[ UNANG BAHAGI ]
Ilang minuto nang nakikipagtitigan ang batang si Alvin sa kaniyang sariling repleksyon sa salamin. Tulad nang nakasanayan niya, tinitiklop-tiklop niya ang kaniyang tainga para maging matulis ito gaya ng mga napapanood niya sa TV.
“Bakit gano’n? Bagay naman akong maging Engkanto, ah. Ang pogi ko kaya para maging isang engkanto,” reklamo nito sa sarili habang pinaglalaruan ang tainga, ginagaya niya ‘yong tainga ng engkanto sa TV.
“Alvin, ano ba ‘yang ginagawa mo? Kanina ka pa riyan ah,” saway ng kaniyang Ina nang maabutan siya nito sa loob ng kwarto.
Sumimangot siya’t itinigil ang ginagawa, “Eh, Ma, paano ba kasi maging matulis ang tainga ko tulad sa mga engkanto? ‘Di ba ang astig no’n.” Bagsak-balikat na baling niya sa Ina.
“Maryosep! Alvin, anak. Hanggang kailan ka ba titigil sa ka-e-engkanto mo, buong linggo ko nang naririnig ‘yan sa’yo. Mabuti pa ay maligo ka na at pupunta tayo sa Lolo mo, doon ka muna pansamantala habang bakasyon.”
Nagningning ang kaniyang mga mata nang marinig ang sinabi ng Ina, “Talaga po? Yehey! Tiyak may Engkanto roon! Makakakita na ako ng Engkanto, yehey!” Nagtatalon pa ito sa sobrang tuwa.
Napakamot na lamang din sa ulo ang Ina, iniisip na marahil ay impluwensya lamang iyon ng panonood ng TV, pero sa loob-loob niya’y hindi siya mapakali; nangangamba sa maaaring kahantungan ng kakaibang ikinikilos ng anak.
BINABASA MO ANG
Alvin Albino, Ang Batang Engkanto! (Completed)
KurzgeschichtenSa murang edad ni Alvin, isa lamang ang hiling niya- ang maging isang engkanto at ang makapaglakbay sa mundo ng pantasya. Malayo sa paniniwala ng iba, naniniwala siyang totoo ang mga engkanto at mababait sila. Pero hanggang saan siya dadalhin ng kan...