PROLOGUE

52 6 2
                                    

March, 1957
Sitio Verde

Makulimlim ang dapit-hapon. Nagbabadya na naman ang malakas na ulan. Patuloy ang nakakatakot na kulog na tila naglalaro ng bowling si Santo Pedro sa langit kahit medyo balisa si Divina habang nagmamadaling makapunta sa puno ng Tabones. Nakasuot siya ng dilaw na dyaket na medyo malalaki mga butones nito at may nakatapis na bulaklakin sa kanyang ulo. Pinapalamuntian ng sari-saring bulaklak ang Tabones tulad ng mga rosas, santan, at hindi rin mawawala ang malilinis na damuhan sa paligid dito kahit malungkot ang panahon ngayon. Hindi na mag-aaksaya ng oras si Divina ngayon dahil pagkatapos ng lahat ng ito ay aalis na siya ng Sitio Verde papuntang Maynila.

"Marco, hihintayin kita. Mahabang panahon kita hihintayin," bulong niya sa madilim na langit nang mapatigil na siya sa harap ng puno ng Tabones, nagsimula siyang maghukay.

Hindi alintana kung madudumihan ang kanyang makikinis na mga kamay basta maisagawa lang niya ang dapat itago. Mababanaag sa kanyang mukha ang pangamba. Nang matapos, dahan-dahan siyang luminga sa paligid at kinuha ang isang sulat sa kanyang maliit na maleta. Humihiling na sana makita at mabasa ito ni Marco pagdating ng panahon. Itinago niya ito sa isang maliit na baul at mayroon pa siyang nilagay na bagay dito hanggang dahan-dahan tinabunan ng lupa, sinisiguro na walang makakakuha nito. Nagsimula nang umambon.

"Marco, paalam. Sana makita na kita kahit pa hanggang sa kamatayan ko," sambit ni Divina nang makatayo habang lumuluha, binuksan na niya ang dilaw na payong.

"DIVINA!"

"-Marco..?" 

Napalingon si Divina sa kanyang likuran at naaninag niya ang lumalapit na mala-anino na lalaki papunta sa kanyang kinaroroonan.

Dumilat si Marco.

"Panaginip lang pala," sabi ni Marco nang magising. "Sino yung babae na yun?"

Habang inaalala maigi ni Marco ang panaginip ay dahan-dahan naman nawawala ito sa kanyang isipan. Hindi na niya matandaan ang buong detalye.

*END OF PROLOGUE*


My Last's BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon