APHRO
Masukal na daan ang direksyong pupuntahan ko.
Maingay.
Para akong nasa public market ng mga karne at isda. Malansa ang amoy ng paligid na animo’y magiisang taon nang walang naglalakas loob na maglinis.
Maraming maiitim na usok na parang isa ang lugar na ito sa may hot steam na nagbubuga ng maraming carbon dioxide sa paligid.
Very weird. Creepy.
Sobrang weird din ng mga tao rito. Dire-diretso lang ako sa paglalakad. Ako lang kasi mag-isa ang pumunta rito. Sobrang swerte naman ng araw ko kung ang Eros na asawa ko ay pumayag na sumama sakin. Lalo na sa ganitong klaseng lugar.
Sa totoo lang kinakabahan ako. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito. Sinunod ko lang naman ang nakasulat na address don sa papel na nakuha ko sa may library namin. Nagtataka kayo siguro kung anong koneksyon non sa kwintas. Sa tingin ko kasi meron. Yun ang isinisigaw ng isip ko.
Palaisipan kasi kung bakit isang antique shop ang nasa address. Alam ko namang may posibilidad yon kasi libro iyon na may kinalaman sa ilang antique na mga kwintas pero ang nakakapagtataka lang, sa ibang bansa iyon ginawa pero ang address na nakalagay sa papel nakarehistro dito sa Pilipinas.
Madaling mapuno ang curiosity ko. Ganoong klaseng tao ako. Kinain ko agad yung sinabi kong natatamad ako lumabas ng bahay kaya heto ako ngayon, nag aala bayani dahil mag-isa kong tinutungo ang nakakatakot na lugar na nakasulat sa address.
Sana lang may mapala ako pagkatapos nito.
Hindi ko naman kasi pwedeng isama si Manang Jing dahil walang magbabantay sa bahay. Si Eros kasi nasa trabaho at imposibleng sumama yon sakin. Di rin naman kami ganun ka-close.
Nagtitiis ako sa masamang amoy ng paligid habang nilalakad ang kadulo-duluhan ng masukal na lugar na ito. Don ko daw kasi makikita ang shop na nasa addres. Iyon ang sabi ng driver ng sinakyan kong taxi.Wala naman syang sinabi na nakakatakot pala ang lugar na ito. Narating ko ang huling building. Nasa tapat na ako nito. Sobrang luma na rin nito. May tatlong palapag ito.
Room 501 ang nasa address.
So kailangan libutin ko ang tatlong palapag na ito para makita ang room na hinahanap ko. Sa tingin ko rin ito ang huling street dito.Ang Mystic Street.
BINABASA MO ANG
The Chosen Mate (Mate of the Lotharion Canid)✔
WerewolfSYNOPSIS: Eros De Guzman was born to find her queen. The new luna of their clan. The clan of Lotharion Canids. He was not persistent at first for he was madly in love to someone. But when he discover that his luna was the young girl she missed long...