Katatapos lang ng pang-gabing misa bilang huling kaganapan sa pista ng bayan. Sinabayan nila ito ng "HAPPY FIESTA!". Masaya ang lahat dahil nakaraos sila ng masaganang pista na hindi lang kasiyahan kundi pasasalamat sa Diyos. Isang gabing puno ng pag-asa sa lahat hanggang sa pag-uwi sa kani-kanilang bahay. Pero habang nag-aayos at nagliligpit ang mga sakristan sa loob ng simbahan, nakita nila ang nag-iisang lalaking nakaluhod pa rin. Kanina pa ito hindi lumalabas ng simbahan. Taimtim na nagdarasal at tila matamlay.
"Father, kain na po kayo. Para sa inyo na po 'yung maliit na handa na nasa kusina," sabi ng lalaking sakristan nang bumalik ang matandang pari para kamustahin sila.
"Sige salamat pero..." Sagot ng matandang pari habang tinitingnan muli ang lalaki na nag-iisa. "Nakita ko na naman siya."
"Bakit po Father? Kilala nyo po siya?"
"Oo, iho. Kahapon andito siya. Sandali lang, kakausapin ko siya."
Ilang sandali, pinuntahan na ng matandang pari sa kinaroroonan ng lalaki. Nakayuko ito at hindi maitindihan ang kanyang sitwasyon. Biglang tiningnan ng lalaki kung sino ang lumalapit sa kanya. Kita sa mga mata niya ang malalim na kalungkutan sa kanyang mukha.
"Parang kailan lang tayo nagkita, Marco iho."
"-Kilala nyo ho ako?" Pagtataka ni Marco nang makaupo mula sa pagkakaluhod. "Papaano nyo nalaman, Father?"
"'Di na kailangan iyon, iho. Dahil alam ko ikaw si Marco at alam ko may dinadala kang problema kaya ka nandito sa parokya," ngiting sagot ng matandang pari.
Napaisip si Marco hanggang napatahimik siya, wala siyang maisagot. Tinanong ulit siya kung ano problema pero walang salita ang lumabas sa bibig ng binata. Hinawakan ng matandang pari ang ulo ni Marco.
"Pwede kita matulungan sa problema mo, Marco. Alam kong nababalisa ka."
"Father, kung pwe-pwede ho - 'wag nyo po muna ako guluhin," ani ni Marco na hindi makatingin sa matandang pari, napakagat-labi siya. "Ang saklap lang. Bakit siya pa?"
"Kung gusto mo, kain ka na muna. Dito ka na kumain. Saluhan mo ako at sabihin mo sa akin kung ano problema dahil matutulungan kita," pag-aaya ng matandang pari at bumulong kung ano petsa na ngayon hanggang maalala na ika-15 na pala ng Marso. "Mahina na ako sa petsa pero ang alaala ay hindi nawawala sa akin pero bago ko malimutan - ako si Reverence Father, Joselito."
"'Di na po kailangan, Father," sabi ni Marco nang bigla siyang tumayo. "Aalis na po ako."
"Teka - iho - kakailanganin mo ito. Bumalik ka."
Dinampot ng matandang pari ang kamay ni Marco para ibigay ang isang asul na crucifix na may maliit na nakasulat sa hugis puso: Love is a myth. Bago umalis si Marco, nagmano muna sa padre at nagpasalamat sa munting regalo sa kanya. Napangiti si Marco hanggang lumabas na ng simbahan para makauwi.
***
Maliwanag na maliwanag ang kwarto. Nakasuot ng manipis na asul na pampatulog. Tahimik tinitingnan ang nakahandang traje de boda sa katabi ng kanyang kama habang inaayos ng kanyang ina ang kanyang mahabang buhok. Isang pambihirang pagkakataon na magkasama ng ganito ang mag-iina.
"Anak, ang ganda ng traje de boda na pinatahi ng mama ni Juancho - oh..." Manghang sabi ni señora Amelia hanggang mapatigil sa pagsusuklay kay Divina dahil biglang napatulala ito. "Divina, anak - ito ba ay tungkol sa nangyari kanina na umalis ka nang hindi nagpapaalam? Wala na iyon sa akin."
Hanggang sumagot si Divina na ito ay tungkol sa pagpapakasal niya kay Juancho. Paunti-unti inamin na ayaw niya magpakasal kay Juancho dahil labag ito sa kanyang kalooban. Nagtanong si Divina kung ano pakiramdam ng kanyang mama noong nagpakasal ito kay señor Miguel kung saan kagustuhan din ng mga magulang nila ang pagpapakasal. Napalungkot si señora Amelia.
BINABASA MO ANG
My Last's Beginning
Romansa"Ang pag-ibig, walang nakikitang panahon, walang nakikitang wakas." -Divina Buenacer, 1957 The remake story is now here! ☎️💕☎️💕☎️💕☎️💕 Si Marco Perez, isang photographer at history enthusiast, ay makakabakasyon sa isang tagong probinsya sa Pulil...