Chapter 16

14 4 0
                                    

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mag-alala, sa mga pinagsasabe nitong si Aya ko, 'di malabong maasar ng tuluyan ang mga lalakeng 'to.

"Bobo ka daw boss?!" pag-uulit pa no'ng isa sa tinuran ni Aya. Gusto kong humalakhak sa mga sandaling ito pero pinigilan ko ang sarili ko dahil baka mas mapasama pa kame kapag ginawa ko 'yon. Bakas ang labis na pagka-inis sa mukha nang boss daw nila, salubong na salubong ang kilay nito habang nakatingin kay Aya ko. Lumapit ito nang lumapit hanggang sa magkaharap na magkaharap na sila ni Aya ko, kinwelyuhan nito si Aya ko!

Damn! Fuck you! Don't dare to lay your fucking fingers on my girl!

Akmang tatakbo na ako papunta kay Aya ko nang pigilan ako ni Zyanna, hinawakan niya ang laylayan ng uniform ko kaya napalingon ako sa kanya nang naiinis, nakatingin siya sa'ken ng may natatakot na tingin saka umiling na para bang sinasabe na 'wag ko na lang ituloy ang pagpunta ko kay Aya ko, muli namang binalot ng salita ni Aya ko ang utak ko kaya napatango na lang ako kay Zyanna

Stay behind me and i'll promise to protect you no matter what

Stay behind me and i'll promise to protect you no matter what

Stay behind me and i'll promise to protect you no matter what

Stay behindi me and i'll promise to protect you no matter what

Wala akong ibang magawa kundi ang panoorin si Aya ko na makipag-titigan sa lalaking kaharap niya. Aya ko seems like the most powerful and brave at her stand. She didn't even bother to make any single move but she's literally looking with this mans using her cold aura and you can't see emotions on it. She's...scary, dangerous by this time, i can feel it

Please Aya ko, be safe, do not let them hurt you

I feel useless. I can't make any plans that can help us to escape. I am just standing here, watching and waiting for what could possibly happen next

"Masyadong maanghang ang bunganga mo" 'yong boss daw nila

"Masyadong mabaho ang hininga mo" pagbabalik ni Aya saka iniwaksi ang kamay nito at ang mga sumunod na pangyayari ay hindi na katanggap-tanggap sa sistema ko

Hahampasin dapat no'ng isang lalake si Aya but nakaiwas siya, sinapak niya ito at tumama 'yon! Hahampasin na ulit siya nito pero naiwasan niya ulit 'yon at sinipa niya sa mukha kaya napahiga ito, hinarap niya naman muli ang boss nila at sinuntok din ito sa mukha ngunit bago pa man makabawi sa ginawa ni Aya ko ay muli nanaman siyang sinipa ni Aya sa tyan na naging dahilan ng pagbagsak nito. Napanganga na lang ang mga natitirang lalaki habang nakatingin sa boss nila na namimilipit sa sakit, may sumugod na tatlong lalaki kay Aya ko na mabilis naman niyang ginantihan, habang abala si Aya ko sa pakikipag-sapakan sa dalawang lalaki, naka-kuha nang tyempo ang isa kaya nagawa nitong hampasin si Aya ko, napaluhod si Aya ko habang napapa-ubo, nakita kong ngumisi ang lalaking nanghampas kay Aya ko at parang proud na proud ito sa sarili niya na nahampas niya si Aya ko, tumayo si Aya ko saka pinunasan ang dugo na galing sa pag-ubo niya, hinahapo na siya pero nagawa pa niyang ngisian ang mga lalaking ito

"Wag niyong antayin na may isa pa sa'min ang magalaw niyo, siguradong hindi niyo gugustuhin ang gagawen niya at 'pag niyaya niya kayong...mag-laro"

Isang palaisipan ang sinabe ni Aya ko, natigilan ang tatlo sa pag-sugod saka ngumiti ang isa na para bang alam niya ang sinabe ni Aya ako

"Hindi ko alam kung paano mo nalaman ang pakikipag-laro na sinasabe mo, pero, wala siya dito kaya imposible ang tinuran mo binibini" hindi na lang sumagot si Aya ko bagkus muli na lamang sinugod niya ang tatlong lalaki, sa pangalawang pagkakataon, nahampas nanaman siya sa likod niya at sa tyan naman ang isa!

"AYA!!" sabay naming sigaw ni Uly nang bumagsak si Aya ko sa lupa! Napaiyak na ang dalawang babaeng kasama namin ngayon, hindi ko na kaya! Hindi ko na kayang magpaka-bakla at tumayo na lang dito at panoorin si Aya ko na mabugbog ng husto!
I am a man! I have the same strength to protect my friends too! Tumakbo ako papunta sa direksyon niya at inalalayan siya, inihiga ko siya sa braso ko habang ako ay napaluhod, tahimik akong nagpapasalamat dahil hinahayaan ako nang mga lalaking ito na gawin 'to kay Aya ko. Kitang kita ang hirap sa pag-hinga niya, hinawakan niya ang mukha ko saka ngumiti

Ano bang ginagawa mo Aya ko?

"K-kaya kong l-l-lumaban T-ty, do'n k-ka n-na" hirap na hirap niyang sabe, niyakap ko siya saka bumulong sa tenga niya

"Shhhh, no Aya, nandito na 'ko, ako na ang lalaban dahil pagod ka na, ako na ang magpo-pretekta dahil hirap ka na, ako na Aya, kung nakaya mo, kakayanin ko" ani ko tsaka ko naramdaman ang pag-iling niya, bahagya niya akong tinulak kaya magka-harap na kami ngayon

"Lalaban tayo kahit pagod ako, sabay tayong magpo-protekta kahit hirap na ako, kaya mo at kaya ko sabay tayong lalaban Tyler" aniya na ikinangiti ko, tinulungan ko siyang tumayo, ngayon, parehas na kaming makikipag-bugbugan

Kung mamamatay man ako ngayon, lalaban ako kasama ang mga kaibigan ko, mamamatay akong pinoprotektahan ang babaeng gusto ko

"Ang lakas ng loob mo binibini, sayang, mukhang masarap ka pa naman, hindi ko man lang malalasahan, pwede ka bang...matikman?" Anang boss nila na ikina-pantig ng tenga ko! Mga hayop talaga sila! Sinugod ko ang boss nila at sinapak ko sa mukha, natumba siya saka ako binigyan ng masamang tingin

Hindi mo 'ko madadaan sa ganyan mo!

"Wala kang karapatan na bastusin o pagpantasyahan si Aya ko" matapang na usal ko, tumayo siya at hinarap ako, isinakbit ang kahoy sa balikat niya saka ito nagsalita

"Aya mo?"

"Oo, Aya ko" sabe ko saka ko nilingon si Aya ko na nakangiti ngayon sa'ken, hinarap kong muli ang boss nila at sinugod ito, "at pagbabayaran mo ang ginawa mo sa Aya ko!" tumakbo ako papalapit sa kanya pero sinalubong niya ako nang kahoy sa tyan, napaatras ako nang bahagya ngunit muling tumakbo papunta sa kanya, wala akong ibang maramdaman ngayon kundi ang galit dahil sa ginawa niya, una, hinawakan niya si Aya ko, pangalawa, pinabugbog niya at pangatlo, binastos niya ito sa harapan ko mismo, nagawa kong sapakin siya nang ilang ulit hanggang sa mag-sawa ako, nahawakan ako nang dalawa sa mga tauhan niya at kahit na anong gawin kong pagpupumiglas ay hindi na ako makawala, itinaas ng boss nila ang ulo ko gamit ang kahoy niya

"Matapang ka ha? Tignan natin ngayon ang tapang mo!" bumwelo na siya at akmang ihahampas sa mukha ko ang kahoy ng may pumigil sa kanyang kamay, nilingon ko siya at napangiti ako sa sinabe niya

"Wag mong subukang saktan ulit ang lovely handsome Tyler ko, gagawin kong impyerno ang buong buhay mo at palalasapin ka nang pait gamit ang mismong kamay mo" si Aya ko

"Gusto ko 'yan binibini, gaano ba kasarap ang langit mo?" Anang boss nila

"Masarap. Sobrang sarap, pero hindi dahil masarap ako, ipapatikim ko na sa'yo" sagot ni Aya ko na ikina-ngisi ko, pero nawala ito nang maalala si Val

"Nasa'n na ba si Val Aya ko?"

"Kanina pa nasa likod, nanonood"

Napalingon naman ako sa likod and there, i saw Val standing with her no emotion face, staring blanky at us

"Bakit nakatayo ka lang dyan Val?! Nasa'n na 'yong patakaran na sinasabe mo?!" Sigaw ko

"Nilabag ko ba?" sagot niyang patanong, sasabihin ko na dapat na OO pero pinigilan ako ni Aya ko, umiling siya saka nagsalita

"Tapusin na muna natin 'to bago ko ipaliwanag ang lahat" with that, muli kaming nakipag-sagupaan sa mga lalaking 'to

Her NameWhere stories live. Discover now