Val's Pov:
Andaming nangyare ngayong araw. Nakakapagod mag-isip ng mag-isip. Andami-daming kailangang gawen. Andami-daming kailangang alamin. Nakakabaliw. Nakakawala sa wisyo.
Tangina kase ba't ko pa nakita 'yon e
'yong tatoo sa kanang parte nang batok ni Claire, hindi normal. Mula sa mismong disenyo nito at ang parte kung saan ito nakalagay.
Kanang parte
Akala ko namamalik-mata lang ako no' ng nakita ko 'yon. Akala ko hindi ko na muli pang makikita ang disenyong' yon. Pero mukhang nagkamali ako. Nang bumulong akong muli sa tenga ni Claire, do'n ko nasigurong tama ang hinala ko.
Tss. Kahit saan talaga pakalat-kalat sila. 'di man lamang sila matututong maglinis ng dinaraanan nila. Laging nag-iiwan ng bakas.
-FLASHBACK-
"Val sigurado ka ba sa nakita mo?" tanong ni Aya. Kahit ako hindi makapaniwala sa nakita ko. Hindi basta-basta ang babaeng' yon
d-.-b
"Sigurado ako. Meron siyang mataas na posisyon sa grupo na 'yon." ani kong hindi maiwaksi sa isipan ang nakita
Aalamin ko kung sino man sila pero sa ngayon, kailangan ko munang ipahanap ang kilos nila. Kailangan ko ng mga tenga at mata
"Aya, hindi pa ba nila napapansin ang camera na ikinabit mo? Do'n sa lungga nila?"
"Hindi ko alam Val e', pero naka-connect sa phone at laptops ko 'yon. Ako ang server no' n kaya kahit i-block nila mapapasok ko ulit. My name doesn't starts with letter A if i don't have one" aniya
"Pasukin mo nga ulit. Kailangan natin makita ang kilos nila ngayon. Nasisiguro kong may gagawen sila ngayon din"
Dahil alam kong, hindi nila palalampasin ang paghamak ko sa isa nilang miyembro. Hindi sila titigil hangga't hindi nakukuha ang gusto nila
ILANG sandali ang inabot namin ng magsalita na si Aya.
"Val mukhang may pinag-uusapan sila" sabe ni Aya na ikinakabog ng dibdib ko. Inilihis niya ang gamit niyang cellphone at malinaw kong nakita ang set-up nila. Kitang-kita rito ang mga lalaking naka black suit. Naka upo silang lahat sa harap ng mahabang mesa. Hindi mo mapaghahalataang ang mga ganitong klaseng damitan nila ay makagagawa sila nang masama. Naagaw ang pansin ko nang isang babae na naka-upo sa pinaka dulong parte nang lamesa, naka dark violet na dress, naka de-quatro, makapal ang itim niyang kolorete sa mukha na tinernuhan ng itim ring pang-kulay ng labi.
Siya na pala 'to. Hindi ko inaasahang makikita kita ulit.
"V-val, s-siya ba s-si...?"
"Oo. Siya nga. At mukhang alam ko na kung ano sa kanila si Claire."
"Susugod ang labing-limang tauhan natin sakanila. Mayroon naman tayong tao malapit sa eskwelahan na pinapasukan ni Claire. Gusto kong naroon na sila sa loob ng kinse minutos" ani no'ng babae.
Hindi nag-iisip. Tss.
"Harangan lahat ng CCTV cameras na bukas na sakop ang buong parking lot Aya. Hainan mo nang ikalimang Zombies para hindi madaling matanggal" utos ko para hindi magkaroon ng aberya
"Tapos na Val"
"Ge. Mauna ka na do'n, may aayusin lang ako" tumango naman siya bilang tugon
-END OF FLASHBACK-
"Hoy!" sinamaan ko nang tingin ang lalakeng nasa harapan ko ngayon na mukhang timang sa pinag-gagawa niya.
"Tumabi ka nga dyan"
"Baby naman e'! Pinapaalis mo na agad ako? Namiss kita!"
"P'ede ba shaunlee? Umalis ka sa harapan ni Ice. Madudumihan mo"
"Haist. 'di mo na talaga ako lab. Sinasaktan mo na ang aking pakening hart"
Punyeta
"Sige mamatay ka dyan"
"Baby naman e'!, teka, asan ba si Aya?"
"Nagpapa-admit. Alagaan mo"
Tinabig ko siya para makasakay ako kay Ice.
"Baby gusto mong phone?"
Ayan nanaman siya sa phone. Tss
"Hindi ko kailangan no'n"
"Pero pa'no kita makakausap?"
"Si Aya ang tawagan mo. Lagi ko naman siyang kasama"
"Sige na nga. Sige na uwi ka na. Ingat ka baby ha!" aniya saka ginulo ang buhok ko sabay halik sa pisnge.
Tss. Adik
"Ge layas na. Uuwe na ko"
"Bye baby!" pahabol niya pa saka ko ipinaharurot ang motor ko papalayo sa ospital. Marami pa akong gagawen. Mag-aaral pa 'ko. Bwisit na Claire' yon. Napakapapansin. Imbes na matatapos na namen ang ibinigay ng lalakeng 'yon para makabalik na, nadagdagan pa. Kailangan ko pa naman tuloy ulit puntahan' yong bakla na 'yon bukas.
Kingina talaga!
d-,-b
YOU ARE READING
Her Name
Mystery / ThrillerLove is so ironic, hard to find but easy to lose; makes your heart so wild and alive but tears it apart; gives happiness but hurts you so much because when you loved, you broke, and when you got broken, you have to pick those pieces back