"Dyan tayo pupunta," diretsong sagot ni Marco nang mapindot sa GPS ng van kung saang destinasyon sila pupunta habang umuusad ang van na papalabas na ng Manila.
"What?! Dun sa Bulacan na sinasabi ni Divine sa painting? Duh! Ni-hindi nga ako na-cucurious sa painting na 'yon, tapos dun pa tayo pupunta? Hahanapin mo si lola dun, kuya? Matagal nang wala si lola, kuya Marco," maktol ni Ava na kanina pa nag-aaya na sa Boracay na lang sila magbakasyon gaya ng plano sana ni Marco.
"Multo ng lola natin ang kukuhanan ni Marco dun," sagot naman ni Duke.
"Guys, maganda dun. Enjoyin na lang natin ang moment at makalayo tayo sa init ng Manila. Kakasawa rin ang beach."
Pero sa umaandar na isip ni Marco ay gusto niya mapuntahan ang Lake Tabon at makuhanan ng magandang litrato dahil sa kamanghang ganda nito para maidagdag sa kanyang portfolio. Hindi alintana kung malayo ito sa Manila basta kakaibang bagong takilya ito para kay Marco na magkaroon ng peace of mind at lalo na ang alaala ng yumao nilang lola habang hawak niya ang dalawang lumang libro na bigay sa kanya ni Divine. Tinitingnan niya mabuti ngayon ang larawan ng painting na kinuhanan niya sa kanyang DSLR camera.
"Basta Marco ma-didiscover ako dyan ha. Game ako," hirit pa ni Duke.
"Kuya Marco, saan ba talaga dun sa Pulilan, Bulacan ha?"
"Sa Sitio Verde. Bed and Breakfast. Mag-lolodge tayo dun."
"Sitio?! Ano ba yan? Makaluma... Hilig mo sa luma! Part pa ba ng Pilipinas 'yon?" Angal na tanong ni Ava.
Hindi na lang pinansin ni Marco si Ava. Bagkus sinuklian na lang niya ng ngiti habang diretso ang tingin sa dinadaanan ng van. Si Duke ay matutulog na lang muna. Mahaba-haba ang magiging biyahe kung saan nasa kalagitnaan pa na parte ng Luzon. Umabot nang mahigit tatlong oras. Humihikab-hikab na si Panyong. Si Ava ay todo selfie sa kanyang bagong phone na bigay ng mommy nila bago umalis papuntang London. Mag-aalauna na ng hapon nang makarating na sila ng Poblacion ng Pulilan. Nakaidlip si Marco. Tiningnan niya muna ang kanyang phone, may nag-missed call. Pero hindi niya pinansin kung sino.
"Saan na ba tayo? Wala naman ako makitang maganda dito kundi mga bukid at damuhan - tsskk!"
"Sis, dito nanggaling lola natin. It's history for me. Whether you like it or not, andito na tayo. Sabi nga eh, 'Don't judge the book by its cover.' And, besides may butterfly haven dito," paliwanag ni Marco na sabik marinig kung ano magiging reaksyon ni Ava.
"Really? Siguraduhin mo kuya na mag-eenjoy ako like Bora!" Matigas na hiling ni Ava habang ngumingiti sa bintana.
"Oo nga! Gusto mo samahan pa kita eh at iwanan ka namin dun."
"IHH - kuya naman!"
Natatanaw na ni Marco ang sinasabing Sitio Verde gaya ng nahanap niya sa Google Map. Papalapit na rin sila ayon sa GPS. Nang makita na ang sinasabing lumang bahay kung saan ang lokasyon ng Bed and Breakfast ay nakahinga nang maluwag si Marco dahil andito na sila. Malaki ang modernong puting bahay at hindi mo aakalain na luma ito. Sa isip ni Marco, mukhang nasa 70 metro ang taas ng bahay at may balkonahe ito. Maraming bintana sa bawat sulok. Ang maberdeng paligid ay napakalinis at may nakalagay sa taas ng balkonahe na "Sitio Verde - Bed and Breakfast. Sa wakas, makakapagpahinga na rin.
"Yes! Dito na us!" Sigaw ni Duke nang magising na at agad bumaba sa van.
Tiningnan nila ang malaking bahay. Inuutos agad ni Marco na ibaba ang lahat ng bagahe at kukuha na siya ng mga kwarto para mag-check-in. Bago pa man umakyat sa maliit na hagdaan patungo sa pangunahing pinto ng bahay ay sinalubong na siya ng matandang babae na si Aling Ceding. Nagpakilala sila at pinatuloy sa loob.
BINABASA MO ANG
My Last's Beginning
Romance"Ang pag-ibig, walang nakikitang panahon, walang nakikitang wakas." -Divina Buenacer, 1957 The remake story is now here! ☎️💕☎️💕☎️💕☎️💕 Si Marco Perez, isang photographer at history enthusiast, ay makakabakasyon sa isang tagong probinsya sa Pulil...