Val's pov
"Val!!?"
"Val!!!?" rinig na rinig ko'ng tawag sa'kin ni Aya.
'tss'
Kahit kelan talaga ay pani--
"Valerill!?" hyss... mukhang wala na akong magagawa dahil sadyang makulit ang isang 'to. Wala sa sariling tumayo ako para pumunta sa banyo para maghilamos... matapos iyon ay pumunta ako sa harap ng pintuan ng kwarto ko para buksan itong dahil kung hindi,hindi rin naman titigil sa pangungulit ang babaeng 'to."Val--!, oh? mabuti naman at gising ka na? ang buong akala ko'y wala ka'ng balak tumayo para mag-asikaso? aba babae unang araw ng klase ngayon at baka nakakalimutan mo'ng ito ang muling pag--!"
Hindi ko na siya pinatapos sa kung ano man ang sasabihin niya at nilagpasan ko na lang pababa nang hagdan at pabagsak na naupo sa malaking sofa... Maya maya pa'y rinig ko na ang mga yabag mula sa taas kaya alam ko'ng pababa na rin siya.
"May agahan na ba Aya?" tipid kong tanong.
"Oo, nandyan na sa lamesa kumain na tayo" tumago na lamang ako bilang tugon.
Mabilis na lumipas ang oras at natapos na kaming dalawa kumain. Umakyat na 'ko sa kwarto para maligo... habang bumabagsak ang tubig na nagmumula sa shower, hindi ko maiwasang mapa-isip...
'kinakabahan ako na masaya,ito ang muling pagbabalik eskwela ko matapos ang nangyaring 'yon sa buhay ko. Sana lang ay wala nang susunod pa muli'
Tinapos ko na ang pagligo at nag-prepara na sa pag-pasok.
New student kame ni Aya sa LIU kaya batid ko'ng nakasibilyan kame ni Aya ng 2 buwan. Simpleng itim na T-shirt at maong pants lang ang suot ko na tinernuhan ko nang puting sneakers. Tumingin ako sa orasan at nakitang 6:30 na nang umaga at alas-siete ang klase namen,mag-kaklase kame ni Aya. Napatingin ako sa salamin at sinipat ang aking kabuuan.
Malaki ang pinagbago ko tss
Bumaba na ako at nakita ko'ng nakabihis na rin si Aya. Gaya ko, simpleng black T-shirt lang din ang suot niya at tinernuhan ng itim din na skinny jeans.
"Tara na Ya" walang gana'ng pag-aaya ko sa kaniya
"Ge saglit,sarado ko lang 'tong bahay"Nakasandal ako kay Ice habang hinihintay ko siya sa sa labas
"Oh gagamitin mo yan?" parang gulat na gulat pa'ng tanong niya"Oo. Tinatamad ako'ng mag-jeep. Sayang pamasahe"sagot ko
"Pasabay naman! 'di ko pa kase nalilinis si bubbles eh!" pag-papa-cute niya
"Aya may sarili kang motor"
"Oo nga pero kase madungis pa si bubbles!" parang iiyak na siya habang sinasabe 'yan
'tangina, anong silbi nang motor mo? pasabugin ko na lang kaya?' ani ko sa isip ko
"Wala 'kong pake"
"Tse! huhuhu gagamitin ko na lang siya kahit madungis" si Aya.
Tango na lang ang sinukli ko saka sumakay kay Ice at pinaharurot papuntang LIU. Ilang saglit pa'y
"Ang tagal mo" kunwaring naiinis na usal ko kay Aya
"Paano kase iniwan mo 'ko ng bigla! kahit kelan talaga wala ka'ng pakielam sa'kin!"
Isang malakas at malalim na buntong hininga ang isinagot ko sakanya nang tumapat kame sa mismong gate nang LIU. Naramdaman ko ang pagtapik ni Aya nang mahina sa balikat ko kaya napalingon ako sa gawi niya
"Welcome back Val" pilit ngiti'ng sabe ni Aya. Sinuklian ko siya ng tingin saka nagpatuloy sa pag-lalakad
YOU ARE READING
Her Name
Mystery / ThrillerLove is so ironic, hard to find but easy to lose; makes your heart so wild and alive but tears it apart; gives happiness but hurts you so much because when you loved, you broke, and when you got broken, you have to pick those pieces back