Kabanata 39

2.5K 63 6
                                    

Flashback
MIRASOL

"Sol, sigurado ka bang hindi makakarating sa mag-asawang Altazer itong gagawin natin?" Nag-aalalang tanong sakin ng asawa ko. Nasa harap na kami ng isang cafe kung saan nakipagsundong makipagkita sa amin ang kapatid ng asawa ng anak kong si Aphrodite.

Agad kong tiningnan ng masama ang asawa ko.

"Ano ka ba, hindi ba't nangako tayong gagawin natin ang lahat makita lang natin ang mga anak natin!" Bulyaw ko sa kanya. Agad ko siyang hinila papasok sa loob ng cafe. Pagpasok namin sa loob ay natanaw namin ang isang dalagang nakaupo sa isang mesa malapit sa may counter.

Naglakad kami papunta sa kinaroroonan niya at agad na umupo sa harap niya. Napansin ko ang isang piraso ng papel sa ibabaw ng mesa.

"Ikinagagalak kong makilala kayo sa wakas." Bati niya sa amin.

"Walang ano man iyon, hija." Sagot ng asawa ko. Agad ko siyang hinawakan sa kamay.

"Salamat...salamat, hija." Naluluha kong sambit sa kanya.

"It's fine, you're welcome." Maikli niyang sagot.

"G-Gusto naming makita siya kahit isang beses lang sapat na sa amin iyon. At sana hindi ito makarating sa mag-asawa." Pakiusap ng asawa ko.

"Walang kaso ho iyon sakin." Sagot ng dalaga. Alam kong katulad rin siya ng pamilyang kumupkop sa mga kambal ko. Hindi sila mga normal na tao at natuklasan ko iyon ng tumungtong sa edad na dise otso ang anak-anakan kong si Jerusha.

Agad niyang ibinigay sa amin iyong isang pirasong papel mula sa mesa at ang isang panulat. Dali dali naming pinirmahan iyon ng asawa ko at pagkatapos ay siya naman.

Nakasulat sa kontratang iyon ang lahat ng gastusing aakuin niya para makapunta kami sa Spain at ng makita ang isa kong kambal na anak na inampon ng pamilyang mula sa dugo ng mga hybrid. Hindi pupwedeng malaman ng mga magulang ni Aphrodite o kahit na sino maliban sa aming tatlo ang planong ito. Dahil posibleng mapahamak kaming lahat lalo na ang mga kambal kong anak.

"Sol, dalawang bag lang ba ang dadalhin natin?" Tanong sakin ng asawa ko habang nililigpit iyong mga gamit at damit namin.

"Oo, dalawa lang para hindi tayo maabala." Sagot ko.

"Sa tingin mo ba mapagkakatiwalaan iyong anak na babae ni De Guzman?" Tanong niya ulit.

"Oo naman. May kontrata tayong pinirmahan kaya tiyak na hindi niya tayo bibiguin." Pangungumbinsi ko sa kanya.

"Eh iyong hinihingi niyang kapalit, sa tingin mo ba mabibigay natin iyon sa kanya?" Nag-aalala niyang tanong. Huminga muna ako ng malalim bago siya sinagot.

"Mahirap iyong hinihingi niyang kapalit ngunit wala ng mas hihirap pa kung hindi manlang natin makikita kahit isang beses lang ang isa pa nating anak." Naiiyak kong sagot sa kanya.

"Isa pa nakipagsundo na tayo kay Zherus at sigurado naman akong hindi niya tayo bibiguin." Pagpapatuloy ko.

"Hindi ba masyadong delikado ito para sa mga anak natin. Hindi na sila magiging normal na tao lalong lalo na si Aphrodite." Kinakabahan niyang tanong sa akin.

"Magiging immortal din naman siya pagdating ng blue moon dahil siya ang luna ng unang angkan. Kung si Athena, nakatitiyak akong isa na rin itong hybrid. Kaya ano pa ang ikinababahala mo?" Pangungumbinsi ko ulit sa kanya.

"Sana lang hindi pumalpak ang planong ito." Puna niya at napabuntong hiningang umupo sa sala. Wala ng atrasan ito dahil bukod sa nakapirma na kami sa kontrata hindi na maatim ng puso ko ang labis na pangungulila sa kambal kong mga anak.

Sana nga lang ay magtagumpay ang plano namin.

The Chosen Mate (Mate of the Lotharion Canid)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon