Medyo mainit ang suot ni Divina -- dilaw na pinagmamalaking Filipiniana, kulay abong champagne na alampay, at may saya na nakatapis sa kanyang beywang. Pero pinapaypayan naman siya ni Ceding habang inaayusan siya ng mga alalay ni señora Amelia. Naiinip na si Divina. Inayos na lang niya ang kanyang buhok na maayos nakapusod. Malapit na ang pagsapit ng alas-seis.
"Hindi pa ba tapos? Ayos na ito para sa akin," sambit ni Divina na gusto na umalis sa kinauupuan.
"Kaunti na lang, señorita. Inaayos pa po namin ang pagkolorete sa inyo," sagot ng babaeng alalay.
Sumilay ng maasim na ngiti si Divina. "Na-bobored na ako," bulong niya sa hangin.
"A-Ano? Ano iyon, señorita? May sinabi kang hindi ko maitindihan," pagtatakang tanong ni Ceding.
"Wala iyon, Ceding. May natutunan lang ako sa pagbabasa ko," ngiting sagot ni Divina.
"O baka naman iyang binatang Maynila, señorita," bulong ni Ceding sa tainga ni Divina na kanyang ikinangiti nang husto.
"Ayos na ba si Divina?" Bungad ni señora Amelia nang pumasok siya ng kwarto ni Divina. "Sobrang ganda mo, Divina. Matutuwa lalo si Juancho sa 'yo."
Ito naman ay ikinasimangot ni Divina dahil makakasama niya ito sa prusisyon nila. Lalo pang naging malamig si Divina nang makita na niya si Juancho na nakasuot ng barong Tagalog kasama si señor Miguel sa labas ng kanilang bahay. Naghihintay. Hinawakan agad ni Juancho ang kamay ni Divina at kanya itong hinalikan.
"Napakaganda mo, aking asawa. Mukhang makakasal na tayo nito," tuwang sabi ni Juancho nang makaharap na si Divina.
Ngumiti na lang si Divina habang mabilis pinunas ang kanyang kamay na hinalikan ni Juancho sa likod ng kasuotan ni Divina. Natuwa si Ceding nang makita ito na nasa likuran lang ni Divina. Mabuti na lang hindi nakita ng mga kasamang alalay sa kanyang gilid at lalo na si señora Amelia na kinakausap si señor Miguel.
***
Habang abala si Aling Ceding sa paghahanda ng pagkain na maihahain mamayang gabi, si Marco naman ay inaayos ang kanyang dslr na camera. Mismo si Marco ang nagbigay ng perang paghanda na pagkain dahil sina Aling Ceding at ang kanyang apo na si Kiko ay walang kakayahan na maghanda sa pagdaan ng mga panahon tuwing sasapit ang piyesta ng bayan. Hindi ito tinanggap noong una ni Aling Ceding dahil sa pagkahiya pero nagpumilit pa rin si Marco na magsalo-salo silang lahat para rin may kasiyahan ang buong bahay.
"Magkakaraoke tayo, Aling Ceding ha," sabi ni Marco habang inaayos ang kanyang kamera nang pumasok siya sa kusina.
"Sasabihan ko si Kiko dyan," sagot ni Aling Ceding habang nagluluto ng kakanin. "Pupunta na ba kayo ng simbahan?"
"Opo, sabay kami ng kapatid ko at si Duke. Sige po, Aling Ceding. Uubusin po natin lahat ng putahe ninyo mamaya pag-uwi namin," tuwang sabi ni Marco bago magpaalam.
"Marco - teka lang - ang sulat na binigay ko sa 'yo, kaninong galing 'yun?" Tanong ni Aling Ceding.
Biglang napaisip sandali si Marco. Naalala niya ang sinabi ni Divina sa telepono na huwag ipapaalam sa iba na nag-uusap sila sa telepono sa kadahilanan na maaaring may magsumbong sa kanyang mga magulang at pagbawalan siya sa paghawak ng telepono. Pero naikwento na niya ito kina Duke at Ava nang pahapyaw lamang kaya tiwala naman siya sa kanila. Maliit lang ang Sitio Verde at alam ni Marco na kilalang-kilala ng matanda ang sikat na pamilya ng Buenacer dahil sa lawak ng hacienda nila dito.
"Wala 'yun, Aling Ceding. May maliit na bata kasing nangungulit sa akin dyan, bagong kakilala ko po. Gusto magpa-picture. Maraming tanong tungkol sa Maynila. Ngayon lang po kasi siya nakakaalam ng modern na mga bagay kagaya sa dslr camera," pagsisinungaling ni Marco nang maalala niya si Divina na hindi pa raw siya nakakahawak ng dslr camera.
BINABASA MO ANG
My Last's Beginning
Romance"Ang pag-ibig, walang nakikitang panahon, walang nakikitang wakas." -Divina Buenacer, 1957 The remake story is now here! ☎️💕☎️💕☎️💕☎️💕 Si Marco Perez, isang photographer at history enthusiast, ay makakabakasyon sa isang tagong probinsya sa Pulil...