noong nagtantrums na ako.
The mother and son in front of me are our new neighbor. Magkaharap lang ang bahay namin and they've just moved in yesterday. Galing kami sa park nina yaya at noong malapit na ko sa bahay ay kinawayan ako ng magandang ginang. She have this friendly aura and I can't help but be mesmerized with her smile.
"Hi, Georgette! This is my son, Zaber. Magkaedad lang pala kayo nitong unico hijo ko. I hope both of you will become good friends, iha." Pagpapakilala sa amin ng ginang kaya nalipat ang tingin ko sa anak niya.
Narinig ko ang lahat ng sinabi ng mommy niya pero hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa batang puso ko. I see some butterflies around me as we looked at each other eye to eye.
Is this what they called as puppy love?
Love.
When I asked yaya kung paanong meron akong daddy at mommy ang sagot ni yaya ay dahil nagmahalan daw sila. They first fell in love before they decided to get married. And as result of that love ay kaming mga anak nila.
Pero natanong ko naman kay yaya kung bakit parating nag-aaway ang mga magulang ko. If they do love each other dapat ba talaga silang mag-away?
She only answered me with a half-smile before she told me na natural lang mag-away ang mag-asawa. Intindihan ko na lang daw. But my young heart just couldn't understand. I always cry whenever they fight, luckily for me, I have yaya and my only brother Willard who will comfort me.
But I really think I know what the term love is now, habang nakatingin sa lalaking ka-edad ko lang na nasa harap ko. Nakatago siya sa likod ng mommy niya, pero ang mga mata niyang kulay green ay nakatingin din sa 'kin.
I'm in love, no doubt.
"I don't want to be his friend, tita. I'm gonna marry him." Nakangiti kong sabi habang nanatiling nakatitig sa mga mata ni Zaber.
Narinig ko ang pagtawa ng mommy niya at ni yaya. Si Zaber naman ay nakita kong namula ang buong mukha at mas lalong sumiksik sa likod ng mommy niya.
"Etong batang ito talaga! Palabiro!" Natatawang sabi ni yaya habang hinahaplos ang buhok ko.
"I'm not kidding, yaya!" Inis kong sabi. "I love him!" Sabi ko pa sabay turo kay Zaber.
"Its still too early for that, iha. But when both of you and my son will be of age then I will gladly accept you as my daughter-in-law." Natatawang sabi ng mommy niya na nagpangiti sa 'kin ng malawak.
Pagkauwi namin sa bahay ay agad kong inulit kay yaya ang sinabi ko kanina tungkol kay Zaber.
"Asus, itong alaga ko. Hindi pa naman 'yan matatawag na totoong pagmamahal. Paghanga pa lang yan dahil nagagwapuhan ka doon kay Zaber." Nangingiting sabi niya habang sinusuklay ang buhok ko.
"No, yaya! Its love na po talaga. I swear." Pagpipilit ko sa kanyang maniwala sa sinabi ko.
Napahalakhak naman siya kaya napalabi ako.
"Nagdadalaga na nga talaga ang alaga ko. May crush na." Sabi niyang nakangiti at masuyo akong tiningnan sa mirror.
Napalabi ako lalo and I even crossed my arms as I stare at her through the reflection of my mirror.
YOU ARE READING
Ms. Z & Georgette (GGIS #2)
RomanceGirls-Gays Inlove Series Series #2 Zaber (Ms. Z) Walker & Georgette Smith