Kurt
Lahat kami naka tingin sa daddy ni justine na naka tingin lang din samin.
"Ano dad, mag titinginan lang tayo dito?" Iritang sabi ni Justine sa daddy niya u"si allysa dad? Ok na ba siya? Natanggal nyo ba yung bala?!" Sunod sunod na tanong ni Justine.
"OA alert!" Bulong ng kapatid ni Justine may kasama pang pag taray "duh!! Kuya your so OA kaya duh!! " Maarteng sabi ni Jessica.
"Ok na si allysa" Sabi ng daddy ni Justine, lahat kami na kahinga ng maluwag "ililipat na namin sya sa private room"
"Gising na ba siya?" Tanong ni Justine.
"Kuya!!! So very nakaka hiya ka!!!" Iritang sabi ni Jessica "of course, hindi pa gising si allysa because bumabawi pa siya ng lakas niya and kaka remove pa lang ng bullet sa kanya duhh!"
"Pwede ba wag ka ng mag salita" Pikon na sabi ni Justine "nakaka pag taglish ka nga ang arte naman"
"Tumigil nga kayong dalawa, magigising din agad ang paborito kong pamangken sa ngayon bumabawi pa siya ng lakas" Sermon ng daddy nila. "Ililipat na namin si allysa don't worry everyone, magaling akong doctor kaya safe siya"
"Self support" Sabay sabay na sabi ng mga kapatid nito.
Alam ko na kung kanino nag mana ang pagiging mahangin ni justine. Like father like son.
Umuwi na sila mommy at daddy dahil may meeting pa si daddy sa cebu bukas. Mommy din ni justine umalis na kasama si Jason, si Justine at si Jessica naman nag paiwan na.
Nang malipat na si babe sa private room. Pinauna ko na pumasok daddy niya kasama yung mga kapatid niya at mommy niya kasama din si Tito jeff.
Na iwan kami nila Justine at Jessica. Panay naman ang sermon ni Jessica kay Justine akala mo ay mas matanda siya kay Justine.
"Next time my idiot brother, you should Tawag tawag us before you sugod the enemy " Di ko talaga Alam kung maiirita ba ko O matatawa sa pananalita ni Jessica.
"Pag tumawag pa ko sainyo– sayo mapapahamak ka lang knowing you para kang si allysa matigas ang ulo nyo" Halatang Naiirita na si Justine kay Jessica "umayos ka ng pananalita mo"
"My head is not matigas duh! My idiot brother if you don't like my idea na tawag us then kill your self idiot"
Feeling ko talaga sinasadya ni Jessica yang pananalita niyang yan para maasar si Justine. Ito namang Justine di na maka tiis hinila niya kapatid niya saka pinasok sa loob ng office ng daddy nila. Dahil andun ang daddy nila di na pina labas si Jessica dun.
Umupo na si Justine sa tabi ko saka siya bumulong bulong "walang sense mga pinag sa sabi ng brat na yun" Bulong nya "juicemother!! Ang kengkoy nyang mag salita!" Di ko alam kung ka usap niya ko O sarili niya "di ko talaga Alam kung saang planeta napulot ni mommy yung brat na yun" Nagulat ako ng hawakan niya mag kkabilang balikat ko "sabihin mo sakin! Hindi naman ako ganun diba?"
"H-hindi?"
"Bat parang di ka sigurado" Inis na sabi ni Justine. "My favorite cousin I miss you"pag da drama ni Justine saka biglang pumasok sa loob ng prices room ni allysa.
Hindi muna ako pa pasok. Siguro sila muna ayoko pang pumasok kasi nasasaktan akong makita si yang nahihirapan. Pinaka ayoko sa lahat yung nakikitang nahihirapan ang mahal ko dahil double ang sakit sakin.
"Bat di ka pa pumasok?" Na patingin ako sa nag salita
"Di ko kaya noona" Sagot ko.