Chapter 5

40 4 0
                                    

"Yes sir!" masiglang tugon ng mga kaklase ko kabilang na si Aya. Tss... mga isip-bata

"Miss? your turn" nakangiting sabe no'ng lecturer do'n sa babaeng sumigaw kanina na may parating daw. Naglakad siya paunahan saka masayang nagpakilala.

"Hi guys, alam kong ang iba sa inyo ay kilala na ako pero let me introduce myself again. I am Iris Dayne Mckinley 15, I'm the Student's President. Please enjoy your stay here on LIU. Gaya nang dati, if you have any suggestions or complains, do not think twice na i-approach ako. Have fun students!" mahabang pakilala niya saka umupo. Siya pala ang student's President? di halata ah? kung maka-sigaw kanina inam tss

Sunod-sunod ng nagpakilala ang iba pa hanggang sa umabot do'n sa isang babae na sumigaw den.

"Hello guys! ahmm, I'm Zyanna Hayes, 15, bestfriend ako ni Iris" pakilala niya naman. Kung anong inihaba nang pagpapa-kilala nang bestfriend niya, ay siya namang ikina-ikli ng kanya. Kung sabagay, baka magkakakilala na silang lahat dito kaya gano'n. Sumunod sakanyang magpapakilala ang isang lalake. Prente itong naglakad paunahan saka kunwaring um-ubo. pa-cool

"Hi beautiful lady's and gentlemans, some of you might know me but give me the freedom to introduce myself again. I am Ulysses Graye Lincoln, 16, I'm the grandson of the owner of this school" ngiting-ngiting pakilala niya saka bahagya pang yumuko at muling bumalik sa upuan niya.

"kyaaaahhhh!! ang gwapo talaga"

"ang ganda nang ngiti niyaaa!!"

"iloveyou Ulyyyyy!!"

"nakaka-inlove talaga siyaaaa!!!"

Impit na tilian ng mga babae sa unahan. Pero iisang bulong lang ang naka-agaw ng atensyon ko. 'Yon ay ang mahinang usal ni Aya .

"nye nye nye nye! yabang! tch"

ah so siya pala 'yong tinutukoy niya kanina? u-usisain ko sana si Aya ngunit meron ng muling magpapakilala kaya itinuon ko na lamang ang aking paningin sa unahan. Nakatindig do'n ang isang lalake na kung sa wangis rin lang ang labanan, tiyak na hindi ito magpapa-huli sa ka-gwapuhan. Meron siyang malalantik na pilik mata, matangos na ilong, makinis na mukha, maninipis ngunit mapupulang labi, kulay brown na mga mata, at mapang-akin na adams apple. Pero kahit anong gwapo niya, hindi ako interesado.

"Goodmorning guys! I am Tyler Johnson, 16 years old and I'm ulysess' bestfriend. Let's all be friends!" may kulit ang tono sa kanyang pananalita at mababakas rin ang kasiyahan sa kanyang mukha.

"Hihihi ang gwapo talaga" bulong nanaman ni Aya. Yung totoo? kelangan ba talaga laging mag side comment? tss

Ilang sandali pa ang lumipas ng tumayo si Aya, meaning, siya na yung mag-papakilala. Ni hindi ko man lang namalayan na kaming dalawa na lang pala ang hindi nag-papakilalang estudyante sa klase na 'to. Nang tumayo si Aya sa unahan, tinignan ko lang siya na para bang wala akong pakielam sa mundo, 'di naman sa walang pakielam kay Aya, sadyang kilala ko na siya mula sa pagkabata kaya kahit hindi ko na siya pakinggan, ayos lang.

"Ahm, Hi! I'm Aya Gonzales, 18 years old, new student dito sa LIU" yun lang at naglakad na siya pabalik dito nang may ngiti sa labi. Nang maka-upo muli siya,masayang bumulong sa'ken si Aya.

"'Oy Val ikaw na! hihihi!"
Tila tinatamad akong tumayo at saka prenteng naglakad paunahan. Nag-lakad ako na para bang walang ibang tao sa paligid ko bukod sa sarili ko. Nag-lakad ako na para bang pag-aari ko ang mundo, na para bang wala akong naririnig kahit ang totoo, dinig na dinig ko ang bawat salitang lumabas sa bibig nila. Bawat mata nilang punong-puno nang pang-huhusga. Wala naman nang bago e, paulit-ulit lang din naman. Kahit saan ako pumunta, kahit saan ko ibaling ang paningin ko, kahit pikit ang mga mata ko, nakapaligid pa rin sa'kin ang mga nilalang na 'to na walang ibang ginawa kun'di dungisan ang pagkatao ko.

Her NameWhere stories live. Discover now