Ikapitong Bahagi

60 12 0
                                    

[ IKAPITONG BAHAGI ]

"Hindi na iyon mahalaga, ang mabuti pa ay bumalik ka na sa pinanggalingan mo't ipaliliwanag sa'yo ng Lolo mo ang lahat."

Muling bumagsak ang balikat niya dahil sa narinig, "Pero isa naman akong Engkanto, hindi ba? Bakit hindi ako puwede rito?"

"Mapanganib ang mundong ito para sa'yo, bata. Mas mabuting bumalik ka na, bago dumating ang mga duwende at tikbalang," tugon ng Engkantadang nasa tabi niya.

"Duwende saka tikbalang? Gusto ko silang makita! Gusto ko silang maka-shake hands, gusto kong malaman kung gaano katangkad ang duwende at gusto ko ring sumakay sa tikbalang. Sige na, please." Pagmamakaawa niya pero walang naging reaksyon ang mga Engkanto.

"Bumalik ka na, hinihintay ka na ng lolo mo." Iyon ang huling narinig niya sa mga Engkanto bago tuluyang lumiwanag ang marka sa likod ng kanang kamay niya. Pagmulat niya'y bumungad sa kaniya ang nag-aalalang mukha ng kaniyang lolo.

"Apo! Mabuti naman at gising ka na, akala ko ay napano ka na, tumayo ka na riyan at humupa na ang hamog. Uuwi na tayo, hindi na tayo tutuloy sa taniman dahil mukhang kulang ka pa sa tulog." Inalalayan siya ng kaniyang lolo na makatayo habang siya'y wala pa rin sa sarili.

"Sandali, nasaan na ang mga Engkanto?" Natigilan siya nang mapagtantong nakabalik na pala sila sa bahay ng kaniyang lolo nang hindi niya man lang namamalayan.

"Nanaginip ka lang siguro, apo. Huwag mo nang intindihin iyon," sambit ng kaniyang lolo na kaniyang ikinakunot-noo.

Hanggang ngayon ay iniisip niya pa rin ang mga Engkanto at ang mga sinabi nito sa kaniya, hindi niya man lubos maunawaan kung totoo nga ba ito o isa lamang panaginip, ang makita at makapunta sa mundo ng mga Engkanto ay isa nang malaking katuparan sa kaniyang hiling lalo pa't sa mundo o panaginip na iyon ay isa siyang Albino o isang batang Engkantado.

Alvin Albino, Ang Batang Engkanto! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon