Chapter 9

20 3 0
                                    

Val's Pov:

"So far meron tayong six pairs na akuma na ginagamit, may extra two pairs pa tayo at itatago ko na muna 'to kase anim lang naman tayo, uhm guys, meron pa pala akong hindi nasasabi sa inyo about sa baby akuma ninyo" si Aya

"Ano 'yon?" tanong ni Iris

"Those akuma's are waterproof, in case na mag-worry kayo na baka pag nabasa e masira agad, no need to remove it tuwing maliligo kayo" dugtong niya

~tenenententen~

~tenenententen~

*PHONE RINGS*

"Uhh excuse me guys,tumatawag si lo--i mean d-dean" sabe ni Uling. Hindi ba siya sanay na tawaging dean ang lolo niya? bigla ko tuloy naalala si Mr. Monroe, hindi rin ako sanay na tawagin siyang lolo tss, nanahimik naman kaming lahat ng sagutin ni uling 'yong telepono, pare-parehas naman naming pinakinggan ang pag-uusap nila

"Yes Dean?---kasama ko po siya---yes po,----okay po----po?----ngayon na po Dean?---- yes Dean---- okay,---take care----i will,bye" 'yon lang ang ibinaba na niya saka siya muling humarap sa'min at nagsalita

"Uhh guys, wala tayong afternoon class, meron daw kasing urgent meeting ang mga lecturers together with Dean and those Stocksholders, next week kase daw, darating 'yong kilalang tao sa Russia na close kina Dean, kailangan raw mag-handa dahil dito raw didiretso" ani uling saka nilingon si Iris "Iris, i-announce mo na daw sa students na walang afternoon class kaya pwede nang umuwi 'yon iba kung gusto nila and pwede rin naman daw mag-stay 'yong iba until 3pm, gamitin mo na lang daw 'yong Faculty 3 sa tabi nang music hall dahil connected daw sa lahat ng speakers do'n" dagdag niya pa sa sinabe niya

"Ah gano'n ba? sige sige, uh guys iwan ko muna kayo ha? kelangan kong gawin 'yong inutos ni Dean e, see yah later!" Anang Iris saka tumayo at patakbok lumabas ng canteen

"Anong plano natin?" tanong ni Uling

plano? anong plano ba gusto mo? plano kong kitilin ka dahil tinitigan mo 'ko sa mata

"Anong plano? ewan ko, maybe we can go to the mall, arcade tayo! malapit lang naman dito 'yong mall nila Dwight e!" sagot ni Tyler kay uling

"Pwede ba naman kaya sina Aya?" tanong ulit ni uling saka kame sinulyapan ni Aya

"Oo naman! haha! kahit abutin pa tayo nang madaling araw pwedeng-pwede!" sagot naman ni Aya, tss, basta libre sige nang sige. Natinag naman kaming lima nang mag-salita si Zyanna na parang may kung ano kaya hindi siya makahinga nang maayos, napa'no 'to?

d-.-b

"V-val, A-aya" anito

"Oh?" ako na ang nagtanong para mas okay, baka 'pag si Aya e hindi makapag-salita 'to sa sobrang nginig

"S-si...s-si..." sa pagkakataon na 'yon, alam ko na kung bakit

"Si ano Zy? ba't ba nanginginig ka?" nag-aalalang tanong ni Aya, lahat kami ay na kay Zyanna ang paningin dahil parang anytime, mag-be-breakdown siya

"What's wrong Zy?" tanong ni Tyler sa nanginginig pa ring si Zyanna

"S-si...s-si C-claire..." mahinang sagot ni Zyanna habang nakayukong itinuro ang direkayon kung nasa'n raw si Claire, sabay sabay naman naming nilingon ang entrance nang canteen kung sa'n nando'n si Claire na naglalakad papalapit sa'min habang matalim ang tingin, maarte itong naglakad papunta rito at nang makalapit siya, inumpisahan nanaman niya ang laro kung sa'n siya magaling.

Her NameWhere stories live. Discover now