Ang Simula
Ten Years Later
Isang dekadang digmaan ng tatlong salinlahi. Hindi pa nagwawakas. Wala pang nagwawagi. Hindi pa nakasulat sa kasaysayan kung kaninong angkan ang malilipun at kaninong angkan ang mananatili at magpapatuloy.
"Fuck you Ventures! Akala ko ba ikaw ang sumundo sa kapatid ko?!" Sigaw ng naiinis na si Selina sa canid na si Von, ang isa sa mga magkambal na Ventures. Napakamot sa ulo ang binatang si Von. Ilang taon na ba siyang inaalila ng isang Madrigal.
"Don't shout at me, Selina. Nandun na si Moore at Jinx!" Baling naman ng binata. Sumimangot si Selina. Bakas sa mukha nito ang galit. Bakit ba sa tuwing may lakad sila ay laging napagbabalingan ang asawa niyang si Moore Smith. Laging ito ang sumasalo sa mga utos ng alpha nila.
"Kailangan nating makausap kaagad si Selene. Kundi baka hindi tayo umabot sa kasal ni Lotharion!" Komento naman ng nakaupong si Aleh Gracia na ginagamot ang sariling sugat sa balikat.
"Imposibleng pumayag si Selene sa plano natin. Eh wala na ngang pake yun sa angkan natin." Reklamo naman ni Hera na hanggang ngayon ay nagpapagaling pa rin mula sa natamong sugat sa pakikipaglaban.
"Kakausapin pa rin siya ni Clon. Baka pwedeng magbago ang isip nun kung si Ventures ang kakausap." Puna naman ni Selina. Ang totoo nag-aalala silang lahat sa hinaharap ng angkan nila. Kung hindi nila mapipigilan ang pag-iisang dibdib ng alpha nila at ang isa nitong luna ay tiyak na mapapasa-ilalim sila sa kapangyarihan at pamumuno ng ikalawang angkan.
"Kung buhay pa sana ang dating luna hindi sana aabot sa ganito ang lahat." Malungkot na usal ni Hera. Lahat sila ay natahimik dahil sa sinabi nito. Tama ito kung hindi lang nawala ang dating luna ng angkan nila ay tiyak hindi ikakasal sa pangalawang pagkakataon ang kapatid nito.
"Huwag na nating balikan ang nakaraan. Tanggapin nalang natin na wala na siya." Komento ni Von.
"Sa tono ng pagsasalita mo Ventures parang tinatanggap mo na ang dating asawa ni Cañunez." Puna naman ni Aleh.
"Hell no! My point is kailangang gumawa tayo ng paraan para matigil ang kasal nina Eros at Jerusha maliban sa pangungumbinsi natin kay Selene." Sagot nito.
"At sa tingin mo ano naman iyon?" Tanong ng kararating palang na si Jinx kasama nito sina Moore at Clon.
"Nasaan si Selene?!" Tanong naman ni Selina. Hindi kasi kasama ng tatlo ang kapatid nito at sa tingin niya nabigo ang plano nilang pangungumbinsi rito. Nagkatinginan ang tatlo.
"Hindi namin siya nakita." Maikling sagot ni Moore. Napabuntong hininga silang lahat.
"Sa tingin ko panahon na para humingi tayo ng tulong mula sa pamilyang Altazer. Iyon nalang ang huling paraan para hindi matuloy ang kasal nina Lotharion." Paliwanag ni Von.
"Nag-iisip ka ba Von, eh diba nga magulang rin iyon ng pakakasalan ni Lotharion. Nakalimutan mo bang magkambal sina Aphro at Jerusha." Baling naman ni Aleh.
"Bakit, nakalimutan niyo rin bang sila mismo ang pumayag na makasal dati ang anak nila sa alpha natin? Hindi ba't sila ang nagkasundong ikasal si Aphro kay Eros imbes na si Jerusha." Paliwanag ni Von.
"Iyon ay dahil alam nilang kinuha na ng alpha ng pangalawang angkan si Jerusha. I mean mas pinili ni Jerusha si Zherus kumpara kay Eros." Puna naman ni Aleh.
"Tumigil na kayo! Tiyak mag-aaway lang kayo." Suway naman ni Hera at lumapit sa asawang si Von.
"Oh ano, pupunta na ba kami sa mga Altazer?" Tanong ng naghihintay na si Jinx.
"Tumigil ka diyan Pavel! Hindi ka na sasama sa kanila." Singhal ni Aleh sa kasintahang si Jinx.
"At mas lalo kana Smith!" Bulyaw naman ni Selina sa asawa. Naguguluhang tumingin sa magkakapares si Clon.
"So ako lang mag-isa ang pupunta roon? Hell no! Kailangan ko pang hanapin ang asawa ko." Komento naman ng nakakunot noong si Clon at nagsimula ng maglakad palabas ng bahay ng kambal nitong si Von at ang asawa nitong si Selina. Lahat sila ay nakabuklod na kasama ang kani-kanilang kapares sa buhay.
Masaya na sana silang lahat kung hindi lang muling nabuksan ang alitan laban sa kanilang mga kalabang angkan. Dumagdag pa sa problema ng angkan nila ang pag-iisang dibdib ng alpha nila sa dating kasintahan nito na siyang luna na ngayon ng rival clan at ang bagong may-ari ng amulet.
Isa pa sa nagpapadagdag sa digmaan ng tatlong salinlahi ay ang biglang pagkawala ng dating alpha ng ikalawang angkan na siyang pinalitan na ng mas ganid nitong kapatid na si Zhion Earl Cañunez. Ang pagkawala nito ay isinisisi ng rival clan sa angkan nila habang patuloy namang sinasamantala ng huling angkan ang pagkakataon upang patuloy na buksan ang digmaan ng magkakabilang angkan at guluhin ang kapayapaang nasarahan na minsan at ngayo'y muli na namang nabuksan.
BINABASA MO ANG
The Chosen Mate (Mate of the Lotharion Canid)✔
Hombres LoboSYNOPSIS: Eros De Guzman was born to find her queen. The new luna of their clan. The clan of Lotharion Canids. He was not persistent at first for he was madly in love to someone. But when he discover that his luna was the young girl she missed long...