Kabanata 52

2.5K 73 6
                                    

JINX

"Jinx, anong nangyari sa lakad niyo? Ba't parang kalmado na ang huling angkan?" Pang-uusisa ni Aleh sakin.

"Umatras kasi si Styllone." Sagot ko. Tumango tango lang siya.

"Kung ganun hindi na matutuloy ang digmaan? Sayang naman at di ko masisikmura ang luna ng ikalawang angkan!" Komento ni Selina. Talagang may galit ito kay Jerusha dahil sa ginawa nito kay Moore dati ng bihagin ito sa teritoryo nila kasama ang asawa nito ngayon.

"Hey, easy..." Pagpapakalma sa kanya ni Moore. Sumimangot ito kay Smith.

"Ilan ba ang gagawin natin dito?" Tanong ko sa kanila. Tinutukoy ko iyong mga ginagawa naming mga dekorasyon dito sa loob ng bahay ni lotharion. Sa totoo lang ilang araw na rin namin ito ginagawa at hanggang ngayon ay hindi pa rin kami natatapos. Well, I hate doing this girly thing pero dahil pinilit ako nitong girlfriend kong si Aleh kaya naki-ride on na rin lang ako.

"Mas marami, mas mabuti." Sagot ni Selene katabi niya si Clon na seryosong gumagawa ng mga maliit na banderitas na may iba't ibang kulay na isasabit namin mamaya mula rito sa sala papunta sa pinaka-unang pinto ng bahay nina lotharion.

"Ok..." Kahit nangangawit na iyong dalawa kong kamay pinagpatuloy ko pa rin ang paglagay ng pintura sa may sala ng bahay batay na rin sa gustong kulay ni lotharion. Black and white motif.

"Nasaan na pala si lotharion? Sabihin niyong magbantay siya sa labas at baka biglang dumating dito iyong dalawang lovebirds at kasama na ang luna. Tiyak masisira tong pinaghirapan natin." Usal ni Selina. Oo nga. Nasaan kaya si lotharion?

"Sandali at titingnan ko kung nasaan." Paalam ni Aleh. Hindi ko alam kung anong klaseng hangin ang naamoy ni lotharion at nagplanong surpresahin ang asawa niya dito sa bahay nila. Nabigla kami nung humingi siya samin ng tulong para ayusin at lagyan ng mga bagong dekorasyon ang bahay nila na mahabang taon rin niyang tinirhang mag-isa.

Kaming anim at ang parehong pamilya nila ng luna ang kasabwat niya sa surpresang ito. Hindi ito alam ng mag-asawang Hera at Von.

"May naaamoy ba kayo?" Biglang tanong ni Moore. Ngumisi ako.

"Bakit, nangangasim na ba yang kili kili mo Smith?" Sabi ko pero bigla akong binatukan ni Selina.

"Gago!" Bulong sakin ni Moore.

"Fuck you!" Bulong ko naman at pinakita ko ang middle finger ko sa kanya. Pinanlakihan ako ng mata ni Selina ngunit sinaluduhan ko lang siya.

"Guys, guess what? Nandun sa kusina si lotharion at nagluluto for the first time in our clan history." Masayang balita ni Aleh. Dali dali kaming pumuntang apat sa kusina at nakatagong pinagmamasdan si lotharion.

Nakatalikod ito mula samin at nakasuot pa ng apron. Narinig ko ang pigil na tawa ni Moore.

"Hmp..ouch!" Bulong ko ng bigla akong sikuhin ni Aleh sa may tagiliran ko. Natatawa na rin kasi ako at parang ayaw nilang malaman ni lotharion na nag- eavesdropping kami sa ginagawa nito.

"Hi everyone! Ba't..." Bigla kaming napatingin sa kapapasok palang na si Von mula sa pinto ng bahay kasama si Hera. Patay.

MOORE

"Oy sinong may birthday?!" Nagtatakang tanong ni Hera. Nagkatinginan kami ni Jinx. Umubo naman sina Aleh at Selina habang kumakamot namang tumingin sa amin ni Jinx sina Selene at Clon.

"Birthday ko! Tama...kaarawan natin este ko!.." Bigla kong sabi sa kanila. Nagkatinginan silang dalawa. Siniko ako ni Jinx.

"Gago!" Rinig kong bulong niya sakin. Tsk! Fuck you Pavel!
Eh kung siya kaya ang sumagot agad. Mabuti nga at ako nauna.

"At sinong niloko mo Smith?! Magsabi nga kayo ng totoo. Magpoprose ka na ba, Jinx?!" Singhal ni Von.

"Hindi noh! Hindi pa." Nahihiyang sagot ni Jinx. Bigla akong natawa.

"Torpe." Bulong ko sa kanya kaso bigla niya akong binatukan. Akmang gaganti na ako sa kanya ng makita kong naglalakad palapit samin si lotharion.

"This is for my wife." Paalala ni lotharion. Napapalakpak si Hera sa kapatid habang tinapik naman ni Von ang balikat niya.

The Chosen Mate (Mate of the Lotharion Canid)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon