"Marco, Marco...!"
Panay ang tawag ni Duke sa pangalan ni Marco dahil nagkahiwalay sila dahil sa dami ng tao sa loob ng simbahan. Nahuli sila ng dating para sa umagang misa kasama si Ava na panay ang paypay dahil sa init ng panahon. Mabuti na lang nakita nila si Marco na nakatayo, hinihintay sila at palinga-linga sa paligid.
"Uy - andito na kami," bungad ni Duke matapos makipagsiksikan sa dami ng tao. "Saan ka ba sumusutsot, Marco? Hinahanap ka namin pre."
"May hinahanap kasi ako, Duke," sabi ni Marco na patuloy ang pagtingin sa ibang tao.
"Baka isipin nila na NPA ka dito. Naku Marco... Sino ba yang hinahanap mo? Si Divina ba? Yung katawagan mo sa telepono?"
"Wag ka maingay. Nasa misa pa tayo, Duke," bulong ni Marco na hindi masagot ang mga tanong ni Duke.
Sa isipan ni Marco ay nagbabakasakali siyang makita niya si Divina ngayon kahit mamayang hapon pa sila magkita pero bakit hindi na lang ngayon sila magkita. Oo nga pala, busy si Divina buong araw sa kanila, isip ni Marco. Habang umuusad ang misa ay hindi niya maalis sa isipan si Divina na maaaring nandito sa simbahan hanggang sa pagtatapos ng misa.
"-Insan, uy..! Nakatulala ka dyan. Patapos na ang misa," sabi ni Duke kasabay ng palakpakan ng mga tao bilang pagtatapos ng misa. "Siya ba yung hinahanap mo? Kanina pang tingin nang tingin sa 'yo yung babae."
Tinuro ni Duke ang babae na nasa kabilang upuan sa kaliwang direksyon nila. Tiningnan agad ni Marco kung sino iyon habang papalabas na ang maraming tao para sa kasunod na paghahanda sa maingay na parada na magaganap ngayon.
"'Di ko makita, Duke. Nasaan?"
"Andyan lang 'yan. 'Kala ko nga ako tinititigan niya eh. Ikaw lang pala."
Sa hindi inaasahan, pumunta si Marco sa kinaroroonan ng tinuro ni Duke sa kanya. Hindi mag-aalinlangan na ito ay gawin ni Marco. Bahala na. Maglalakas loob siyang magtanong. Nagulat sina Duke at Ava sa kanyang gagawin.
"Kuya..!" Tawag ni Ava nang biglang lumakad nang mabilis si Marco sa papunta sa bulto ng mga tao. "Kuya Duke saan pupunta si kuya Marco? Tara sundan natin."
"Divina? Ikaw ba si Divina?"
"Hindi po," sagot ng babae.
Iniisa-isa ni Marco ang bawat babaeng nakikita niya. Alam niyang mayaman ang pamilya ni Divina at pala-simba dahil sa kwento niya sa telepono. Mas mainam para kay Marco na maaga niyang tyempuhan na makita si Divina ngayon.
"..Ano ba pangalan mo? Ikaw ba si Divina?"
Paubos nang paubos ang laman ng loob ng simbahan. Ilang sandali, nakasama na niya sina Ava at Duke na nagtatanong kung ano ginagawa niya dahil sa kakatanong ng mga pangalan sa bawat babaeng nakikita niya.
"Halika na, Divina. Ano pa ginagawa mo diyan? Hinihintay ka na ni señora," tawag ni Juancho kay Divina kasama si Ceding malapit sa harapan dambana.
"Mauna na kayo. May sasabihin lang ako kay Father Luis," pagpapaalam ni Divina.
"Siya 'yun, Marco. Nasa harapan."
Dali-dali naman dumako ng tingin si Marco sa sinasabi ni Duke. Isang babae na may sopistikadang ganda, hindi pa rin nagbabago. Mahaba ang buhok at nakaayos. Ang babaeng nailigtas niya! Bakit andito siya? Kinakausap niya ang isang matandang pari. Dito na lumapit si Marco sa kinaroroonan nila. Mukhang nagulat ang pari nang makitang lumalapit si Marco sa kanila hanggang siya ay nag-antada.
"Siya ba 'yan na sinasabi mo?" Bulalas ng matandang pari.
"Hindi po siya, Father," sabi ng babae at agad ngumiti kay Marco nang nagkaharap na sila.
BINABASA MO ANG
My Last's Beginning
Romance"Ang pag-ibig, walang nakikitang panahon, walang nakikitang wakas." -Divina Buenacer, 1957 The remake story is now here! ☎️💕☎️💕☎️💕☎️💕 Si Marco Perez, isang photographer at history enthusiast, ay makakabakasyon sa isang tagong probinsya sa Pulil...