CHAPTER 8: Ang Pagkikita

36 5 0
                                    

Nakakayamot ang hapon ni Divina nang makauwi na siya kasama sina Ceding at ang mapapangasawa nito na si Juancho na labag sa kanyang kalooban. Walang imik si Divina nang makababa na sila ng kotse. Mabuti na lamang nasa tabi niya si Ceding upang pagaanin ang kanyang loob.

"Divina, ano? Naaawa ka pa doon sa tarantadong lalaking 'yon, ha? 'Buti na lang hindi tayo naaksindente dahil sa kanya..!"

"Señorito, may sakit iyong lalaki eh. Tinulungan lang naman namin patayuin siya," pagpapaliwanag ni Ceding sa kanyang kabadong tono.

"Ikaw, isa ka pa..! Katulong ka lang naman, eh. 'Wag ka sasabwat sa amin ni Divina. Hindi ka kasali..!"

"Juancho, tama na... Gusto ko na magpahinga," mahinahon na sabi ni Divina. "Tara na, Ceding. Iwanan na natin siya diyan."

"Hindi pa tayo tapos, Divina... Divina..!"

Tamang-tama sumapit na ang alas kwatro ng hapon nang pumasok na si Divina sa kanyang kwarto. Nainis siya sa buong nangyari kanina kasama si Juancho. Mukhang tama nga si Marco, bulalas sa isip ni Divina. Nang makaupo na sa kama, agad na niya kinuha ang telepono, pinatong sa kanyang hita, at naghintay ng linya sa kabila. Hindi siya nagpalit ng damit. Suot pa rin ang kanyang paboritong bestida na kulay dilaw at nakapusod pa rin ang kanyang buhok. Ilang sandali, narinig na ni Divina ang boses ni Marco sa kabilang linya.

"Marco? Hello, Marco..."

Dito nagkwento na si Divina tungkol sa kahapon at ang pagdating ni Juancho pati sa kanyang masamang ginawa kanina sa lalaking may problema sa pag-iisip. Muntikan na masagaan ang lalaki habang tumatawid ito na parang bata dahil sa kagustuhan ni Juancho na hindi siya paaaralin nito kapag nakasal na sila. Uminit pa lalo ang ulo ni Juancho dahil sa panggagaya at naiibang ugali ng lalaki kaya ginulpi niya ito nang walang awa. Samantala si Divina ay umawat at tinulungan ang lalaki na bumangon habang umiiyak. Tinangka pang sisipain pa ni Juancho pero pinigilan ni Divina.

"..Nagulat ako sa aking mga nakita. Ngayon, nagdadalawang-isip ako kung uurong ba ako sa kasal namin. Bayolente siya," dagdag na kwento ni Divina.

"Eh kung ganun siya sa ibang tao, parang 'di na magandang sinyales 'yan. Ayan ang sinasabi ko sa 'yo, Divina," sabi ni Marco. "Ano? Tutuloy ka pa ba? Papakasal ka pa ba sa kanya?"

"Nagbabago na yata ang isip ko."

"Habang may panahon pa."

"Panahon para saan?" Tanong ni Divina na gusto malaman ang kasagutan.

"-Panahon... Panahon para... Alam mo 'yun? Para sa..." Sabi ni Marco habang iniisip kung ano maaaring tamang sabihin.

"-Panahon sa... Para sa ano, Marco?"

Natahimik sila sandali at nang mahanap na ni Marco ang tamang sasabihin ay nakaramdaman siya ng pagkasabik dahil dati pa ay gusto na niya ito sabihin kay Divina.

"-Magkita nga tayo... Alam mo, gustung-gusto kita makita eh."

"Magkita..? Ayy!"

Maingay ang pagkabagsak. Napatayo si Divina sa tuwa kaya bumagsak ang telepono na kanyang pinatong sa hita. Mabilis naman ito nakuha ni Divina at nagpasensya agad.

"Saan..?" Ngiting tanong ni Divina.

"-Umm - alam mo yung Lake Tabon? Yung magandang lake dito na may iisang puno."

"Tabon? Tabones..."

Hindi sigurado si Marco basta ang alam niya ay Lake Tabon iyon dahil sa impormasyon na nakuha niya kay Divine noong nakakita siya ng magandang painting ng lola Amy kung saan ito ang pininta niya.

My Last's BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon