Ikalawang Bahagi

79 7 0
                                    

[ IKALAWANG BAHAGI ]

Sakay ng kotse ay tahimik nilang binabaybay ang malubak na daan papasok sa baryo kung saan nakatira ang kaniyang lolo Segundo. Sumilip siya sa bintana ng kotse at pinagmasdan ang paligid; lumalalim na ang gabi at pansin niyang walang kuryente sa mga bahay na nadaanan nila.

Napabuntong hininga na lamang siya’t tumingin sa gawi ng kaniyang Ina na tahimik na nagmamaneho, muli na namang sumagi sa isipan niya ang tanong na palaging gumugulo sa kaniya, “Nay, paano po ba ako magiging isang Engkanto?”

Sa gulat ng kaniyang Ina ay bigla nitong naapakan ang preno ng kotse dahilan upang pwersahan silang mapahinto, muntikan pa siyang masubsob sa likod ng front chair dahil sa lakas nito.

“Alvin, ano ka ba! Hanggang dito ba naman ‘yan pa rin ang nasa utak mo.” Inis na wika ng Ina bago muling nagpatuloy sa pagmamaneho habang pilit ginugulo ng mga katagang “Marahil oras na upang malaman niya ang totoo, ngunit paano?”

Napabusangot na lamang siya at hindi na nagsalita, ilang sandali pa ay nakarating rin sila sa tapat ng maliit na barong-barong ng kaniyang lolo Segundo. Dali-dali siyang bumaba at halos patakbong nagtungo sa kinaroroonan ng kaniyang lolo.  Hinintay nilang  makababa ang kaniyang Ina bago sila pumasok sa loob.

Alvin Albino, Ang Batang Engkanto! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon