Chapter 8

23 4 0
                                    

...ay isang patakaran

...ay isang patakaran

...ay isang patakaran

...ay isang patakaran

...ay isang patakaran

d>>.<<b!!!

Ayaw mag-sink in sa utak ko 'yong sinabe ni Aya! what the hell?! patakaran?! sino ba siya para magpatupad ng isang patakaran? Mayor ba siya?! o Governor?! o Presidente?! aish! mapa-praning ako sa babaeng 'to! pero kahit gano'n, may kakaiba akong nararamdaman, parang may parte sa katawan ko na gustong maranasan 'yong patakaran na 'yon! nakakainis! umaandar ang pagiging chismoso ko!

"P-patakaran?" nagugulat na tanong ni Ty kay Aya saka dahan-dahang nilingon ni Val at mukhang 'gaya ko, naguguluhan din 'tong mokong na 'to. Kung bakit ba kase nilapitan pa namen 'to eh! tsk!

"Yep! P-A-T-A-K-A-R-A-N! ibig sabihin kailangang masunod 'yon! dapat wala talagang masasaktan sa inyong apat! hihihi pati ako syempre! bago pa kayo masaktan nandyan na siya, at isang aray! niyo lang, kailangang mag-dasal na no'ng kumanti sa inyo! hihihi! para bang sa isang kisap mata nandyan na agad siya? basta! gano'n ka-astig! hihihi!" punong-puno nang galak na ani Aya pero teka! ano daw?! k-kinanti?! a-ano ba i-iyon?! salitang k-kalye?!

"Pero wait, pa'no siya darating? i mean hehe kung nasa tabi natin siya posible 'yon pero pa'no kapag malayo siya sa'tin? pa'no na? pa'no niya kami maririnig?" tanong ni Zyanna. 'Yan din 'yong kanina ko pa iniisip e! buti na lang at naitanong na ni Zy.

"Val? hihihi" tawag nito kay Val na nananatiling kumakain

d-.-b

"Oh?" sagot nito, grabe ha? nag-effort siyang mag-salita

"Napag-usapan na natin 'to kagabi 'diba?"

"hmm,tapos?"

"Would you let me? It's been 2 years, i think we should use it again and besides, binalik na nila sa'tin 'to so basically, they're not the owner anymore tsaka pala Val, ni-reboot ko na sila last last week pa kaya kung gagamitin nila 'to, sila na ang bago nilang kikilalaning masters hihihi!"

ano bang pinag-uusapan nila?! wala akong maintindihan! at mukhang hindi lang ako ang confused dito, kaming apat!

"Tss. Do i have a choice? dala mo na rin naman e, might as well ibigay mo na" tumango lang si Aya saka masayang nilingon si Zy at muling tinanong

"Ano nga ulit 'yong tanong mo Zy?"

"Uhh, eh sabi ko,pa'no siya darating? i mean hehe kung nasa tabi natin siya posible 'yon pero pa'no kapag malayo siya sa'tin? pa'no na? pa'no niya kami maririnig?" pag-uulit nito sa tanong niya kanina pero sa halip na sagutin, mas lalo lang lumawak ang pagkaka-ngiti nito saka siya yumuko at para bang may kinukuha sa wallet niya ta's maya-maya may nilabas siyang bagay, napag-tanto ko na hikaw pala ang mga 'yon, may 4 na pares na hikaw pambabae, at 4 na pares din na hikaw panlalake

"Ano 'yang mga 'yan Aya?" usisa ko

"Ito ang sagot sa tanong ni Zy hihihi" tugon nito sa tanong ko

Her NameWhere stories live. Discover now