Huling Bahagi

54 11 0
                                    

[ HULING BAHAGI ]

Lumabas siya sa bahay ng kaniyang lolo at nagpasiyang maglaro at maglibang sa bakuran nito, naabutan niya ang tatlong batang naglalaro sa labas ng bakod, lalapit sana siya upang makipaglaro nang pagbabatuhin siya nito ng maliliit na bato, “Alvin Albino, pwe! Ang bantot ng pangalan mo, umalis ka nga rito, ayaw ka naming kalaro!” Singhal sa kaniya ng pilyong bata na ka-edad niya.

Alvin Albino, iyon parati ang tukso sa kaniya ng mga batang ka-edad niya, lalo pa ng mga pilyong batang iyon. Napailing na lamang siya’t nagtago sa likod ng malaking puno, ang mga batang iyon ang palaging nanunukso sa kaniya tuwing umuuwi siya noon dito sa kaniyang Lolo, hindi niya lubos akalain na hanggang ngayon ay hindi pa nagbabago ang mga ito.

Isusumbong ko kayo sa mga kaibigan kong Engkanto!” Mangiyak-ngiyak na singhal niya pabalik sa mga bata.

Tinawanan lang siya ng mga ito at nagpatuloy sa pang-aasar. “Hala ka! Si Alvin Albino ay nababaliw na. Nag-uulyanin na rin gaya ng lolo niya!” Kantiyaw muli sa kaniya ng mga pilyong bata.

Sa galit niya’y bigla siyang lumabas sa pinagtataguan niya at hinarap ang mga batang nanunukso sa kaniya.

“Si Alvin Albino! Maligno! Takbo!” Muling sigaw ng mga bata matapos makita ang mabilis na pag-iiba ng kaniyang anyo habang siya’y naglalaway at natatakam sa nakikita.

Ang kaniyang murang balat ay napalitan ng nakatatakot na anyo, tumalas ang kaniyang mga kuko at ngipin, humaba ang kaniyang itim na buhok at balahibo at tinubuan siya ng maliit na sungay at buntot.

“Alvin!” Pamilyar ang boses na tumawag sa kaniya, pumihit siya’t hinanap ang pinanggalingan niyon. Nang makita kung sino ay saka lamang tumigil ang pagbabago sa kaniyang anyo, – ang Engkantada sa panaginip niya kasama ng kaniyang Lolo Segundo.

Tuluyang nawala ang nakatatakot niyang anyo, kasabay ng pagguhit ng matamis na ngiti sa kaniyang labi.  Binalot siya ng kakaibang liwanag na nagmumula sa markang nasa likod ng kaniyang kanang kamay, at nang tumila ito ay saka niya lamang napagtanto kung sino at ano siya.

“Apo, isa ka nang ganap na Engkanto!” Dinig niyang sigaw ng kaniyang Lolo habang siya’y marahang pinakikiramdaman ang sarili. Huli na nang napagtanto niyang ang kaniyang anyo ay tulad na sa Engkantong katabi ng kaniyang Lolo. Kasunod niyon ay ang paglitaw ng isang portal patungo sa mundo ng pantasya kung saan nakatayo at naghihintay ang kaniyang Ina.

“Ay bitin!” Tiniklop ni Alvin ang librong binabasa niya’t sinipat ang sarili sa harap ng salamin. “Bakit gano’n? Bagay naman akong maging Engkanto, ah. Ang pogi ko kaya para maging isang engkanto,” reklamo nito sa sarili habang pinaglalaruan ang tainga, ginagaya niya ‘yong tainga ng engkanto sa TV at sa librong nabasa niya.

“Alvin, ano ba ‘yang ginagawa mo riyan? Kanina ka pa riyan ah,” saway ng kaniyang Ina nang madatnan siya nito.

Sumimangot siya’t itinigil ang ginagawa, “Eh, Ma, paano ba kasi maging matulis ang tainga ko? Tulad sa mga engkanto, ‘di ba ang astig no’n.”  Bagsak-balikat na baling niya sa Ina. Pero agad siyang natigilan nang mapagtanong ganoon nagsimula ang kuwento sa binasa niyang libro.


Wakas!

🎉 Tapos mo nang basahin ang Alvin Albino, Ang Batang Engkanto! (Completed) 🎉
Alvin Albino, Ang Batang Engkanto! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon