CHAPTER ONE

13 1 0
                                        

Chapter 1

"Cheers!" Sigaw ng kaibigan kong si Bea habang itinataas ang baso na may laman na alak. Itinaas din niya ang kamay ko. Ayaw ko sana pumunta dito pero pinilit nila ako.

"Enjoy ka na lang, Stefanie! Ako ang bahala sa 'yo!"

"Kailan ka nga ba huling pumunta dito, Stef? 3 years ago? Before pa maging kayo ni Alex?" Nangaasar na tanong ng isa ko pang kaibigan na si Katriz. Whatever!

"Ang love kasi, Stef, hindi hinahanap. Kusa iyang dumadating."

"Pero kapag naglaro si tadhana, kailangan mo siyang sabayan. Huwag kang magpapatalo dahil sa huli, ikaw ang iiyak."

Ayaw kong uminom pero dahil sa sinasabi nila, ininom ko ng straight ang alak sa
aking baso. Naghiyawan naman sila.

"I'm sorry, Stefanie. It's not you, it's me."
"I fell out of love. I don't deserve you."
"I'm inlove with someone else."

Ilan lang 'yan sa linyang narinig ko noong nakipaghiwalay sa 'kin si Alex. Siya ang
una kong minahal sa buong buhay ko. At ako itong si gaga, naniwala na siya na ang destined para sa 'kin. First and last love, my ass. He cheated. Pinagsabay niya kami ng babae niya. Minsan napapatanong na lang talaga ako sa sarili ko, 'am I not
enough'? 'kapalit kapalit ba ako?' 'Pangit ba ako?'.

Dalawang taon rin ang itinagal ng relasyon namin ni Alex. Akala ko talaga siya na
ang itinadhana sa akin. Napaka bait niya, gentleman, sweet din. Lahat ng hahanapin mo sa isang guy ay nasa kanya na. Pero kahit pa gaano siya kabait, kagentleman, at kasweet, once a cheater, always a cheater. Nakabuntis siya ng ibang girl and they're
getting married. Sinabi niya iyon sa 'kin nung anniversary namin. Well that was 6 months ago. Wala na akong balita sa kanya at wala na akong pakealam.

"Woah there, Stefanie! Chill! Kararating lang natin!" Sigaw ni Bea. Hindi kami
masyadong magkarinigan sa lakas ng music dito sa Central.

"Kumusta na ang puso mo ngayon, Stef? Naniniwala ka pa ba sa destiny what-so-ever?"

"Destiny? My ass. Tatanda na akong dalaga and I don't care at all! Magparty na lang
tayo!" Tumayo kami at pumunta sa dance floor para magparty.

Sabi nila ang taong nakadestined daw sa atin ay baka nandiyan lang sa tabi tabi, hindi lang natin napapansin. Pero bakit ganoon? 27 years na ako sa mundong ito, hindi man lang siya lumalapit sa 'kin? Kailangan ko pang pagdaanan na lokohin ng iba para lang makita siya?

Katulad ng paghalo halo ng alak na iniinom ko at naghahalo na rin ang nararamdaman ko. Happy sa kani-kanilang lovelife sina Bea at Katriz, at ako heto napagiwanan na. Masyado daw kasi akong pihikan. Ganoon ba talaga kapag nagiingat kang hindi masaktan? Iyong sama ng loob at pagmamahal ay naghahalo na kagaya ng paghahalo ng mga alak na iniinom ko ngayon.

"Girls, be careful ha. May nababalita ako dito na may manyak daw na naguuwi sa
girls na lasing na lasing. Basta kapag feel ko wasted na kayo, call me ha. Tapos uuwi na tayo," Paalala ni Bea sa 'min. Hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi niya
kaya um-oo na lang ako. Anong tingin niya sa 'kin, hindi nagiingat sa ganitong lugar?

"Hey!" Medyo napatigil pa ako para matingnan ang makisig na lalaking
nakikipagsayaw sa 'kin ngayon.

"Hey!" Bati ko rin sa kanya. Sabay naman sa tugtog ang pagindak namin.

"Your name, please?" Kinilig ako nang nakita ko ang nakakaantig niyang ngiti.

Nagulat naman ako ng biglang pumunta ang kamay niya sa likod ko at hinila ako
palapit sa kanya.

Date With DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon