Kabanata 44

2.5K 71 1
                                    

APHRO

Kakalabas lang namin mula sa eroplano at ng maglakad kami papunta sa kung saan ay sumalubong samin ang tatlong lalaki at dalawang babae. Iyong dalawang lalaki ay napansin kong magkambal ito. Unti unti kong inaalala kung sino sino sila.

Wala munang nagsalita mula sa kanila. Mataman nila akong tiningnan mula sa binti kong nakapatong sa lower part ng wheelchair ko papunta sa mukha ko. Nakita ko ang pagkabigla sa mga mukha nila. Naamoy ko rin ang kakaibang dugo nila. Ang dugo ng mga canid at isang lotharion. Si Hera.

Naalala ko na. Iyong kambal ay sina Von at Clon Ventures. Iyong dalawang babae naman ay si Aleh Gracia at katabi nito ang kapatid ni Eros na si Hera at ang isa pang lalaki na si Jinx Pavel.

"Hi!.." Naiilang na bati sakin ni Clon at Von. Ngumiti ako sa kanila. Nasa likod ko nga pala sina Nanay Sol at si Selene. Hindi nakasama sa pag-uwi namin dito sa Pilipinas si Kuya Matt dahil inaasikaso pa rin nito ang nawawalang katawan ng kakambal kong si Athena.

"We missed you!" Komento ng isang babaeng nagmamadaling lumapit sakin. Kamukha ito ni Selene. Teka, sino pala ito?

Agad niya akong niyakap ng mahigpit ng makalapit siya sakin ng tuluyan. Kasama niya ang dalawang lalaki. Si Moore at si...

"E-Eros..." Bulong ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Unti unting bumalik ang mga ilang ala-alang kasama ko siya bago ako umalis noon sa mansyon nila. Nagsimulang manginig ang mga kamay ko. Biglang napabitiw mula sa pagkakayakap sakin si Selina.

"Are you okay?.." Tanong niya sakin. Tumango ako. Agad na binigay sakin ni nanay sol ang isang bote ng mineral water at ininom ko iyon.

"Calm down...Aphro. It's okay." Nag-aalalang sambit sakin ni Selene katabi na niya ngayon si Clon. Huminga ako ng malalim pagkatapos kong inumin iyong tubig. Agad akong inalalayan nina Selene at Nanay Sol papasok sa isang black van.

Hindi ko pinansin si Eros. Hindi ko alam kung bakit pero bimibigat ang pakiramdam ko sa tuwing nagtatama ang mga mata namin ng kapatid niyang si Hera at siya. Nakokonsensya ka lang, Aphro. Bulong ko sa sarili ko.

Sa isang kotse sumakay sina Eros kasama sina Selina at Moore habang nasa van naman kami maliban kina Von, Hera, Aleh at Jinx.

Tahimik akong nakaupo sa wheelchair ko. Iniisip ko kung ano na ang mangyayari sa akin, sa amin ni Eros ngayong nakabalik na ako. Itutuloy pa rin kaya niya ang pagkakasal kay Jerusha?

Pero ako ang tunay na luna niya at ang kapatid. Isang impostor lang ang babaeng yun. Akala ko pa naman dati matalik ko siyang kaibigan.

Ilang sandali lang ay nakarating kami sa isang mansyon. Inalalayan nila akong makapasok rito. Bumungad sa amin ang pamilyang Altazer at De Guzman na nasa sala ng mansyon. Ito ang mansyon nina Eros. Huminga ako ng malalim. Humigpit ang hawak ni nanay sol sa wheelchair ko.

Nang nasa sala na kami ay nabigla ako ng may dalawang lalaki ang humablot kay nanay.

"Teka! Anong ibig sabihin nito?! Bitiwan niyo siya?!" Bulyaw ko. Nahihirapan akong tumingin sa naluluhang si nanay sol.

"Hindi nababagay rito ang isang mortal, Aphro!" Singhal ni ama. Hindi ko na pala siya ama dahil di naman nila ako tunay na anak.

"Huwag niyo siyang sasaktan parang awa niyo na. Gusto ko siyang makasama, pakiusap." Pagsusumamo ko kay Don Celerio. Nanatili lang na tahimik ang tinuring kong ina at ang mga kapatid kong sina Kuya Apollo at Hector.

"Hindi mo siya dapat makasama, Aphrodite!" Singhal uli nito sakin.

"Wala akong pakialam! Gusto ko siyang makasama tutal siya naman ang tunay kong ina!" Sumbat ko sa kanya.

"Please grant my wife's wish, Sir." Pakiusap ni Eros na ikinabigla ko.

The Chosen Mate (Mate of the Lotharion Canid)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon