Maaliwalas ang kalangitan. Napag-isipan ni Kiko na dalhan si Ava ng mga bulaklak hanggang sa makauwi ito galing sa bukid. Nanlaki ang mga mata ni Ava nang malaman na may tinatago si Kiko sa kanyang likod. Hindi na pinatagal ni Kiko ang kanyang munting sorpresa para kay Ava.
"Namunga na mga 'yan," bungad ni Kiko nang binigay kay Ava ang mga bulaklak.
"Santan..? Sweet..."
"Ah oo - matamis 'yan. Gusto mo tikman mo."
"No -no... Kiko, bakit mo ako binigyan ng flowers?" Tanong ni Ava habang tinitingnan ang mga bulaklak na santan.
"Napapangiti ka kasi at kasing-ganda mo ang mga bulaklak kapag napapangiti ka," banat ni Kiko na dinagdagan ng kakaibang ngiti sa kanyang labi.
"Ikaw talaga, Kiko. Corny mo kaya mayaman din kayo sa mais dito, 'no?" Tuwang biro ni Ava. "Baka naman tinuruan ka na naman ni kuya Duke, no?"
Inaya ni Kiko na mamasyal sila ni Kiko. Pumayag si Ava at sila ay tutungo sa Lake Tabon kung saan ito ang pinagtatambayan ni Marco. Alam ito ni Ava kaya kinuwento niya kay Kiko nang maupo na sila sa damuhan.
"Na-wiwirduhan ako kay kuya Marco. Minsan kapag nasisilipan ko si kuya sa pinto ng kwarto niya, may kinakausap siya sa lumang telepono. Gumagana pa ba 'yun, Kiko?"
Napatahimik lang si Kiko at hindi makakibo nang marinig ito kay Ava. Ngumunguya lang si Kiko habang kumakain ng tsitsirya. Hindi pinapansin si Ava. Binatukan siya ni Ava.
"Ay - mam Ava - pasensya na po. May naalala lang ako," sagot ni Kiko nang magulat sa batok ni Ava.
"Wow - look at the rainbow!"
Nakakita si Ava ng isang bahag-hari sa kalayuan ng lawa. Kaya tumayo sila at pinanood nila ang buong kagandahan ng tanawin.
"It's so magical!"
Naging makulit si Ava sa ayos niya. Sa hindi inaasahan ay napabunggo ito sa katawan ni Kiko hanggang nagkatinginan sila. Sumilay sila ng ngiti sa isa't isa hanggang pinatuloy nila ang panonood sa bahag-hari.
"Mam Ava - about po dun sa telepo - "
"Pwede ba 'wag mo na akong tawaging mam Ava. It's too old for me. Mukha akong manang 'pag ganun. Ava na lang. Okay ba Kiko?" Ngiting tanong ni Ava.
"Ava - Ava - tara dun naman tayo sa kabila."
***
Hapon na nang magsimula mag-jogging si Duke para sa kanyang comeback movie kaya kailangan niya magpapayat nang husto bilang paghahanda sa taping. Wala pang masyadong sagot dito si Marco dahil panay ang kakabasa niya ng mga libro ng kanilang lola Amy sa kanyang kwarto. Pawang mga nakasulat dito ay mga tula na may kakaibang dinidikta sa isipan ni Marco na hindi niya maitindihan. Isa na rito kung paano kumausap ng iyong soulmate sa metaporang taglay nito.
Punta ka sa lawa na puno ng misteryo
Ibulong mo sa aking kaluluwa at puso
Any iyong wagas na pag-ibig hanggang dulo
Kahit ikaw pa ay nasa Sitio
Dahil ang ating pag-ibig ay sentro
Kung saan andoon ang puno
Sa lawa na puno ng misteryo.Wala na siyang gana magbasa pa. Sinara na ni Marco ang librong "Magagandang Pinta Ukol sa Buhay ng Tao Matapos Mamatay." Nagsimula na naman siyang mamoblema at mag-alala kay Divina dahil sa tensyon na nangyari kagabi. Maibabahagi niya ba ito kina Ava at Duke? Paano kung hindi sila maniwala na nakakausap niya ang isang dalagang haciendera sa taong 1957?
"Kamusta insan? Kaka-jogging ko lang. Magiging artista ulit tayo, pare! Sa wakas!" Bulalas ni Duke na panay na naman kwento sa kanyang comeback movie habang si Marco ay tulala pa rin. "..Konting exercise pa. Tignan mo naman tiyan ko. Oy - Marco? Ano na naman ba yan? Noong pista ka pa matamlay. 'Di ka na nagsaya sa amin. Alam mo kung si Divina na naman 'yan, gusto ka nun."
BINABASA MO ANG
My Last's Beginning
Romance"Ang pag-ibig, walang nakikitang panahon, walang nakikitang wakas." -Divina Buenacer, 1957 The remake story is now here! ☎️💕☎️💕☎️💕☎️💕 Si Marco Perez, isang photographer at history enthusiast, ay makakabakasyon sa isang tagong probinsya sa Pulil...